Sofia's point of view
wow! ang ganda ng line ni Leah kanina. sa daan na sinasabi ng puso ko. kaya naman pala ni Leah makinig sa puso niya. bakit ngayon niya lang ginawa? well....ang mahalaga, nagawa na niya na makinig sa puso niya. eh...ako? nakinig ba ako? kailan ba ako makikinig sa puso ko na umamin na kay Kyle? hindi ko lang magawa dahil may iba siyang mahal.
pagkatapos naman ng klase, pumunta na ako sa canteen. kasabay ko si Mia, wala pa kasi si Leah. na saan na kaya 'yung batang 'yon? ay, hindi na pala siya bata, dalaga na.
" na saan na kaya si Leah?" tanong ni Mia
" hindi ko rin alam. kanina ko pa nga 'yun tinatanong sa isip ko."
" teka lang....hindi ba si Leah 'yon? at may kasamang lalaki....si Luigi!"
" Oo nga! wag mong sabihin na sila na?" lumapit naman sa amin si Leah at bago pa umupo si leah sa tabi namin, nagyakapan pa muna sila. ang sweet nila, sila na ata. pagkatapos naman magyakapan, tumabi na si Leah sa amin.
" Leah, kayo na ba?" tanong ni Mia
" Oo" sagot ni Leah
" ano?" tanong namin ni Mia dahil sa gulat
" we're proud of you" salita ko sa kanya
" salamat. pero....ano na nangyari sa inyo ni Kyle? ikaw naman Mia, ano na nangyari sa inyo ni Kris?" tanong ni Leah
" wala naman. ayun pa rin, friends pa rin" sagot ni Mia
" ako rin, parehas lang kami ni Mia. that's why we are jealous of you, may boyfriend ka na. eh....kami, friends lang. parang hangang doon na nga lang kami ni Kyle" sagot ko naman
" paano mo naman na sabi 'yan?"
" kasi nga, may mahal na siyang iba"
" ano? okay ka lang? don't worry, marami pa naman diyan. maraming lalaki sa mundo. hindi lang si Kyle" salita ni Mia
" ayun na nga, eh! sa lahat pa ng lalaki sa mundo, doon pa ako na in love! bakit hindi na lang sa iba?"
" um...Sofia, isara mo muna kaya 'yung bibig mo. lahat na kasi ng tao sa canteen nakatingin sa'yo" bulong ni Mia
" bakit naman? hindi ba tinatanong niyo ako, binibigyan ko lang naman kayo ng sagot" inapakan agad ni Mia 'yung paa ko na naging dahil kung bakit ako tumahimik.
" ayan kasi. daldal pa more" bulong naman ni Leah
" Leah, hindi ba ikaw 'yung nagtanong sa akin? hindi lang dapat ako 'yung mapagalitan ng katabi kong tigre" agad ulit ako tinapakan ni Mia sa paa. "Mia! bakit mo ginawa 'yon?"
" ako kasi ata 'yung pinaguusapan niyo. 'yung tigre" sagot ni Mia
" sinabi ko ba na ikaw 'yon? wag ka agad mag conclude." sagot ko sa kanya
" layas!" sigaw ni Mia.
" ano? bakit naman?"
" Layas!"
" opo! aalis na" sagot ko naman at lumayas. may nasabi ba akong masama? well....mukhang meron. pero, sinabi ko ba na siya 'yung tigre? ano ba 'tong si Mia, masyadong judge mental! naglakad lakad na lang ako ng magisa. kung saan walang tao.
umupo ako sa may gilid at yumuko. para kasi ako nalulungkot. malay ko ba kung bakit, nalulungkot lang ako. nagulat na lang ako nang may narinig ako ng music sa mga tenga ko. tumingin ako sa kanan ko at nakita si Kyle, siya pala 'yung naglagay ng earphones.
" bakit nandito ka?" tanong niya sa akin
" eh...ikaw? bakit ka nandito?"
" wala lang. naglalakad lang ako at nakita kita. mukhang malungkot ka kaya nilagay ko 'yung earphones ko sa tenga mo. sumasaya kasi ako kapag nakikinig ako sa music, baka ikaw rin"
![](https://img.wattpad.com/cover/163624851-288-k259420.jpg)
YOU ARE READING
I've always liked you
Romansahow can you confess your love to someone if your not sure if he loves back?