3, nakita kita pero ako hindi mo ako nakita

151 2 0
                                    

Nagmamadali akong magbihis dahil alam ko na traffic din.

"Ma, pa. Alis na po ako!" Sigaw ko at agad na sinuot ang sapatos ko.

Agad akong tumakbo sa kotse at nagdrive na si manong driver.

Alam na rin ni manong driver yung pupuntahan.

"Ma'am pa gas po muna tayo." Sabi ni manong kaya tumungo ako.

Kinuha ko ang phone ko at dinaial ang number ni Jane.

"Hello, Jane. Malelate ako ng konti nagpagas pa kasi kami isama na rin yung traffic." Sabi ko.

"Ah okay lang, Basta makapunta ka baka Wala tayong magawa eh. Ikaw pa Naman ang inaasahan." Sabi niya at sabay kaming tumawa.

"Sige, see you Jane." Sabi ko bago binaba ang phone.

Ganoon talaga, ako parin ang inaasahan sa grupo dahil panigurado ako na wala silang magagawa pag wala ako!

Lalo na nandoon yung maingay na bakla!

Parang nakaramdam ako ng gutom bigla...

"Manong may bibilhin lang po ako."Paalam ko bago bumaba ng kotse.

Pumasok ako sa may convenience store na malapit...

Kumuha ako ng royal in can at Breadpan!

Pumila na ako at agad nanlaki ang mata ko ng makita ang pumasok sa store.

Ay gashu!!! Bakit ba siya pa ang makikita ko.

Ang gwapo niya parin!! 

Hayst! ?Tigilan mo na nga yang kabaliwan mo Ashlyn wala ng kayo!

Ay mali, hindi nga pala kayo naging kayo!

"Babe!"Nagbadyang tumulo ng mga luha ko ng pumasok ang isang magandang babae at pumulupot sa braso niya...

"Miss, ikaw na."Tawag ni ate na nasa cashier.

Agad akong nagbayad...

Oo nga pala dakila kang playboy...

Ng tapos na ay lumabas na ako, naramdaman ko ang pagdaplis ng mga balikat namin bago ako tuluyang nakalabas ng store.

Agad akong pumasok sa kotse at nakita ko na nagbabayad na si manong kaya wala siya ngayon sa loob kaya doon na ako umiyak.

Nakita kita pero hindi mo ako nakita...

Nasaktan na naman ako ng hindi mo alam...

Akala ko pagtumigil na ako ay hindi na ako masasaktan ng tulad dati...

Ay mali hindi nga pala ako tumigil na mahalin ka...

Ang problema lang wala naman ata yun sayo...


MUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon