Chapter 8: Can't go back

119 3 0
                                    

Alexia's POV

As usual bati na kami ni Shiela kaya magkasama na kami ulit but why do i have this feeling na may nagmamasid saamin? Naglalakad kami dito sa hallway at kami nalang ang nandito kasi 6 na ng gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala akong nakikitang kakaiba maliban sa mga nagliliparan na mga dahon dahil mahangin ngayon. BER months na kasi kaya malamig na.

" nararamdaman mo yun? " banggit ni shiela. So nararamdaman nya rin yun?

" ikaw rin? " tumango lang sya

So hindi ko lang imagination ang mga nakikitang anino ng tao sa mga paligid. Hindi ako nabibingi kaya naririnig ko yung mga kaluskus.

" m-multo ba yun? " tanong ko

" s-sa t-tingin m-mo? " humarap saakin si shiela na mamutla-mutla. Bigla kaming nakaramdam na kakaiba sa harapan namin kaya napatigil kami sa paglalakad. Napahawak kami sa mga braso namin nang makaramdam ng kakaibang lamig, yun na kaya yung multo? Dinaanan na ba kami nila? Nakakakilabot!! Ayaw ko na!! Mommy!!

Nakahinga kami ng maluwag nang wala na kaming maramdaman na kakaiba kaya naglakad na ulit kami. Siguro dumiretso na sa langit sila or worst sa impyerno, creepy!!

" akala ko mamamatay na ako sa kaba " sambit ni Shiela.

" ako nga rin eh " pero pagkasabi ko nun nakaramdam na naman ako ng chills. Napatigil na naman kami sa paglalakad at napalingon ako sakanya at ganun din sya. Pero yung lamig kanina ay dumagdag! Mas malamig na ngayon kaya naman nagliliparan na ang mga dahon, sheett!! May ipo-ipo bang dadaan?!? Dito ko na ba makikita sila mama at papa?!? Huhuhu ayoko pa!!

" Alexia!!! / Shiela!! " sabay naming sigaw. Halos matangay na kami ng lakas ng hangin! Pero bigla na namang tumigil, at kasaaby nun ang kakaibang pakiramdam sa harapan namin kaya napatingin kami dun, parang anytime may lalabas doon.

Para kaming sira ni shiela na nakatitig sa kawalan naghihintay kung may lalabas man o wala pero habang tumatagal ay mas lumalakas ang energy hanggang sa........

" BOO! "

" AHHHHHHHHHHHH!!! " tili naming dalawa ni shiela sabay takbo papalayo doon pero pagkatalikod namin ay may tatlong nakaitim na nakatayo sa likuran namin

" KYAHHHH!!! " sigaw na naman namin. Pero alam nyo yung nakakainis? Yung takot na takot kayo pero nagtatawanan lang sila? Shete! Sarap hambalusin ng monobloc chairs tapos itapon sa dagat ipakain sa piranha o pating!!

" Wala na ba kayong magawa sa buhay?!? " sigaw ni shiela sakanila. But still tahimik pa rin sila kaya binato ko sila ng fireball at dahil don tumahimik sila, hinanap ko kung sino yung natamaan ko and boom! Natamaan ko yung isang babae kaliwang braso, pero bigla iyon nawala na parang hindi natamaan ng apoy

" Hindi namin alam na takot pala kayo sa multo " pang-asar nung isang lalaki, bale 4 na lalaki 2 babae sila. Teka! Saan sila nanggaling? Hindi kaya.....

" A-ano.... " hindi ko masabi yung dapat kong sabihin baka mali eh

" Ano? " nakangising tanong nung babae

" A-alam kong nandadaya lang ang mga ganun pero yung paglabas nyo kanina ng biglaan siguro maniniwala na ako " sabi ko. Tumingin sa akin si Shiela ng nagtataka, may nasabi ba akong mali?

" So what are you pointing out? " mataray na sabi nung babae

" magician ba kayo? Kasi bigla kayong lumabas pero alam nyo? Ang ipinagtataka ko ay kayo lang yung nakakagawa nun, pero sabagay baka iba yung technique nyo para mapaniwala kami, hahaha ang galing nyo naman pwede ba----" napatigil ako sa pagsalita nang siniko ako ni Shiela at tinignan naman ako na parang sinasabing nagjojoke-ka-lang-ba-look. Binigyan ko naman sya ng bakit-look. Inirapan nya lang naman ako na parang sinasabing 'ewan ko sayo!'.

