Chapter 4

12K 370 5
                                    

Freya's P.O.V.

(Flashback)
huling bahagi ng video

Mahimbing akong natutulog sa higaan ko nang magising ako dahil parang may humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at tinitigan kung sino ang pangahas. Nagsalubong lang ang kilay ko makita ang puting lobo na dinidilaan ako sa pisngi na tila ba ginigising ako.

"Anung oras pa lang inaantok pa ako..." Ungol ko saka kinuha ang unan at itinakip sa mukha ko. Narinig ko ang tila inis na pagkahol nito. Kasunod niyo ay naramdaman ko ang pagkagat nito sa kumot ko upang hilahin iyon paalis sa katawan ko.

This wolf sure is a demanding one. Nang hindi pa din ako tumayo ay umakyat ito sa kama at kinagat ang unan na nakatakip sa mukha ko at pilit iyong hinila. Nakipaghilahan ako sa kanya pero dahil kalahati ng kaluluwa ko ay tulog pa kaya walang kahirap hirap niya itong nahila at itinapon sa sahig. She growls at me while I'm still in the process of picking up the small pieces of my consciousness.

"Eto na oh tatayo na sige na!" Nakasimangot na sabi ko at saka humarap dito.

Bumaba ito ng kama at lumapit sa pinto ng kwarto na bahagyang nakabukas. Lumingon pa ito sa akin na tila sinisiguradong hindi na ako babalik sa pagtulog. Asar na tumayo ako at saka kinuha ang kulay pulang panlamig ko. Nang makita nitong nakabihis na ako ay lumabas ito ng kwarto.

Nakasimangot na lumabas ako ng kwarto. Bahagya pa akong nagulat ng makita si Meily sa labas ng silid na may hawak na camera. "Inutusan mo ba yung gisingin ako?" Taas kilay kong tanonh dito.

"No! I did not." Depensa nito. "Nagtitimpla lang ako ng gatas ng pumasok siya sa kwarto at pinipilit kang gisingin kaya vinideo ko." Sabi nito.

"Grrrr!!" Sabay kaming napalingon ni Meily sa pinto palabas ng van. Nandoon ang lobo at tila nainip na sa paghihintay na sumunod kami. Nagkibit balikat lang ako at humakbang papunta sa pinto sa likod ko naman ay nakasunod si Meily hawak ang videocam.

Binuksan ko ang pinto at saka humakbang palabas. "O sige na nandito na ako sa labas, anu ba ang gusto mong—." Napatigil ako sa pagsasalita nang maagaw ang paningin ko ng napakagandang kalangitan. "It's beautiful.." puno ng paghangang usal ko habang nakatingin sa malawak na kalangitan na kung saan nagsasayaw ang Aurora.

"Wow!" Humahangang sambit ni Meily sa likod ko at saka sinimulang kunan ang Aurora sa kalangitan.

"Aurora..." Mahinang saad ko saka tumingin sa lobo na nakatingala din sa kalangitan. Tumingin din ito sa akin na tila ba naramdaman nito ang pagtitig ko. "Can I name you Aurora?" Tanong ko dito. Kumahol ito ng dalawang beses habang iwinagayway ang buntot.

"I think she likes it." Nangingiting sabi ni Meily.

I think so too. Pero hindi ko na iyon isinatinig. Umupo ako sa snow at saka tumingalang muli sa kalangitan. This is surely one of those rarest happenings that I will surely treasure forever.

"Grrrrr!" Untag sa akin ni Aurora kaya napalingon ako dito. Naglakad ito papunta sa unahan. Parang doon ko lang din napansin ang ilang bulto ng lobo sa paligid. Bigla akong napatayo mula sa snow.

"Freya?" Naalertong tawag ni Meily sa atensyon ko marahil ay napansin na din nito ang mga lobo sa paligid.

"It's fine meily. They won't hurt us." Pagpapakalma ko dito.

