Hanna's POV
Lakad dito. Lakad doon. Lakad dito. Lakad doon. Upo. Tayo. Lakad. Upo. Argghhh hindi ba sila nahihilo?, kanina pa sila ganyan ah! Wala nang tigil, hindi ba sila napapagod? Nawala lang si ate Alexia naging ganyan na sila . Tumigil lang sila ng dumating ang kanang-kamay ng president ng school para magbigay balita. Nagsitakbuhan sila doon kaya napatakbo na rin ako.
" Maghanda daw kayo para sa labanan mamaya " panimula nya
" Eh paano si Alexia? Hindi ba natin sya ililigtas? " minsan den may pagkaeng-eng din tong si Kuya peter eh
" malamang ililigtas naten si Alexia kaya nga tayo lalaban sa mga Arwen eh, bobo! " sigaw ni ate haley. Napatahimik naman si kuya peter at napakamot sa ulo
" Mamayang alas-otso tayo susugod sa teritoryo nila kaya maghanda na kayo " sabay-sabay kaming napatingin sa orasan, mag-aalasingko na, 3 oras nalang bago kami sumugod. Bago tumalikod yung lalaki ay hinawakan ko yung braso nya dahilan para sya ay tumigil
" Ano na pong balita kay ate alexia? Ok lang po ba sya? " nag-aalalang tanong ko
" Ayon sa mga espiya namin kasalukuyang pinag-iisip sya doon ng headmaster ng desisyon " desisyon? Para saan? Napakunot naman ang mga noo namin kaya nahalata naman iyon ng lalaki
" Pinapag-desisyon sya ng headmaster ng Arwen kung sasapi sya sakanila, sasabihin nila kung nasaan ang kaibigan nya at sasabihin nya ang tungkol sa mga magulang nya " umalis na yung lalaki. Naiwan naman kaming tahimik dito at nag-iisip ng malalim. Sana hindi pumayag si Ate alexia sa deal nila nung headmaster.
Alexia's POV
" Bitawan mo nga ako! Kaya ko naman maglakad eh! " kaladkarin ba naman ako? Ano ako? Hindi kaya maglakad?
Pasalamat nalang ako ng bitawan ng weird na lalaki na kanina pa nakatungo simula palang ng hilahin nya ako palabas ng kwarto ang braso ko. Sinusubukan kong tignan ang mukha nya pero iniiwas nya talaga ito, anong problema nya?!Akala ba nya aagawin ko mukha nya?! Nakakainsulto to ah! Pero hindi ko na papansinin yun dahil kailangan ko ng gawin ang kanina ko pang pinag-iisipang plano. Binagalan ko muna yung lakad ko at ng sinigurado kong nauuna na syang maglakad ay tumalikod na ako para tumakbo palayo.
O______O
" Hi alexia! " nakasmile na bati saakin ni Peter. Napatigil ako sa nakita ko, paano siya nakapunta dito? Sya lang ba ang nandito? Kasapi ba sya sa Arwen? Pero napatigil ako sa pag-iisip nang maalala ko yung weird na lalaki, paglingon ko ay nakita ko syang nakatalikod pero hindi na nag-lalakad. Patay! Pero nagulat ako ng naglakad si peter papunta sa weird na lalaki. At ang mas nakakagulat ay binatukan nya ito kaya napaharap yung lalaki.
" David?! " gulat kong banggit. At yung mga tanong ko kanina sa isip ko ay bumalik. Kasapi ba sila sa mga Arwen? Spy ba sila ng mga Arwen? Paano sila nakapunta dito?
" Ooops wag kang mag-iisip ng kung ano-ano alexia,nandito kami para iligtas ka " natawa naman ako sa itsura ni Peter. Deny na deny eh hahaha
" Pfft. Oo na " sabi ko " pero bakit kayo lang dalawa? Nasaan yung iba? " takhang tanong ko
" Huwag kang mag-alala yung iba ay nasa baba, nagsisilbing look-out " sabi nya. Napatingin naman ako kay David kaya napaiwas sya ng tingin. Napatingin rin naman si Peter sakanya at muling binatukan,
" Nahihiya ka pa " sabi ni Peter
" N-no! " sigaw nya
" Tsk. Deny pa " hindi nya iyon binulong kundi pinarinig talaga niya iyon
BINABASA MO ANG
The Magic World
FantasyAre you a fighter? Do you have a high confidence? Are you not scare about killing? Well , if you are, that place need you. The place that wars never ended . The place that fighters have an special ability belong. Thats why they need y...