Para kaming baliw na nag-uusap sa mata. Naputol lang yung usap namin sa mata nang biglang nagtawanan yung mga magician. Siguro ngayon lang nila nadigest sa utak nila yung sinabi ko pero ano ba yung nakakatawa sa sinabi ko? Tsk mga baliw na magician!

" the hell! Magician? Hahahha you have to be kidding me! "

" Wtf! "

Eh? Bakit hindi ba?

" okay stop! Gawin na natin yung plano " sabi nung babae. What? Plano?

Naintindihan ko nalang yung nangyare nang pumwesto sila na parang lalaban. So they are like us? May special ability? Ang pinagkaiba nga lang mga Arwen sila. Pano ko nalaman? Kasi sa damit nilang itim, kasi sabi nila mahilig sa itim ang kanilang damit

Nagulat ako nang may maramdaman akong enerhiya na parang humihigop saakin sa likod at sunod-sunod na sila nagpatama saamin ng iba't-ibang kapangyarihan. Hindi ako natatakot o kahit kinakabahan para saakin pero kinakabahan ako para kay Shiela knowing na healer lang sya kaya paano sya makakalaban sa mga to? Eh halata naman sa mga binabato nilang kapangyarihan na malalakas sila eh, eh iilan lang kami? 2? Tapos sila anim? So unfair!

Gumawa ako ng shield at lumapit kay shiela para maprotektahan sya, paano na yan? Ako lang ang pwedeng lumaban kaso marami sila.

" Alexia pano na yan? " kinakabahang tanong ni Shiela. Paano na nga ba? Kahit ako wala akong maisip na paraan.maliban sa isa. Pwede naman yun diba? Para sa ikaliligtas naman ni shiela yun, ok lang ako ang mapahamak wag lang sya

" Shiela, magbibilang ako hanggang tatlo pagkatapos nun tatanggalin ko yung shield at tumakbo ka palayo dito " yeah! Yan nalang ang naiisip kong paraan ngayon.

" pano ka? Baka mapahamak ka! "

" Susubukan kong idistract sila habang ikaw ay tumatakas. Come on! It's the best way " pag-kukumbinsi ko sakanya

" Hindi ako papayag! Mapapahamak ka lang sa gagawin mo! " tsk kahit kailan talaga ang kulit ni shiela! Hinawakan ko sa magkabilang braso si shiela at tinignan sa mata

" Makinig ka saakin shiela" tinignan ko sya na mabuti " tatakas ka kahit anong mangyari at kapag nakatakas ka na humingi ka ng tulong kay tita ok? " umiyak nalang si shiela habang tumatango

" basta magiingat ka ha? " tanong nya

" I promise " niyakap ko muna sya bago magbilang

" 1 "

" 2 "

" 3! "

Pagkatapos magbilang ay tinanggal ko na yung shield sabay labas ng fire dragon at nagpaulan na rin ako ng mga fire ball sa direksyon nila. Pero nabigo ang plano ko. Nakalimutan namin yung enerhiyang humihigop saamin ay isang portal pala iyon na hindi mo alam kung saan ka lalabas once na pumasok ka jan. Kaya ang nangyare? Shoot lang naman si Shiela don! At ako naman? Nawala ang concentration sa mga kalaban nang makita kung anong nangyare kay shiela kaya naitulak ako nila papunta doon at pumasok doon sa portal.

Habang pabagsak ako habang paikot-ikot unti-unting bumabagsak ang mga talukap ng aking mata hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa matigas na bagay. Where am I?

Author's note

Sorry for being not active this past few days alam nyo na , busy minsan tinatamad mag update hahahaha so guys! Happy 40+ votes!! Haha ang babaw ko noh?syempre ang saya eh hahaha so guys! Alam kong hindi masyadong maganda yung update ko kaya sorry malapit na kasi exam kaya nagrereview na ako at wala na muna akong time para dito pero i'll try my best para makapagupdate, ussually kasi pagmay nagpopop sa isip kong scene nilalagay ko na agad dito para hindi ko makalimutan hahaha again! Thank you for voting every chapters of my story sana ipagpatuloy nyo lang po and thank you sa pagaadd ng story na to sa inyong mga reading list hehehe and lastly, thank you sa pagbabasa ng story na to, mahigit 1000+ plus na ren ang nagbabasa neto kaya naiinspire ako ^_^

Vote

And

Comment

The Magic WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon