Chapter 1

125 4 2
                                    

Mia's point of view

gumising ako ng maaga dahil first day of school ngayon. sinuot ko 'yung uniform ko at umalis na ng bahay. habang naglalakad papunta sa school, nakasulubong ko naman sila Sofia at Leah, sila 'yung mga best friends ko.

" Hi, Mia" bati ni Leah

" hi" sagot ko naman at sabay na kami pumunta sa school

" o nga pala! kailan ka ba aamin sa feelings mo para kay Kris?" tanong ni Sofia

" ha? aamin? well.....hindi ko alam." sagot ko naman

" hindi mo alam? 10 years na kayo magkakilala tapos hindi ka pa rin aamin sa feelings mo para sa kanya? nahihiya ka ba?" tanong ni Sofia

" hindi naman ako nahihiya pero....hindi niya yata ako gusto" sagot ko kay Sofia

" ano? ayun lang ang dahilan mo? 6 years old palang kayo, magkaibigan na kayo. baka naman may feelings na rin siya sa'yo" salita ni Sofia

" gwapo, mayaman at sikat si Kris. imposibleng magkagusto siya sa babaeng katulad ko" sagot ko naman

" ano naman? maganda ka naman, mabait pa! imposibleng hindi siya magkagusto sa'yo" salita ni Leah

" tama si Leah. ikaw kaya ang pinakamaganda sa ating tatlo!" salita naman ni Sofia

" alam niyo.....maglakad na lang kaya tayo sa school." salita ko at naglakad na lang kami papunta sa school. pumasok kaming tatlo sa classroom at umupo na sila Sofia at Leah. hindi agad ako nakaupo dahil ang natitira na lang na upuan 'yung nasa tabi ni Kris. bumilis 'yung tibok ng puso ko at umupo na lang ako sa tabi niya.

" Mia? okay ka lang?" tanong ni Kris

" ha? ako? Oo, okay lang ako" sagot ko naman

" sure ka? bakit parang kinakabahan ka? bakit parang namumula ang mukha mo?" tanong ni Kris

" ano? namumula mukha ko? dahil lang 'yon sa init. ang init kasi ngayon" palusot ko naman

" mainit ba? may air con naman sa classroom natin pero naiinitan ka pa rin" salita ni Kris

" um....ganito lang talaga ako. naiinitan kahit may air con" palusot ko sa kanya

" ganun ba? switch na lang tayo ng seats. mas malamig kasi dito sa puwesto ko"

" talaga? sige" sagot ko naman at lumipat na ako sa puwesto niya. I REGRET EVERYTHING! bakit ba kasi sinabi ko sa kanya na naiinitan ako? ang lamig dito sa puwesto niya! giniginaw na ako.

nang matapos na ang klase, umalis agad si Kris sa classroom. ang problema lang, naiwan niya 'yung lunch niya. kinuha ko agad 'yon at sinundan siya para mabigay ko 'yung lunch niya.

Sinundan ko siya sa isang tahimik na lugar. Bakit ba siya nandito? Tatawagin ko na sana siya pero may nakita akong babae.

" Kris....hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya pigilan ang nararamdaman ko!Gusto ko malaman mo na...... gusto kita!" Sigaw ng babaeng nakita kong kasama ni Kris.

" sorry, ha? Ngayon....wala pa akong nagugustuhan na babae" sagot naman ni Kris at bumalik na sa canteen. Wow! Rejected yung babaeng 'yon? Ang ganda ganda kaya ng babaeng yon tapos.....rejected? Ano ba yung type ni Kris?

Malungkot lang ako dahil alam ko na hindi niya ako gusto. Narinig ko naman ang usapan nila. Ang sabi ni Kris, sorry, ha? Ngayon....wala pa akong nagugustuhan na babae.

Ayun ang sinabi niya. Kaya ngayon, alam ko na hindi niya ako gusto dahil ang sabi niya, wala pa siyang nagugustuhan na babae. So....kahit mag confess ako sa kanya, alam ko na ang sagot niya. Rejected rin ako!

I've always liked youWhere stories live. Discover now