14- Kiss

28 3 0
                                    

Mariel's POV

"Mariel. Bakit ka nagkakaganito?" Tanong ni Karmina habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko.

Wala akong tigil sa pag-iyak. Lahat ng ala-ala ko kay Therese ay naaalala ko.

Ang sakit eh. Ang sakit kung tatraydorin ka ng sarili mong bff.

Nakaiiyak din. Naaalala ko din yung ginawa ni Xander sa akin.  I mean, I don't hate him, I hate myself. Hindi ko narealize na may taong gumawa ng gawing labag sa kalooban niya para lang sa akin.

I'm the main reason why Xander killed himself.

"O-Okay lang a-ako." I said between my sobs. "Mas pinaiiyak mo p-pa ako sa g-ginagawa mo eh."

Yung feeling na may nagpapatahan sa iyo tapos mas iiyak ka pa... Ironic isn't it?

"Okey?" Nagbuntong hining siya. "Malaking impluwensya na talaga si Prinsipeng Matthias sa iyo. Marami ka na ding natutuhang ibang lenggwahe."

Umiling siya.

I wiped my tears using my hand and rested my chin on the pillow na niyayakap ko.

"Tsaka, ano ba kasi ang ginawa mo? Bakit ka umuwing umiiyak?" Dagdag niya na may halong pag-aalala ang tono. "Isa pa, diba may sugat ka pa sa tiyan mo?"

"Ayos lang ang pakiramdam ko, Karmina. Tsaka, may pinuntahan lang akong importante." Rason ko sa kanya.

Then, she gave she gave me that I-don't-care-what-your-reason-is look.

"Mariel, mas importante pa ang buhay mo." Saad niya. "O sya, kailangan ko ng umiwi. Gabi na, matulog ka nalang din ng maaga."  Saad niya at tumayo mula sa pagkaupo sa higaan ko.

"Teka, di ba dito sa palasyo ka nakatira? Alipin ka din diba?" Tanong ko sa kanya. "Saan ka uuwi?"

"Doon lang ako matutulog sa mga magulang ko dahil kaarawan bukas ng nanay ko." Saad niya habang ngumingiti.

But wait.

Di ba parang may hindi magandang relasyon siya at sa mama at papa niya?  Eh bakit parang masaya siya sa gagawin niya?

I mean, ganon lang ba siya kadaling magpatawad?

"Mariel, kitang kita sa mukha mo na naguguluhan ka. Alam kong alam mo ang ginawa ng mga magulang ko sa akin." Sabi niya at muling umupo sa tabi ko. "Alam kong mahirap gawin ang pagpatawad sa isang tao lalong lalo na kung napakasakit ng ginawa nila sa iyo."  Bigla siyang napangiti. "Pero kahit papaano, humingi padin sila ng patawad sa akin. Para kasi sa akin, mas mahirap ang humingi ng tawad kesa sa magpatawad. Kung humingi ka kasi ng tawad, pinababa mo ang sarili mo at inaamin mo lahat ng ginawa mo."

"Pero may karapatan ka ding hindi tumanggap sa patawad nila. Ano naman ang ginawa nila? Hahayaan mo nalang ba iyon?" Pagputol ko sa kanya.

Parang tumuyo na ang mga luha ko. Naging sabik na ako kung ano ang sasabihin niya.

"Huwag na huwag mong kalimutan kung ano ang maganda nilang ginawa sayo. Lahat ng tao ay pwedeng magbago dahil sa iba't ibang rason. Kahit baliktarin man ang mundo, sila pa din ang nag-aruga sa akin. May mga masasayang ala-ala din kami at hindi ko kailanman makakalimutan iyon dahil lang sa mga pagkakamaling ginawa nila sa akin."  Paliwanag ni Karmina.

"Eh paano kung saktan ka nilang muli?"

"Mariel, binibigyan ko pa sila ng isa pang tyansa. Tsaka, huwag ka kayang mag-isip ng ganyan. 'Be positib!'  Sabi nga ni Prinsese Helena."

Bigla akong napangiti sa sinabi ni Karmina.

"Kung magpapatawad kaya si Therese, makakayanan ko ba siyang mapatawad?" Tanong ko sa sarili.

The Prince's ServantWhere stories live. Discover now