Chapter 9

18 1 0
                                    

Mia's point of view

" sorry, Rian. pero may iba ng nilalaman ang puso ko" sagot ko sa kanya

" si Kris ba?" tanong niya sa akin

" Oo, matagal ko na rin siya gusto"

" paano ba 'yan. busted ako. hindi ko na ipipilit na magkagusto ka sa akin. kung mahal mo talaga si Kris, hahayaan kita sa gusto mo. dahil nga mahal kita, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. kahit ako pa ang nahihirapan" 

" salamat talaga Rian, salamat dahil naintindihan mo ako. sorry kung nasaktan kita, at least friends pa rin tayo, di ba?"

" Oo naman!" sagot niya sa akin

bumalik na ako sa bahay ko at humiga sa kama ko. grabe, may gusto pala si Rian  sa akin. nagpapasalamat talaga ako na mabait na lalaki si Rian, gagawin niya ang lahat para lang mapasaya ako. ganu'n niya ata ako kamahal. eh...ikaw Kris? ganu'n ka rin ba?

natulog na lang ako at ginawa lang 'yung routine ko. gumising ng umaga at pumasok sa school. umupo sa puwesto ko at tumabi kaila Leah at Sofia. as always.

" ano nangyari sa dinner niyo ni Rian?" tanong ni Leah

" well...umamin siya ng feelings para sa akin" sagot ko naman

" ano?!" tanong nila dahil sa gulat

" Oo, nga! umamin siya sa akin kahapon"

" so....sinagot mo?" tanong ni Sofia

" Oo, sinagot ko siya"

" bakit? akala ko ba crush mo si Kris? eh....bakit ka sumagot kay Rian?" tanong ulit ni Sofia

" baliw! syempre, na-busted siya! ang sagot ko kasi sa kanya ay, may mahal na akong iba."

" ah....akala ko naman  na sinagot mo siya. ayan naman pala, eh....mahal mo si Kris! kaya....kailan ka na ba aamin?" nakakailang tanong ka na, Sofia! pagod na akong sagutin ang mga 'yan!

" Sofia, give me time. I would rather be quiet than being busted."

" busted? ilang besses ba namin kailangan sabihin sa'yo na mag-MU nga kayo! hangang kailan rin ba kami magtitiis sa bulag-bulagan niyo!" sigaw ni Sofia

" o nga naman, Mia. ikaw na nga lang ang walang boyfriend sa ating tatlo" dagdag naman ni Leah

" Oo na! ako na 'yung bulag. ako na rin 'yung tanga. kaya naman, pwede bang tumahimik na lang kayo? iba na lang ang pagusapan natin. pwede?" hiling ko sa kanila. well...sumunod naman sila. nagkuwentuhan na lang kami habang hinihintay 'yung teacher namin dumatig. napatingin na lang ako sa pinto nang narinig kong may pumasok. si Kris pala. nagtinginan kami pero inalis agad ni Kris 'yung tingin niya sa akin. problema nu'n? baka....dahil kahapon. paano ba naman, si Rian kasi, sinabi pang date pero dinner lang pala!

" ayee....Mia, kitang kita ko na nagtinginan kayo." salita ni Sofia habang ngumingiti pa sa mukha ko

" tumigil ka nga! hindi mo ba nakita na inalis niya agad 'yung tingin niya? galit ata kasi 'yon sa akin"

" galit? bakit naman?" tanong ni Leah

" um...kasi....may misunderstanding lang naman. sinabi kasi ni Rian na may date kami, pero 'yung dinner lang naman pala 'yon. hindi na niya narinig na dinner lang pala 'yon, hindi date" paliwanag ko sa kanila 

" ah....hindi siya galit sa'yo. NAGSESELOS siya" salita ni Sofia

" ayee, kinikilig si Mia" dagdag pa ni Leah

" ano ba kayo! hindi ako kinikilig. ayoko ngang ganyan siya dahil iniiwasan niya ako" 

" may point ka naman doon. syempre ayaw mong hindi kayo naguusap ng crush mo" salita ni leah

I've always liked youWhere stories live. Discover now