Chaper 5.3: Grand ball

206 6 0
                                    

Alexia's POV

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. They kept playing in my mind. Paulit-ulit ko nalang naaalala yung nagyari kanina. Paano napunta si Shiela doon? Paano sya nakapasok doon? Diba sabi nya hindi na sya pupunta? Eh bakit sya nandoon? Bakit hindi nya saakin sinabi na pupunta sya doon? At paano nya nalaman na may kaganapan na ganoon doon?

Nagtataka siguro kayo noh?

Flashback

Nakaayos na kaming walo at ready na kaming umalis. Paglabas namin sa mansyon na palasyo (haha gulo no? ) may nakaparadang kalesa. Hanep! Ang nasa isip ko magagarang sasakyan ang sasalubong saamin paglabas tapos kalesa? Pangsinaunang sasakyan pfft!!

Sumakay na kaming apat na babae sa isang kalesa, bale dalawang kalesa ang nakaparada dito alangan namang isa lang! Ano yun kandungan kami ganun?

" are you ready to go maam? " tanong ni manong guard. Ay hinde kuya! Malalate na nga kami eh! Peste! Bakit ang sungit ko ngayon?!

After 15 minutes ng biyahe ay nakapunta na kami sa paggaganapan ng ball.

" good evening maam " bati saamin nung guard bago kami pagbuksan ng pinto. Tinanguan nalang namin ito at pumasok. May pagkavintage yung hall ng ball. Simulan natin sa classical music,chandelier, at yung mga chairs and table. Para syang pinaghalong modern and vintage. Umupo na kami sa respective chairs namin. Marami na ang nagsasayawan sa dance floor, at nagkalat naman ang mga batang naghahabulan na mga nakadress at mga nakatux den. Nahagip naman ng mata ko ang mga apat na lalaki na nasa kabilang table lang. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan nila, si lary ay nakablack tux same with peter ang gwapo nila sa suot nila ngayon ternuhan pa ng kanilang maskara.Si david naman ay nakawhite na Tux with black neck tie, samahan nyo pa ng nakaayos nyang buhok at black maskara kaya hindi na ako nagtaka kung bakit sya pinagtitinginan ng mga dumadaang babae. Si Gerd naman oh well! Sya naman ay nakagray tux with matching black neck tie, di rin maipagkakaila na gwapo sya ngayong gabi with matching black mascara den.

" Sabi sainyo eh! Ang gaganda natin tonight! " sabi ni haley.

" Oo nga ate, ang daming tumitingin na boys dito oh! " sabay turo ni hanna sa mga lalaking tumitingin nga dito

" Hahha syempre! " hindi ko na narinig yung iba nilang pinaguusapan dahil nakaramdam ako ng chills. I think someone is staring me kaya tumingin ako sa mga crowded people. Inilibot ko yung tingin ko ng may mahagip akong tao na nakatingin saakin, isa syang lalaki na may pilyong ngiti na nakaukit sakanyang labi. Tumalikod sya at nagsimula syang maglakad.

Tumayo naman ako para sundan yung lalaki

" oh? Saan ka pupunta? " takang tanong ni Alyanna

" Cr lang " hindi ko na hinintay yung sagot nila at hinabol ko na yung lalaki. Kaso hindi ko na sya makita. Inikot ko yung paningin ko, ayon sa nakita ko naka blue tux sya, naka white mascara ,maputi,mapula ang labi, at gwapo.Muli g inikot ko yung paningin ko nang makita ko sya palabas ng hall kaya tumakbo kaagad ako papunta sakanya. Nakita ko sya papunta sa isang maze, kaso nung hahakbang palang ako papunta sakanya may humila sa magkabilang braso ko. Paglingon ko si Gerd at david ay nakahawak sa magkabilang braso ko.

" Saan ka pupunta? " sabay nilang tanong

" Ahh... Ehh " tinignan ko yung daan papuntang maze kaso wala na akong makita kahit anino nung lalaki kanina. Tinignan ko ulit yung dalawa at sinagot ang kanilang tanong

" wala nagpapahangin lang naboboring kasi ako sa loob eh " alibi ako

" ahh " sabay nilang sagot. Pfft... Kambal ba sila? Hahaha

The Magic WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon