"Ang ganda mo anak!" yan ang bungad sa akin ni mama pagkalabas ko ng kwarto ko, niyakap naman nila Bev at Jade ang magkabila kong braso.
"Diba tita! Ako nagmake-up diyan!" pagmamalaki ni Jade, ewan ko ba diyan sa kanila naging ka-close na lang bigla si mama nakalibre tuloy ng merienda.
"Ano anak, ipapahatid ko na ba kayo kay Manong?" tanong ni mama na siyang tinanggihan nila Bev.
"Wag na ho tita, dadaan po dito yung van nila Nella. Sabay-sabay po kasi kaming pupunta," sabi naman ni Bev napangiti naman si mama.
Mukhang approve siya kila Bev. Ngayon lang kasi nakilala ni mama sila Bev. Never niya pa ding na meet sila Darchell, dahil nga sa training nila anf wala din namang dahilan para pumunta sila sa bahay e.
Narinig naman na namin ang busina ng van kaya naman nagpaalam na kami kay mama.
"Pag-successful ang pakulo niyo sagot ko na yung celebration party," sabi naman ni mama kaya naman bumeso pa talaga sila Bev at Jade mga loko talaga.
Paglabas namin ng bahay agad na binuksan ni Jade yung van, napanganga naman sila ng makita ako.
"O to the M to the G...." na sabi na lang ni Sasha.
"Na inlove ata ako bigla," sabi naman ni Kira.
"Pards, nagmukha kang tao bigla," sabi naman ni Nella.
"Ate pede po ba manligaw?" at nagdalagang pilipina pa talaga si Isabella, Sab in short.
"Kadiri ka sab!" sita naman ni Nella na naka-costume din, yung sa fruit basket na blonde ang buhok yun yung cosplay niya ahaha.
Bagay sa kaniya sa totoo lang.
"Himala di ka nag sailor moon Jade," pangaasar ni Sasha kay Jade.
"Baliw! Trip ko si Lucy Heartfillia e pake mo," sabi naman ni Jade, malaki naman yung ehem niya kaya pasado ahahaha charot.
"Wew ako lang hindi blonde," sabi naman ni Sab, hala oo nga noh!
"Wew Nezuko, teka paano ka makikipag halubilo sa customers ng may ganyan sa bibig?" Tanong naman ni Bev, pasakay na kami ng van.
Sinara na ni Nella ang pinto kaya naman naka-alis na din kami. Mamaya malate pa kami dahil sa kadaldalan namin.
"Di naman kasi ako mags-serve, sa booth lang ako magpapa-picture ganoon," sabi naman ni Sab.
"Bagay sayo Sab," nakangiting sabi ko.
"Asus, wala akong Moo Melon para ibigay sayo Ashley," napatawa naman ako, grabe naman sila sa akin parang mukhang Moo Melon ako pero parang ganoon na din ahahaha.
"Bagay nga sayo pards, parehas kayo ng height e," agad naman binatukan ni Sab si Nella, aguy ba't nila pinagtabi ang dalawa.
Pikunin pa naman si Sab habang pala-asar si Nella. Ay hala, may naalala ako bigla...
"For once Ash, give yourself a break. Your heart needs it," sabi naman ni Bev, kilala niya na talaga ako.
Binigyan ko naman siya ng ngiti. Right, dapat mag-enjoy ako today.
----
"Yiee, sikat na sikat ka Ash ah!" sabi ni Finn habang na sa cashier.
"Kaya nga, ang daming nagr-request sayo! Rounds kayo sa campus nila Sab para mapromote ang booth natin. Break niyo na din yun," sabi naman ni pres kaya nagsitunguhan kami.
Wah! Makakapaglibot-libot na din ako!
"Tara na!" Excited na sabi ko kaya naman nagsunuran sil Bev.
Naglibotlibot kami at nakakuha kami ng attention kaya naman sinabi na namin ang tungkol doon sa cafe namin. May mga nagpapa-picture pa nga sa amin e!
"Try natin yung horror house mamaya!" sabi naman ni Nella at agad naman ako tumanggi, ako pinakaduwag sa amin.
"Sige na Ash! Promise bibilhan ka namin ng sandamakmak na Moo Melon!" Sabi naman ni Kira habang nakataas pa ang kanang kamay.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo. Nako naman, duwag pa naman ako diyan! Para so Moo!
Nagtatawanan kami ng may makabunggo si Jade.
"Woah, Lucy..." Natigilan ako, nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang gulat ko ng makita siya.
"O-oh," na sabi naman ni Bev, humigpit ang kapit ko kay Nella.
"Bakit Ash?" Wrong move, na baling sa akin ang attention niya.
Nanlaki din ang mata niya ng makita ako. Parang tumahimik bigla ang paligid.
"Kuya an--ATE LEY!" Napangiti naman ako ng yakapin ako ni Natalia, kababatang kapatid ni Nathan.
"Ate ley! Musta ka na? Di ka na pumupunta sa bahay, inisip ko tuloy galit ka sa akin," nakapout na sabi ni Natalia, magkaugali talaga sila ng kuya niya matampuhin.
"Sa akin siya galit Tali," sabi naman ni Nathan habang nakatingin sa akin.
"Maguusap tayo mamaya kuya, hmph. Anyway wahh ang ganda mo Ate!" Napangiti naman ako, ang kulit talaga ni Talia.
"Yeah, you look very beautiful Ley," ganoon na lang ang tibok ng puso ko ng tawagin niya ako sa nickname na binigay ng mommy niya, close ako sa family niya e kaya lang di na masyado since nga noong ngyari.
"Picture kayo Ashley!" Pinanlakihan naman namin ni Bev si Sasha, ang bunganga talaga ng babaeng ito.
"Yiee si kuya," pangaasar naman ni Natalia at tinulak pa talaga si Nathan sa akin kaya mas lalo kaming naging close.
Weird, I still feel safe and comfortable when he's around. Akala ko magiging awkward na, it's been 3 years since we've been this close.
Nagulat naman ako ng hapitin ni Nathan ang bewang ko for the picture. Ngumiti naman ako sa camera.
"I want to talk to you later, meet me later in lunch?" Tanong niya habang nakangiti kaya napatingin ako sa kaniya, napatingin din siya sa akin.
Natigilan ako, those eyes. Then realization hit me, yun yung mga matang minahal at minamahal ko. The first thing that I fell in love with in his being is those pair of eyes.
Na kahit isa siyang playboy. Na kahit ilang besses akong pagsabihan ng mga kaibigan namin na wag ma-fall, nahulog ako. Not because of his handsome face, but because of his eyes. Eyes that seems to talk to my soul.
"Nuks! Mukhang in love!" Na balik ako sa ulirat ng marinig ang hiyaw ni Nella, that's my que to make a distance.
"I'll wait for you at the garden," napatango na lang ako.
"Bye Ate Ley! Chat mo ako ah!" Ngumiti naman ako at kinawayan si Natalia bago sila umalis ng kuya niya.
May malungkot na ngiti ang sumilay sa aking labi. How I wish we can go back, but no. Hindi e, I ended it that night. What we had, I ended it...
"Oh ba't ka malungkot? E ang saya saya ng mata mo kanina!" Napabaling naman ako kay Kira.
"Don't deny it Ash, sino yung lalaking yun sa buhay mo? Your eyes were shinning!" Sabi naman ni Jade na siyang tinunguhan ng lahat, napailing naman si Bev.
"He can't give me what I can give him," sabi ko naman habang tinatanaw ang likod niya.
"Oh really? Based sa nakita namin parehas ang mga mata niyo. Mukha nga kayong mag-asawa!" Napailing naman ako kahit na ramdam ko ang init sa aking pisnge.
"Nananadya lang talaga si tadhana," sabi ko naman.