Mia's point of view
bumalik kami ni Kris habang magkahawak ng kamay. umupo kami sa upuan kung saan magkatabi kami at lumapit naman sa amin 'yung tatlo. sila Luigi, Leah at Sofia.
" ayee....kayo na ba?" tanong ni Leah
" ano? kayo na ba?" dagdag ni Sofia
" Oo" sagot naming dalawa
" wow! akala ko magpapatuloy pa rin ang bulag-bulagan niyo. hindi na pala! sa wakas naman na kayo na!" salita naman ni Luigi
"bulag-bulagan? sadyang torpe lang kasi 'tong si kris. ayan tuloy, ngayon lang kami nagkatuluyan" sagot ko kay Luigi sabay tingin kay Kris na may ngiti pa.
" ano? torpe ako? sino ba kasi 'yung dikit ng dikit sa ibang lalaki? hindi ba ikaw 'yon?" sagot naman ni Kris at tiningnan ako na may ngiti. Dahil sa sagot niya, inalis ko na lang 'yung tingin ko sa kanya at naging speechless. "ano? may-ida-daldal ka pa?"
" wala na! isarado mo na lang 'yung malaki mong bibig!" sigaw ko sa kanya at tinakpan 'yung bibig niya gamit ang kamay ko. napansin na lang naming dalawa na nagtatawanan na 'yung tatlo. "ano naman ang pinagtatawanan niyo diyan?" tanong ko sa kanila
" wala! ang cute niyo kasi magaway" sagot ni Leah. tinangal ko agad 'yung kamay ko sa bibig ni Kris na naging dahilan naman nila para tumawa ng malakas. kanina pa ang mga 'to! ano ba ang nakain na mga 'to na tawa sila ng tawa? nakakainis na 'yung tawa na 'yan.
" kaya nga naman, Mia. ang daldal kasi ng bibig mo. ayan 'tuloy, napahiya ka pa" salita ni Kris at sinipa ko naman 'yung paa niya. kitang kita naman na sakit na sakit siya sa ginawa ko. ang daldal mo rin kasi.
" kung iinisin mo lang ako, gusto mo ba na mag-break na tayo?" tanong ko sa kanya at bigla na lang niya ako niyakap
" sorry na. hindi ko na uulitin" sagot ni Kris
" ayan naman pala, ayaw mo na mag-break tayo. kaya umayos ka" sagot ko sa kanya at hinigpitan niya 'yung yakap niya sa akin
" noted!" sagot ni Kris at mas lalo pang tumawa 'yung tatlo. problema ng mga 'yun? kanina pa kasi tawa ng tawa!
" tama na 'yan. instead na magaway kayo diyan, bumisita na lang tayo mamaya kay kyle" suggestion ni Sofia. syempre naman sasabihin niya 'yon dahil nga boyfriend niya 'yun. anyway, kamusta na kaya si Kyle? um...sasama na nga lang ako!
" sige, sasama ako mamaya" sagot ko kay Sofia at umupo na kami sa mga puwesto namin dahil nandito na 'yung teacher. nang matapos na ang school, pumunta na agad kaming lima kay Kyle. pumasok kami sa loob ng kwarto niya at nakita naman namin na okay na si Kyle. kumakain pa nga ng chocolate.
"Kyle!" sigaw ni Sofia at lumapit sa kanya
" yes, My love?" tanong ni Kyle at bigla naman nag-blush si Sofia. ayee...parang may kinikilig dito.
" wag mo nga akong tawagin na love! may sarili akong pangalan"
" alam ko, masama bang tawagin kitang love? love of my life kasi kita" dahil sa sinabi ni Kyle, mas lalo na namula ang mukha ni Sofia. dalawa lang naman ang posibleng dahilan kung bakit namumula ang mukha niya, kinikilig o nagagalit. sure akong kinikilig 'yan.
" ano ka ba, Kyle?! tigilan mo na nga akong tawagin na love at...at.....BAKIT MO KINAKAIN ANG CHOCOLATE KO?!" ano ba 'tong si Sofia. kaya pala sumigaw kanina, nakita kasing kinakain na ang chocolate niya.
" um....nung nagising kasi ako, gutom na gutom ako kaya nang may nakita akong chocolate sa tabi ko, kinain ko agad. sorry na, love. gutom lang naman ako"
" ano ka ba, LOVE?! bakit mo kina-"
" tama ba 'yung narinig ko? tinawag mo akong love?"
" ha? sinabi ko ba 'yon? hindi ba Kyle 'yung sinabi ko?"
" deny ka pa! narinig ko 'yung sinabi mo!"
" Oo na! sinabi ko na. bakit ba? hindi ba love of my life rin kita?" bigla na nabitawan ni Kyle 'yung hawak niyang chocolate at namula ang mukha. ang sweet naman ng dalawang 'to.
" O nga pala! Leah, pahiram muna 'yung phone mo. may tatawagan lang ako, naiwan ko kasi 'yung phone ko sa bahay" hiling ko kay Leah at binigay naman ni Leah 'yung phone niya. binuksan ko 'yung phone niya at nagulat na lang sa nakita ko.
" um...Leah, bakit mukha ni Luigi ang wallpaper mo?" tanong ko sa kanya at kinuha niya agad 'yung phone niya.
" patingin nga!" salita ni Luigi at kinuha 'yung phone ni Leah. "hindi ba ito 'yung wallpaper na ginawa ko dati? 'yung picture ko? so....hindi mo dinelete?" tanong ni Luigi kay Leah
" bakit ba? masama ba na boyfriend ko 'yung wallpaper ko? gusto mo ba na iba na lang 'yung wallpaper ko? o sige, papalitan ko-"
" wag! okay lang sa akin na 'yan na ang wallpaper mo. basta mukha ko, wag na 'yung mukha ng iba"
" o sige. ikaw lang ang gagawin kong wallpaper because you are my one and only boyfriend"
bigla naman namula ang mukha ni Luigi dahil sa sinabi ni Leah "Talaga, Leah? ako lang habang buhay? wala ng iba?"
" Oo, hangang kamatayan, ikaw lang"
discharge na si Kyle sa hospital at pumunta kami sa isang park para mag-picnic. nagkuwentuhan
na-realize ko na hindi dapat ikatakot ang pagamin sa taong mahal mo. merong mga panahon kung saan mawawala siyang parang bula, ma-accidente at mahuli ang lahat. kung magiging duag ka lang na masaktan, mas mabuti kung hindi ka na magmahal. ang pagmamahal kasi maraming pagsubok, walang mangyayari kung susuko ka na lang basta basta.
alam kong nakakatakot, but we should face our fears! kung mananatili na lang na hidden ang feelings mo, walang magagawa ang destiny para sa'yo. kailangan mo ng sariling sikap. kaya....walang magagawa ang takot na 'yan sa buhay mo, hindi mo kailangan 'yan! ang kailangan mo lang ang puso mo na ang magsasabi sa'yo ng tamang daan na dapat mong daanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/163624851-288-k259420.jpg)
YOU ARE READING
I've always liked you
Romantikhow can you confess your love to someone if your not sure if he loves back?