11.3- Ball

35 4 4
                                    

Ughh!!!

Ano na ang gagawin ko? Nakaragdag pa sa problema ko to! Ughh!

Tumingin ako sa isang punyal o dagger na binigay ni tita Layla. Matalim ito, tiyak, isang hiwa lang ay mamatay na ang taong nasaksak.

Magagawa ko bang kumuha ng buhay sa sarili kong mga kamay? Abg tanging alam ko ay itong mismong mga kamay ko ang tumutulong upang hindi mamatay ang isang tao. Dapat ko ring sagipin si Jacharias.

Ano na ang gagawin ko?

Pinatay ng hari ang iyong ama at ina! Alam mo iyon, alam mong hindi iyon aksidente!" Wika ni Tita Layla na nanlilisik ang kanyang mga mata.

A-Ano? Ang hari ang pumatay sa m-magulang ko- este magulang ni Mariel dito?

"Heto, pinabibigay ni Eduardo ito sa iyo. Sa nakaraang linggo lang sana iyan binigay sa iyo eh ngunit hindi ka nakapunta. Baka siguro hindi mo nabasa ang liham."

Nilagay niya ang isang punyal sa kamay ko.

A-Anong gagawin ko dito?

"P-Po?" Tanging sambit ko. "Ano po ang ibig mong sabihin?

"Mariel, nakalimutan mo ba ang dahilan kung bakit ka pumunta sa palasyo?" Saad niya

Teka, so nagpaplano na ang Mariel, ang nakaraang Mariel, na pumunta sa palasyo?

Is this a coincidence?

"Mariel, papatayin mo si Matthias! Papatayin mo siya upang maipaghiganti mo ang iyong mga magulang na pinatay ng hari." Pabulong na saad ni Manang Layla. "Iyon ang dahilan kaya lulusob sila ngayon. Ikaw ang dahilan."


Misyon ko 'to, na bantayan si Matthias no matter what.

There's only one way

Sasama ako sa ball...

Subukan lang nilang patayin si Matthias

Ako ang mahaharap nila.

I don't care. Hindi ko siya papatayin.

The Prince's ServantWhere stories live. Discover now