Chapter 7 : Bestfriends are back

166 6 0
                                    

May mga typos ata at gramatic errors pagpasensyahan nyo na tsaka mga unedited hehehe this chapter is dedicated to zalvajero thank you for voting the story ^_^

Alexia's POV

" Argghh " napatakip nalang ako ng unan sa mukha ko dahil sa inis. Nandito ako sa loob ng kwarto ko at iniisip pa rin yung nangyari kanina. Walang araw na walang nagyayari kapag umuuwi ako sa bahay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko

" Alexia, my bisita ka sa baba " tawag ni Tita. Bumangon muna ako sa kama at binuksan yung pinato bago ko sya tanungin

" Sino po tita? "

" Si Shiela " biglang sumama yung mood ko. Bakit sya pumunta dito?

" Sabihin nyo po busy ako. Wala akong time na makipag-usap sakanya " tumalikod na ako at pabalik na sana ng kwarto ko nang biglang nagsalita si tita

" Alam kong may problema kayo kasi nandoon ako pero come to think of it, malalim na ang pinagsamahan nyong dalawa. Halos sabay na kayong lumaki at nagyon lang kayo nagaway ng ganito kaya pakinggan mo yung sasabihin nya. Dahil ako mismo ay nanghihinayang kung mawawala ang tinetreasure nyong dalawa na pagkakaibigan kaya Go on, She's waiting for you in the garden " pagkatapos yun sabihin ni tita ay umalis na sya. Muli akong napabuntong hininga at naglakad papunta sa Garden. Sana hindi kasinungalingan ang sasabihin nya kundi.. Nako!

" Nasaan sya? " tanong ko sa gardener namin na kakatapos lang maglinis sa garden 5:30 na kasi.

" Ay si shiela po ba? Nandoon po sa garden naghihintay po sainyo "

" Ahh sige ho manong salamat "

" Walang ano man yun sige po mauna na po ako "

Dumiretso na ako sa garden at nakita syang nakaupo sa damuhan at malalim ang iniisip.

"Alam kong may problema kayo kasi nandoon ako pero come to think of it, malalim na ang pinagsamahan nyong dalawa. Halos sabay na kayong lumaki at ngayon lang kayo nagaway ng ganito kaya pakinggan mo yung sasabihin nya. Dahil ako mismo ay nanghihinayang kung mawawala ang tinetreasure nyong dalawa na pagkakaibigan "

Huminga muna ako ng malalim bago sya puntahan

" What is it this time? " cold na tanong ko sakanya noong nasa likod na nya ako. Bigla syang napalingon saakin at napatayo

" Ahh ano..kasi..ahmm " utal nyang banggit tila hindi nya alam kung papaano sisimulan

" Sabihin mo na para matapos na toh marami pa akong gagawin " cold na sabi ko. Hindi sya saakin makatingin ng diretso

Hindi sya nagsasalita kaya tumalikod na ako pero bago ako makahakbang nagsalita na sya

" SORRY " pagkasabi nya nun bigla syang humikbi. Nanatili lang akong nakatalikod sakanya at naghihintay ng mga sasabihin nya

" Sorry dahil hindi ko sinabi sayo na pupunta ako sa magic world pero believe me blinackmail lang ako nila kaya hindi ko sinasabi sayo. If I will tell you they'll kill me . Kaya matagal ko nang pinagisipan kung ano ang gagawin ko. But now I know what to do, I chose you over me. Sabi nila kapag hindi daw ako nagspy sa magic world they will kill me "

" They? " napaiba sya ng tingin bago sinagot ang tanong ko

" Oo. Ang mga Arwen " naguluhan ako nung una kung bakit pa kailangang may magspy pero naalala ko na gusto nila pabagsakin ang magic world kaya inaalam nila ang mga plano namin lalo na't buo na kaming walo at kaibigan ko si shiela kaya sya ang naisip nilang ispy saamin.

Tinignan ko si shiela na nakatungo at umiiyak pa rin. Should I trust her? Lalo na't alam na ng mga arwen ang kahinaan nya kaya sya napasunod ng una at pwede pa itong magamit sakanya or worst baka gamitin nila ang mga mahal sa buhay ni shiela para mapasunod ulit nila ito.

