9- Ulan

53 4 6
                                    


"Pagkain mo oh." Padabog kong saad sa kanya at padabog ko ding nilagay ang pagkain niya sa mesa.

"Eh asan ang kare-kare?" Tanong niya pagkatapos tingnan ang pagkain niya, na hindi naman ako ang nagluto.

Nilagang baka, rice, water, grapes, watermelon, apple at orange.

Sino pa ba ang tatanggi nito?

"Gosh, sa tingin mo ba ay lulutuan kita ng kare-kare pagkatapos mong sabihin sa akin ang mga hindi kanais-nais na mga salita? Tsaka, hindi maganda ang resulta kung buong araw kang kakain ng kare-kare." I rolled my eyes and crossed my arms. "Masarap kaya iyang nilagang baka. Proven and tested Nakakain na kase ako niyan kanina."

Napakunot ang noo niya at parang nagsalubong na iyong mga kilay niya. Nagtitigan lang kami for like 30 seconds.
  
"Ano? Papasubo ka pa?" I said, ruining the silence.

"Asan ang kutsara't tinidor ko?"

Ano? Bulag ba siya? Eh nasa tabi lang ng pagkain niya ang kutsara't tinidor! Parang 10 inches lang kaya ang layo sa kanya.

"Iyan, nakikita mo ba?" Tinuro ko ang kutsara't tinidor gamit ang daliri ko.

"Oo."

Laziness overloaadd!!! Mas grabe pa siya kesa sa isang batang walang kamuwang-muwang!

"So, ako pa ang kukuha? Ako pa ang susubo? Ako pa ang-"

"It's your job anyway. And it's my job to watch you doing your job which is doing what I say." Sabi niya at may kumawalang ngisi sa labi niya. "Kunin mo na ang kutsara at tinidor ko."

Inirapan ko siya. May magagawa pa ba ako? He has a point. It is my responsibility to do my job well.

Kinuha ko nalang ang kutsara't tinidor at nilagay ko sa gilid ng plato niyang walang laman.

"Lagyan mo ng pagkain ang plato ko." Utos niya.

Sinunod ko naman ito.

"Lagyan mo ng ulam."

Sinunod ko naman, ulit.

"Bigyan mo ako ng tubig."

Arrrghhh!!!!!!!!

Kahit na galit na galit ako, sinunod ko parin ang gusto niya.

Kahit na nasa plato na niya ang kanin at ulam niya, hindi pa rin niya ito kinakain.

Kumukulo na ang dugo ko sa kanya!

Kulang nalang eh susubuan ko na siya!

"Subuan mo ako." Utos niya na parang ngumingisi.

Is he for real! Naggigigil na ako sa kanya! Ang sarap kalbuhin ang isang 'to. He is taking an advantage dahil tagasilbi akoooo!!!!!

"Anong ginagawa mo? Huwag kang tumunganga diyan." Sabi niya na parang natatawa.

Pero, may magagawa pa ba ako?

Kinuha ko ang kutara niya at sinahogan ko ng sabaw ang kanin niya. Nilagyan ko ng petchay at karne ng baka ang pagkain niya.

Gosh, nakangisi lang siya palagi habang tinitingnan niya ang ginagawa ko.

Napakawalang hiya.

Ngumisi ako.

I have a plan b...

"Say ahhh~! Papasok ang eroplano bibig ni bebe!" I said in a childish way while sinusubuan siya.

"A-Anong ginagawa mo?!" Gulat niyang tanong, backing away sa kutsarang sinusubo sa kanya.

"Dali, baka magcrash ang eroplano." Sabi ko sa kanya at inilapit pa ang pagkain sa bibig niya.

The Prince's ServantWhere stories live. Discover now