Noctis's P.O.V.
"Freya!!" I roared upon feeling her presence completely vanished from our room. Napaluhod ako dahil sa hindi mapantayang sakit na bumalot sa puso ko. Kasabay ng pagbalik ng buwan sa normal nitong kulay ay ang naghihinagpis na alulong ng aking lobo. Paghihinagpis para sa kalahati ng kaluluwa nitong tuluyang nang nilamon ng itim na salamin.
I am about to grab the mirror when I feel an excruciating pain in my whole body. "Ahhhrrrggg!!" Napasigaw ako sa sakit na tila humahati sa aking kaluluwa. Sakit na alam kong nararamdaman din ngayon ng aking luna. Napahiga ako sa malamig na sahig. My strength is slowly fading as well as my consciousness. Pain engulfs my whole being as if I was being burned alive. I clutch my chest tightly, trying to lessen the unbearable pain that kills me. However, it seems that it is inivitable and there's no way I can escape it. Nagpatuloy ang aking pagsigaw hanggang sa maramdaman ko ang tuluyan ng paghigop ng dilim sa aking buong kamalayan. A single tear falls from my eyes. Disappointed of myself for not being able to protect my other half.
❤️❤️❤️
Freya's P.O.V.
"Binibini?" Tinig ng isang munting bata ang gumising sa natutulog kong diwa. Pinilit kong idilat ang aking mga mata at nilabanan ang antok na humihila sa akin pabalik sa pagtulog. "Binibini... Gumising ka."
Isang tila anghel na batang babae ang una kong nasilayan pagmulat ng aking mga mata. Pinilit kong umupo at inilibot ang tingin sa madilim na paligid. "Nasaan ako?" Nanulas sa bibig ko.
"Narito ka sa loob ng itim na salamin." Sagot ng batang babae. Tila noon lang din bumalik sa alaala ko ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Si Ravus at ang pagalay niya sa akin sa itim na salamin. Agad akong napatingin sa sinapupunan ko upang inspeksyunin iyon. Kumunot ang noo ko nang makitang wala man lang akong kahit na katiting na sugat doon.
"Ang anak ko?" Puno ng takot na tanong ko sa batang babae.
Humagikgik ito bago at saka inalalayan ako patayo bago sumagot. "Anumang pinsala ang natamo mo habang nasa labas ng salamin ay kayang paghilumin ng salaming ito." Wika nito. Bahagya akong napaigtad ng maramdaman ko ang init ng palad nito sa sinapupunan ko. "Huwag kang magalala Luna Freya, ligtas at walang pinsalang tinamo ang tagapagmana ng Niflheim." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.
Malungkot na inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Nababalot ito ng kadiliman at ang tanging nakikita ko lang ay ang sarili ko at ang batang nasa harap ko.
"Sino ka? Paano ka napunta sa lugar na ito?" Takang tanong ko sa batang babae.
Sa pagkakatanda ko ay tanging ako lang dapat ang nakakulong sa lugar na ito bilang kapalit ng aking ama. Kaya't sadyang napagtataka kung paano siya nakapunta rito.
"Ako ang babaylan na lumikha sa salamin na ito." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Kung ikaw ang may likha nito? Bakit nandito ka?"
Malungkot na ngumiti ang bata sa akin. "This mirror was created to end the war between the two powerful packs." Paliwanag niya sa akin. "Sampung babaylan ang nagtulong-tulong upang buoin ang salaming ito gamit ang kapangyarihan ko. The moment that I left this mirror, it will be broken into pieces and the curse will be lift."
Umupo ako sa harap nito ng patingkayad upang magpantay kami. "Sinasabi mo bang simula ng mabuo ang salaming ito ay nakakulong ka na rin sa loob nito?"
Tumango ito bilang tugon. "Ang kapangyarihan ko ay ang pagkontrol sa pagagos ng oras sa isang partikular na lugar. Simula ng malikha ang salamin na ito ay tumigil na rin ang pagdaloy ng oras sa loob nito. Mananatili akong nakakulong sa lugar na ito hanggat walang nakakabasag sa salamin." Malungkot nitong wika.
Napuno ng kalungkutan ang puso sa rebelasyon ng batang babaylan. Hinila ko ito palapit sa akin at mahigpit na niyakap. Natitiyak kong naging napakalungkot ng bawat minuto ng buhay nito sa loob ng salamin. Hindi ko mapigilan ang mapaluha para dito.
"Bakit ka lumuluha binibini?" Takang tanong nito. Kumalas ako sa pagkakayakap rito at bahagyang lumayo dito.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at umiling. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na naramramdaman ko para sa batang babaylan. "Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat upang mapalaya ka sa loob ng salaming ito." Pangako ko rito na sinuklian lang nito ng isang malungkot na ngiti.
"Walang sinuman ang makakabasag ng salaming ito Luna. It's too powerful that even me, myself cannot do anything to escape from here." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nito. This mirror was created with the aim to end the war between Tenebrae and Niflheim but it only worsen the havoc of the two kingdoms. I need to find a way to break this cursed but how?
"Huwag kang magalala Luna, sa sandaling may magalay ng isang bagay na tutumbas sa iyong kaluluwa at sa iyong dinadala ay makakalabas ka na rin dito. Nasisigurado kong gagawa ng paraan ang kasalukuyang Alpha." Pagkokonsola nito sa akin.
Umiling ako. "Hindi ako lalabas ng salaming ito ng hindi ka kasama. Isinakripisyo ka upang mapanatili ang kapayapaan sa Niflheim. Upang wakasan ang digmaan sa dalawang bansa. You don't deserve to be here until the end of time." Puno ng konbiksyong wika ko rito.
Isang ngiti ang sumilay sa mukha ng batang babaylan. Sa pagkakataong ito ay wala na itong halong kahit na katiting na kalungkutan. "Masaya ako't nagkaroon ako ng pagkakataong makita at makasama ka Luna. Taglay mo ang katangian ng isang Ina sa puno ng pagmamahal sa lahat ng kanyang nasasakupan. Ikinalulungkot ko na nakakulong ka sa lugar na ako ang maylikha."
I cupped the little angel's face. "Lalabas tayo dito ipinapangako kong makakalaya ka mula sa madilim na kulungang ito." Yumakap sa akin ang batang babaylan. Wala akong ideya kung papaano kami makakalabas ngunit alam kong may paraan upang mawasak ang salaming ito. Kailangan ko lang malaman kong papaano.
❤️❤️❤️
Noctis P.O.V.
"Freya!" Napabalikwas ako ng bangon. Malungkot at nagaalalang tumingin sa akin si Ignis at Vincent na naroon din sa silid. I suddenly felt numb upon realizing that everything that happened is not a dream. Freya is gone. At wala man lang akong nagawa upang protektahan ito. I suddenly felt so empty, so hollow. Everything looks so pale and colorless without her presence.
Lumapit si Vincent sa akin at iniabot ang isang kwintas. I didn't even noticed his presence. Dumako ang tingin ko sa kwintas na inilahad nito. Ito ang kwintas ni Freya na binigay sa kanya ni Aurora sa mundo ng mga mort al. I take the necklace hold it tightly in my palm. The pain and guilt of being not able to protect her is slowly killing me.
"Lumabas muna kayo." Utos ko. They left the room one by one with sadness on their face.
Isa-isang pumatak ang luha sa mga mata ko. She's gone... I can't be with her again. Tumayo ako mula sa kama bitbit ang kwintas ni Freya. Tumungo ako sa bar counter na nasa isang bahagi ng aking silid. Kinuha ko ang pinakamatapang na alak saka binuksan. I want to escape reality. Now I suddenly realized what is worst than dying. It is to continuously breathing without a reason to live, having a heart that was continuously beating even though it's been already broken into millions of pieces.
❤️❤️❤️
How was your first week of 2019? Mine was awesome!! I've also noticed that this book just reach 1K reads!!! Thank you guys so so so much! It really means everything to me. Thank you for giving this story a chance to bring you to the fantasy world.
💐💐💐

BINABASA MO ANG
In The Arms Of An Alpha
Hombres LoboI am living a normal life until one tragic accident happened that kills the life of many and brought me to an unknown world of Eos. I am not sure if I should call myself lucky because I am still alive or should I consider myself as 'malas' because I...