Lumapit si Aurora sa isang lobo. Napansin kong tila may inilapag sa snow ang itim na lobo gamit ang bibig nito na siya namang kinagat ni Aurora mula sa snow.  Naglakad pabalik sa akin si Aurora kagat-kagat ang kwintas at inilapag ito sa harap ko. Umupo ako ng patingkayad upang magpantay kami.

Kinuha ko ang kwintas sa snow. "This is for me?" Sabi ko sabay harap ang kwintas dito. Napansin ko ng pagkiwal ng buntot nito na para sa akin ay tanda ng pagoo nito.

"Thank you." I said ang hug the wolf tight. Its a very simple crocheted necklace but what makes it special is the 'diamond shape' diamond pendant on it.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Aurora at isinuot ang kwintas. "How does it look?" I asked the wolf na tila ba maiintindihan ako nito. Aurora howls as if saying something to answer my question but I'm not princess sofia so I can't understand it. I tap its head and smile. " I hope that i can understand that."

Tumalikod si Aurora at nagsimula nang humakbang pabalik sa mga kasama nitong wolf. I know that this is goodbye. She belongs to the wild and she should be in the place where she belong.

"Goodbye Aurora, wag ka na uling magpapahuli sa hunter okay?" Sabi ko habang naglalakad ito palayo. Nakaramdam ako ng lungkot. Nagsimula na ring sumunod dito ang mga kasama nitong wolf at Maya-maya pa ay nagsimula nang tumakbo ang mga ito palayo hanggang sa hindi ko na maaninag ang mga ito.

Umupo ako sa snow at tumingala sa kalangitan. Naramdaman ko ang paglapit ni Meily at pagupo sa tabi ko. "She is like this beautiful dancing lights." Usal ko habang nakatitig sa Aurora sa kalangitan. "She's very special but I cannot keep her beside me. All I can do is treasure our memories together." Sabi ko saka sumandal sa balikat ni Meily habang pareho kaming nakatitig sa kalangitan.

(End of video)
❤️❤️❤️

Present Time

"Gusto mo bang malaman kung anung sinabi niya?" Tanong ni Vincent na ang tinutukoy ay ang pag howl ni Aurora pagkatapos ko itong tanungin ng 'how does it look.'

"Naiintindihan mo siya?" Nagningning ang mga mata ko na inioff ang camera at humarap kay Vincent. "Anung sinabi niya?"

Napangiti ito sa reaksyon ko. "Your kindness is what makes you shine like that pendant. Don't let the cruelness of this world make it fade."

Napatanga ako. "You know how to speak english?" Taas kilay na tanong ko. Goodness gracious dahil malalim sila magtagalog akala ko hindi sila marunong mag Ingles.

"Not really but this is the language of the western packs. Learning it is very useful for trading." Sagot nito.

"My gash! Nagnonosebleed na ako para lang makasabay sa lalim ng tagalog niyo pwede naman palang mag taglish." Sabi ko habang inililigpit ang mga gamit ko pabalik sa bag.

Pagkatapos kong mailigpit ang mga gamit ay napahawak ako sa kwintas na suot ko. "I'm just wondering if this necklace has something to do with what had happened. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit ako nakapunta dito?" Curious na tanong ko.

Napatingin si Vince sa kwintas na suot ko. "Maari, pero kung sakali mang may kinalaman yan. Magagalit ka ba kay Aurora?" tanong nito.

Umiling ako. "No, of course not. Kung hindi ako napunta rito siguradong patay na ako ngayon. Wala pa akong nabalitaang nakasurvive pagkatapos ng plane crash." Paliwanag ko.

Hindi na sumagot si Vincent. Hindi ko alam kung anung iniisip niya pero ramdam kong nagiisip ito. Hindi na rin ako nagtanong pa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakayakap sa bag ko.

❤️❤️❤️

Sorry for late update. Nagchange schedule kami so I'm still adjusting. 😘😘

💐💐💐

In The Arms Of An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon