Alexia's POV
Malamang sa malamang nagtataka kayo kung nasan yung mga katulad namin na immortal. Well, ngayong araw na to ay pupunta kami sa isang lugar o ang tatawagin nating city ng magic world dahil nakatanggap kami ng imbitasyon mula sa mga nakatataas, kung sino man yung mga yun hindi ko alam dahil sabi nila Hanna na forbidden daw na pagusapan yun. Basta ang kilala lang daw nila dun ay si Henry dahil sya daw ang nag-bigay ng misyon na hanapin ako para mabuo ang magliligtas sa magic world.
" Woah! Ang ganda mo naman jan sa gown na yan ate Alexia, sure akong maraming titingin sayong mga lalaki mamayang gabi! " puri saakin ni hanna.
" Naku! Hindi lang kaya ako kayo rin kaya maganda, sure akong maraming titingin saatin dahil nagsama-sama ang mga magaganda haha " I kidded. Nagsusukat kasi kami ng susuotin namin sa Royal ball mamayang gabi. Meron kasing gaganapin na festival sa bayan ng magic world dahil nabuo na daw ang magliligtas ng magic world, meaning, mamayang gabi na kami ipapakilala sa mga taong kagaya namin
" Nga pala Alexia, eto na yung maskara mo " iniabot saakin ni Alyanna yung ipinagawa kong maskara para mamayang gabi. Masquerade kasi ang theme kaya kailangan magmaskara pero kapag nagsimula na daw yung Royal dance sabay -sabay namin yun tatangalin para malaman kung sino ang nakapartner mo. Magulo ba? Ganto kasi yun, ang tinatawag nilang royal dance ay isang legend dance dahil pagpatak ng ala-una saktong tutunog ang bell at doon sabay-sabay tatanggalin ang mga maskara namin. Pero bago yun, ang paraan ng pagsayaw namin ay papalit-palit ng partner mapababae o mapalalaki ang aming makakapartner. Pagpatak ng ala-una kapag lalaki ang nakapartner mo ay sya ang makakatuluyan mo habang buhay pero kapag babae ang nakapartner mo at babae ka ibig sabihin isa sainyo ang magtatraydor, ganun din kapag lalaki ka at nakapartner mo ay lalaki rin
" Wow ang ganda naman ng maskara mo ate " sabi ni Hanna. Ang maskara ko kasi ay gold with matching feather sa gilid, meron ding mga beads na nakalagay at meron ding mga glitters sa paligid nito kaya mas lalo syang kumintab. Bagay sya sa gown ko dahil ang gown ko ay royal blue wavy gown with gold belt, tube ang style nya at hanggang sahig ang haba,
" Thanks " sabi ko. May kumatok naman sa kwarto namin kaya napalingon kami doon
" Kailangan na magtraining ni Alexia tara na " sigaw ni Lary sa labas ng kwarto namin
" Oo na! Susunod na lang kami " sigaw naman ni Alyanna
Lumabas na kami sa kwarto at pumunta na sa training room
*****************
" This time ang ituturo namin saiyo ay fire dragon " sabi ni David
" Pwede ba yun? Apoy tapos magiging dragon? Paano naman yun? " curious na tanong ko
" Kaya nga ituturo namin sayo diba? " sabi saakin ni Gerd.
" Tsk. Oo na tatahimik na ako " sabi ko at umaktong zinizip yung bibig ko
" Mabuti pa "
" Katulad nung ginawa mo sa fire ball kailangan mong magconcentrate sa paggawa ng fire dragon. Una ang gagawin mo isipin mong makakagawa ka ng dragon " ginawa ko yung sinabi ni David
" Wow! Ang dali pala eh akala ko mahirap haha " mayabang na sabi ko dahil nagawa ko yung sinabi ni david, may lumabas na dragon sa kamay ko na natutulog
" No its not! " sabay sabay nilang sabi
" huh? Bakit naman? " takang tanong ko. Baka nahirapan sila dati nung nagtetraining palang sila tapos ako hindi, hah! Ang galing mo talaga Alexia
" easy to follow, hard to tame " huh? Pinagsasabi ni Gerd?
" Ano? Hindi kita maint-----Wahh!!! Tulong! Tsupi! Alis! Aray ano ba! " nagulat ako ng bigla akong sinugod ng natutulog na dragon na nagawa ko kanina
BINABASA MO ANG
The Magic World
FantasyAre you a fighter? Do you have a high confidence? Are you not scare about killing? Well , if you are, that place need you. The place that wars never ended . The place that fighters have an special ability belong. Thats why they need y...