Noctis P.O.V.
Naningkit sa galit ang nga mata ko ng mapagsino ang mga hindi inaasahang bisita.
"Who give you the permission to enter my territory!" Puno ng autoridad na tanong ko sa mga ito. Tumuon ang mga mata ko sa lalaking nasa gitna. The man that I loathed so much, the man who had an undeniable resemblance to the beautiful woman I left in my room. Ravus Nox Flueret of Tenebrae pack together with his two most trusted men Nyx Ulric and Ardyn Izunia.
(Ravus on the left and Ardyn on the right)
Huminga ako ng malalim upang pigilan ang sarili ko na sumabog sa galit habang nakatitig sa nasirang tarangkahan ng palasyo. Nandito kami sa malawak na lawn na malapit lang sa main entrance ng palasyo. Ipinagdarasal ko na sana hindi maisipan ni Freya na tumingin sa terasa. Ang makita niya si Ravus ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari.
"Well? I invited myself." Sagot nito na tila ba balewala lang ang galit ko. Ngumisi ito sa akin na may halong pangungutya. "Ipagpaumanhin mo ang hindi inaasahan kong pagdalaw mahal na prinsipe." Panimula nito. "May nawawala akong kapatid at nabanggit sa akin ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan na nakita niya itong kasama mo sa kapitolyo." Paliwanag nito na hindi nawawala ang nakakalokong ngisi sa labi. Tila nangaasar pa ito na tumingin kung nasaan ang terasa ng Master's bedroom.
Kinuyom ko ang palad ko upang pigilan ko ang sarili ko na paulanan ng suntok ang kaharap ko. Gustuhin ko man na patigilin ang paghinga nito ngunit tama na muna na tarangkahan lang ang nasira para sa araw na ito. My wolf is surfacing and I don't want to create a scene that could get the attention of my Luna.
"Ipagpaumanhin mo rin subalit hindi lost and found section ang Niflheim. Hindi ko masisi ang kapatid mo kung pinili man nito na umalis sa poder mo, kung ako ang nasa posisyon niya ay ganun din ang gagawin ko." Sarkastikong balik ni Gladiolus dito. Ramdam ko ang pagpipigil nito nang galit. He is only waiting for my permission to attack those three mutts who entered our territory.
Ravus smirks at Gladiolus comment. Imbes na patulan ang pang iinsulto nito ay muli itong humarap sa akin. "Iniwan ko ang aking kapatid noong sanggol pa ito sa mundo ng mga tao. Kasagsagan iyon digmaan sa pagitan ng ating mga imperyo mahal na Prinsipe. Sa pagnanais ko na iligtas ang aking kapatid sa kamay ng mga walang pusong sundalo ng Niflheim ay napilitan akong gamitin ang ipinagbabawal na ritual upang buksan ang pintuan sa dalawang dimensyon." Paliwanag nito.
Napansin kong bahagyang natigilan si Gladiolus sa sinabi nito. Malamang ay unti-unti na itong nagkakaroon ng ideya kung sino ang kapatid na tinutukoy ni Ravus.
Tumiim ang bagang ko sa galit. How dare him call my soldiers heartless. Walang kahit isa man sa mga warriors ng pack ko ang kayang pumatay ng walang malay na sanggol. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. I cannot afford to lose control.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita ng walang sumagot sa amin. "Binalikan ko ang aking kapatid pagtapos ng digmaan subalit hindi ko na ito natagpuan pa. Kaya naman agad akong nagtungo rito ng banggitin ni Nyx na nakita niya ang aking kapatid na kasama mo."
BINABASA MO ANG
In The Arms Of An Alpha
WerewolfI am living a normal life until one tragic accident happened that kills the life of many and brought me to an unknown world of Eos. I am not sure if I should call myself lucky because I am still alive or should I consider myself as 'malas' because I...