Pero pwede naman bigyan ng second chance diba? Iimbestigahan ko nalang sya kung meron bang kakaiba sakanya

" Shiela.... " nilingon nya ako ng luhaan

" Im sorry " tugon nya. Niyakap ko sya as a sign na pinapatawad ko na sya. Pero ang ipinagtataka ko ay hindi sya yumakap pabalik hanggang sa may naramdaman akong matalim sa likod ko. Kaba. Yan ang naramdaman ko ng maramdaman ko yung matalim sa likod ko. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung anong gagawin nya

" I like it when you were sweating " kontrabida nyang sabi

" B-bakit... " kinakabahang tanong ko. Pero hindi nya ako sinagot imbis naramdaman kong inanagt nya ang kanag kamay nya sa likod ko at alam kong anytime pwede na nya akong saksakin

" Prepare to die fire controller " pagkasabi nya nun naramdaman ko na lang ang paglubog ng matalim na bagay sa likod ng katawan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay

************

Napabangon ako na tagatak ang pawis. Panaginip lang, Panaginip lang. Parang totoo talaga eh

" Maam Alexia may bisita po kayo sa baba " bahagyang lumaki ang mata ko. Magiging totoo ba yung panaginip ko?!

" Maam? Nandyan po ba kayo? "

" A-ah o-o-opo susunod nalang po a-ako " narinig ko na yung papalayong yabag kaya bumangon na ako at dumiretso palabas ng kwarto. Hoo! Kaya mo yan alexia baka hindi si Shiela yan. Think positive!

Bumaba na ako at halos mapalundag ako sa gulat nang makita si shiela na nakaupo sa sofa. Akala ko malakas ako kay lord hayy

Nang maramdaman nya ang presensya ko ay napalingon sya saakin at tumayo. Ako naman ay inayos ang sarili at naglakad papunta sakanya

" A-anong kailangan mo? " tanong ko sakanya

" Alexia.... "

" Say it. Marami pa akong gagawin inuubos mo lang oras ko " galit kong saad

" Im sorry, hindi ko sinasadyang magtago ng sikreto sayo, naiipit lang talaga ako sa sitwasyon. That time ayoko pang mamatay, blinackmail lang talaga ako ng mga Arwen na kapag hindi ako nagspy sa magic world papatayin nila ako. Pero sinabi ko sakanila kanina na hindi na ako papayag na magispiya sa magic world, sabi nila gagawa daw sila ng paraan para hindi mo ako paniwalaan at magmukhang taksil saiyo " nagulat ako sa diretso nyang paliwag at sa sinabi. So yung panaginip ko ay hindi magkakatotoo? Na gawa lang yun ng mga Arwen?

Tinignan ko ng diretso sa mata si Shiela. How I wish na pwede ako makabasa ng isipan ng tao para malaman ko kung nagsisinungaling o hindi. Can I give her a chance? Maybe yes. Maybe no.

" Apology Accepted " nakangiti kong saad. Bigla syang napatingin saakin at napangiti

" r-really? " hindi makapaniwala nyang tanong, tumango nalang ako and the next thing I knew agad nya akong niyakap ng mahigpit. Ohh God knows how I miss my bestfriend

*********

" Really?! " gulat nyang tanong

" Oo tapos binigay nya saakin yung coat nya at itinali sa bewang ko para hindi makita yung butas sa gilid ng palda ko " sabi ko. Nandito kami ni Shiela sa kwarto ko at nagkekwentuhan habang kumakain ng cookies na binake ni tita

" Oh my god! Gwapo ba? Mapula lips? Matangos ilong? Matangkad? May abs? Ilan? " sunod-sunod nyang tanong. Kinuha ko yung magazine at ipinulupot tsaka ko hinampas ng mahina sa ulo nya

" Baliw! Anong pinagsasabi mo? Tsaka anong abs ka dyan? Sinabi ko bang naghubad sya? Ha? "

" Ayy hindi ba? Sayang! Pandesal din yun noh! Ilan kaya yun noh? 8 pack abs? 6? Kyahhh!! " haiist! Iba na ang tama neto! Tsk tsk tsk. Pero kahit may pagkabaliw tong bestfriend ko hindi mapagkakaila na namiss ko ang kabaliwan nya. Sana hindi magkatotoo yung napaginipan ko, hayss

Author's note:

And here's the update!! Hehehe sorry natagalan naging busy eh hahaha next update will be on next friday or saturday? Basta next week wala kasing pasok ngayong friday kaya nakaupdate at aminin nyo man o hindi masaya ang iba dyan dahil walang pasok!! Hahahhahah

Comment

And

Vote ^_^

The Magic WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon