4, matalino ang utak ko pero hindi ang puso ko

106 2 0
                                    

Nakarating na rin ako sa bahay nila Jade at agad kong tinapos ang project namin.

I mean lahat naman tumulong pero kung iisipin mo ang way ng na contribute mas malaki parin talaga ang na contribute ko.

"Grabe ang talino mo talaga Ashlyn!" Puri ni Ceazar ang dakilang bakla.

"Matalino nga ang utak pero ang puso hindi." Comment naman ni Beverly ang pinakabest friend ko talaga, grabe ka bitter niyan at alam niya din ang mga pinagdaanan ko.

Tinignan ko siya ng masama pero nginisihan niya lang ako, kahit kailan talaga.

"Okay tapos na tayo, dahil kay Ashlyn!" Sabi naman ni Queen bago tumayo ganoon din ang ginawa nila Finn.

"Geh, alis na kami. Tara Ashlyn bili tayo Gong Cha." Sabi ni Beverly, nagpaalam na kami kila Jade at nagpasundo na sa driver namin at pinadrop off kami sa mall.

Nandito kami ngayon naglalakad habang sinisipsip ang Gong Cha namin.

"So, nakita mo siya.." hindi pagtatanong yung tono niya, more like a statement.

Hayst, kilala niya talaga ako.

Siya ba naman ang palagi kong nirereklamuhan tungkol sa buhay ko for the past 3 years!

Buti nga di siya nagasawa eh at nanatili parin siya sa aking tabi.

"Oo, grabe madaming nagbago sa kaniya. Mas lalo siyang gumwapo kaya lang... Ang sakit pala na makita siyang may kasamang iba..." At after 3 years umiyak na naman ako, ng dahil sa kaniya sa harap ng isang tao, ng hindi ko tinatago...

Agad naman ako niyakap ni Beverly.

"Ashlyn...okay lang yan..." Comfort niya.

"Bakit ba kasi ang complicated ng love? Bakit walang guide sa pagibig? Kung meron, sana napagaralan ko at ng hindi ako nasasaktan ng ganito.tama ka nga kanina, matalino ang utak ko pero hindi ang puso ko."Sabi ko habang umiiyak.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Nathan at nakatingin siya sa akin.

"B-Beverly--"Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko nagring ang phone ni Beverly.

"Ano yun Ashly?"Tanong niya.

"Ah wala, sige sagutin mo na yan. aalis na rin ako."Sabi ko tumungo naman siya at kinuha ang bag niya at sinagot ang tawag.

Dali-dali akong tumayo at naglakad paalis.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko, nandito kami banda sa may parking lot at wala masyadong tao, halos walang tao.

Lumingon ako at nakita ko siya, nakita ko na naman ang mukhang inibig at iniibig ko.

"Ash..."

MUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon