3 - First Night

46 3 0
                                    

Isa ba itong panaginip?

Yung sa mga libro na may magre-rescue sa iyo na prinsipe. Kahit ano ang magyari, sasagipin ka talaga niya.

Iyon ang nangyari sa akin ngayon.

The Prince... Did he just saved me?

Bakit ba hahang nakatingin ako sa kanya e tila bang bumabagal ang takbo ng oras.

Hinila niya ako papalabas sa palasyo.

Huminto kami sa isang sulok na walang katao-tao.

"Pr-"

"Huwag kang mag-isip ng kahit ano. Gingawa ko lang ito dahil sinagip mo ang kapatid ko mula sa bingit ng kamatayan." Sabi niya.

"S-Salamat." Nauutal kong sabi.

Ngumisi siya.

"Nagpapasalamat ka?" He laughed. "Hindi mo talaga alam kung ano talaga ang gagawin ko sa iyo. Paparusahan kita dahil sa ginawa mo kanina at paparusahan kita dahil... sa pagsagot -sagot mo saakin noon. Ngayon, nagpapasalamat ka pa. Baka hindi mo mamamalayan, baka bukas, nagmamakaawa ka na." Sabi niya while looking at me, intensely.

Nawala ng parang bula ang hinuna ko kanina. I thought he is a handsome gentle prince charming.

Pero, kabaliktaran talaga siya sa iniimagine ko.

I thought Princes are angel-like creatures.

But him, he's a devil.

Imbes maging masaya ako since sinagip niya ako at ang lola ko, natakot ako.

He just freakin' threatened me!

Hindi na ako umimik. Parang naiiyak na ako sa kahihinatnan ko.

"A-Ano bang ginagawa ko sayo? Ba't ang sama ng ugali mo?"

May namumuo nang luha sa mga mata ko.

Tumalikod lang siya at umalis.

After this day, paglilingkuran ko na ang lalakeng ito.

Tinignan ko lang siyang umalis.

I cried. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Tila bang kusa lang itong lumalabas.

Hindi ko na kase alam kung ano ang mangyayari sa akin simula ngayong araw.

----------------------

Gabi na at nandito ako ngayon sa kubo namin. Pinakukuha na nila ang mga gamit ko dahil sa palasyo na ako titira, habang buhay.

"Hija, sigurado kaba sa ginagawa mo? Kilala ang prinsipe bilang isang napakamasamang prinsipe dito. Baka mapano ka." Sabi ng lola ko. According to her tone as she talk, I know, takot siya para sa kapakanan ko.

Pero anong magagawa ko? This is the only choice I have para masalba mula sa bingit ng kamatayan si lola at ako.

Well, It's also my job, to save lives.

"Lola, ayos na ayos lang ako. Sisiguraduhin kong magiging maayos ako doon sa palasyo. Para din naman ito sa atin ehh."

"Hija, bibisitahin lang kita doon ha. Baka papasukin lang ako ng ibang guwardiya."

"Aiii 'wag na po, lola. Malayo mula dito ang palasyo. Magpahinga lang kayo dito."

"Pupunta na tayo!" Sigaw ng gwardiyang nasa labas. May kalesa lang na kukuha sa akin patungo sa palasyo.

Hinalikan ko ang pisngi ng lola ko at nagpaalam na.

Ngunit, I'm not sure if magiging okay lang talaga ako doon.

The Prince's ServantWhere stories live. Discover now