10- Unan

48 4 5
                                    

Ever since I arrived in this period, I'm always wondering why I'm brought here.

May misyon ba akong gagawin, may dapat ba akong makilala o panaginip lang ang lahat?

Then, dahil sa nangyari kahapon, naliwanagan na ako. May sagot na ang katanungan kong matagal kong inaasam-asam.

Ngunit...

Handa na ba talaga ako? Handa na ba akong gawin ang misyon ko? Tsaka, bakit naman may misyon akong ganito? Hindi naman like si Jose Rizal ang sasagipin ko kungdi ang isang prinsipeng hindi ko kilala at walang kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas.

Napabuntong hininga ako. Tinitingnan ko ang mahimbing na natutulog na prinsipe.

Talaga bang ikaw ba ang misyon ko? Bakit ikaw? Sa lahat, bakit ikaw?

Hay...

Napabuntong hininga ako in the nth time.

"Stop staring." Sabi niya at iminulat ang mga mata. "You're getting creepy."

"W-What? I'm not staring." Sabi ko at iniwasan siya ng tingin.

Akala ko ba, natutulog siya? Nakakahiya tuloy.

"Mariel, I have a favor to ask you." Sabi niya at umupo sa kama. "Please don't tell anyone about my illness."

Nginitian ko siya. "I promise, I will not tell anyone na may hika ka." Parang natatawa ako at kumawala din ang tawa sa bibig ko.

"Why the hell are you laughing? It's rude ,if you do that." Sabi niya at inikutan ako ng mata.

"No, I'm just, shocked. May vulnerable side ka din eh."

Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

"Mariel, namamalik-mata lang ba ako o parang nawawala ka noon? Parang unti-unti kitang nakakalimutan noon." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin. "Totoo ba?"

Sasabihin ko ba ang totoo sa kanya? Na hindi ako taga rito?

"Please, sabihin mo sa akin ang totoo." Dagdag pa niya.

"Oo, totoo ang nakita mo." Nag-iwas ako ng tingin at yumuko. I sighed
"I'm fading when you're dying."

"W-What? I don't understand"

"Sa totoo lang, hindi naman talaga ako tagarito eh. I'm from the year 2018 na napakalayo ng panahong ito. Nagtataka ka kung bakit alam ko kung paano magsalita ng Ingles? Sa panahong 2018, tinuruan na kami doon ng libre."

"Galing ka sa hinaharap?"

"H-Hindi ko alam." Wika ko. "Hindi ko alam kase walang medieval period sa history ng lugar ko. Parang parallel universe lang 'to, sa tingin ko."

Napatango lang siya sa mga sinabi ko.

"Basta, ang tanging alam ko lang sa ngayon ay nandito ako upang protektahan ka. Baka iyon ang misyon ko kung bakit ako nandito." Ani ko.

"Oh, who the hell brought you here?" Tanong naman niya.

"Ano? Dora ka ba? Ang dami mong tanong. Hindi naman ako google para magbigay ng sagot sa iyong mga katanungan." Sabi ko at napakunot ang noo niya.

"Dora? Google? What the hell is that?" Tanong niya at humiga naman sa kama niya.

Tingnan mo oh, naging masungit na naman. Kanina, matino pa 'yang kausap. Tsk. Dinaig pa niya ang babaeng mayregla sa ka moody.

"Basta, hindi lahat ng katungan mo ay masasagot. Pero may kasagutan naman sa mga tanong mo." Sabi ko at tumayo. I'm hungry as a lion. I wanna eat somethin'.

The Prince's ServantWhere stories live. Discover now