2- Paglayas

58 4 0
                                    


Oo, naniniwala ako sa fairytales. Yung may prince charming na gwapo, matangkad, macho, makinis ang balat at higit sa lahat mabait. Noong teen ager pa ako, sila yung mga crush ko dahil gusto kong magbasa ng mga romantic novels na may mga prince charming stuff. Sila yung tipong mag c-care sa iyo kung kailangan mo sila, yung ikaw lang yung mahalin nila hanggang sa dulo at higit sa lahat, hindi ka nila iiwan.

Pero, sa libro lang pala iyon.

Ang totoong prince charming ay nasa harapan ko na. Imbes na gentleman, parang may galit siya sa mundo.

He has hawk-like eyes, jet black hair, mala-porselanang balat, pink luscious lips, and pointed nose. The person infront of me is the reality Prince.

"Tinatanong kita!" Galit na sigaw niya at itinutok ang espada sa leeg ko.

I did not move an inch of my body. Natatakot ako na baka putolan na niya ako ng ulo.

"A-Ano iyon?" Utal utal na tanong ko.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!"

"G-Ginamot niya ako kuya. Huwag mo siyang saktan." Sabi ng batang nakahiga.

He looked at his sister na nakahiga sa kama.

Nandito kami ngayon sa isang nipa hut na ang may ari ay si Rebeca, future sister-in-law ko. We moved her since mainit init ang lugar kung saan sinaksak ang bata.

He attempted to hug the child but I stopped him.

"Bitawan mo ako!" Sigaw niya at kumawala.

"B-Baka magkaroon ng impeksyon ang sugat!" Sigaw ko.

"Impeksyon?"

"Ang ibig kong sabihin ay baka mas lumala pa ang sugat niya. "

Binitawan ko siya.

"Hellena, uuwi na tayo." Sabi niya.

"Kuya, ayaw ko sa palasyo. Palagi na akong nasa kwarto ko tapos wala pa akong kalaro maliban kay Ate Karmina."

"Tingnan mo kung anong nangyari sayo! Dahil lumabas ka, tinangkaan ka nilang patayin. Doon sa palasyo, binabatayan ka nila ng maayos. Uuwi na tayo sa ayaw o sa gusto mo." Sabi niya at tumalikod.

Umiyak ang bata ng palihim.

Mahirap palang magiging isang prinsesa noh?

"Karmina, mag usap tayo, doon sa palasyo." Sabi ng prinsepe.

Tumingin ako kay Karmina at ngumiti lang siya. May luha nang namumuo sa mga mata niya. She's afraid.

"Teka." Sabi ko at napahinto ang prinsepe.

"Pagbigyan mo naman siya ng pangalawang pagkakataon. Gusto lang niyang maging masaya ang kapatis mo. Kahit kuya ka niya, ganun din naman ang gagawin mo kapag naging malungkot ang kapatid mo diba?"

"Ang lakas ng loob mong magsalita sa akin ng ganyan! Parang sino ka kung magsalita eh isa hampaslupa kalang! Hindi mo desisyon kung sino ang papatayin ko." Sabi niya.

"K-Kuya, huwag mong patayin si Ate Karmina, magiging malungkot ako." Sabi ng bata na nagpout.

"Susubukan ko."

Habang paalis na siya, naghabol ako ng salita,

"At least I'm not an asshole like you. A heartless and a disgusting asshole."

Hindi naman niya ako maiintindihan.

Bakit ako matatakot?

Hindi nga niya na iintindihan ang salitang 'infection' kanina. At tsaka pa, deep tagalog siya.

The Prince's ServantWhere stories live. Discover now