Kris' point of view
hmm....7:00 na pero wala pa rin si Mia. na saan na kaya 'yung babaeng 'yon? kapit bahay ko lang siya pero ang tagal niya makapunta dito. hindi ba siya pupunta? dapat sinabi manlang niya na hindi siya pupunta. sayang naman 'yung pagkain. kakain na sana ako pero bigla ko naman nakita si Mia. akala ko hindi na siya pupunta, salamat naman na pumunta siya!
" Kris? kakain ka na? hindi mo manlang ako hinintay?" tanong ni Mia
" akala ko kasi hindi ka na dadating" sagot ko naman at umupo na siya sa upuan. nung nakaupo na siya, kumain na siya. hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan dahil ang ganda niya ngayon. hindi lang ngayon, araw-araw siyang maganda.
" hindi ka pa ba kakain? lalamig na 'yung pagkain kaya kumain ka na" salita ni Mia
" o sige. kakain na ako" sagot ko naman. since sinabi ni Mia, gagawin ko.
" o nga pala. pinatawad na kita, di ba? bakit meron ka pang sorry gift para sa akin? 'yung dinner na 'to?" tanong ni Mia
" wala lang. gusto ko lang maramdaman mo na sorry talaga ako doon sa kasalanan ko" sagot ko naman. well....hindi 'yon ang dahilan kung bakit kami may dinner ngayon. hindi ko 'to sorry gift para sa kanya. sinabi ko lang 'yon para pumunta siya dito. ang plano ko kasi ngayon ay.....aamin na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. wala akong pakialam kung rejected ako, basta.....inamin ko na ang feelings ko para sa kanya.
" Kris, salamat nga pala dito sa sorry gift mo. wala kasi akong makain sa bahay. mabuti naman na may kasalanan ka sa akin. kung wala, mamamatay na ako dahil sa gutom sa bahay" salita ni Mia
" ano? gusto mo lagi ako may kasalanan sa'yo para hindi ka magutom? bakit ba kasi wala kang pagkain sa bahay?" tanong ko naman
" natatamad kasi ako bumili ng pagkain. meron naman akong allowance galing sa nanay ko pero natatamad akong bumili" sagot ni Mia
" alam mo....hindi sa pagiging tamad ang sagot. kung magiging tamad ka lang, walang mangyayari. kaya....kumilos ka. mag sariling sikap naman" sagot ko sa kanya
" o sige. tatandaan ko ang sinabi mo. puro ka naman paalala, iba naman ang pagusapan natin." hiling ni Mia
" Mia, meron akong mahalagang sasabihin sa'yo na isang besses ko lang sasabihin kaya makinig kang mabuti" salita ko naman
" sige. makikinig ako. ano ba 'yung sasabihin mo?" tanong ni Mia
" Mia....gusto ko malaman mo na ma-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla na lang nag ring 'yung phone ni Mia kaya naputol 'yung confession ko sa kanya. and guess kung sino 'yung tumawag, si Rian lang naman. bakit ba tumawag 'yon? panira naman lalaking 'yon!
"hello?......ikaw pala Rian, bakit ka naman napatawag?..........ah, ganun ba? sige pupunta na ako diyan"
" bakit daw?" tanong ko naman
" sorry, Kris. kailangan ko na umalis. next time mo na lang sabihin sa akin 'yung kailangan mo sabihin sa akin. kailangan ko na talaga umalis" sagot ni Mia
" o sige. mukhang emergency naman kung bakit ka aalis. okay lang. pwede ka ng umalis" sagot ko naman at umalis na si Mia. bakit ba kasi tumawag 'yung lalaking 'yon? umalis tuloy si Mia! panira talaga ng moment! well....natulog na lang ako dahil sa sobrang inis. gumising ng umaga at pumunta na sa school. nung pumasok ako, sumalubong naman sila Sofia at Leah.
" kamusta 'yung date niyo ni Mia?" tanong ni Leah
" Oo nga! magkuwento ka naman!" tanong naman ni Sofia
" ano pa ang ikukuwento ko kung hindi naman naging maganda 'yung dinner namin ni Mia?" sagot ko naman
" ano? hindi naging maganda? anong nangyari? bakit hindi maganda?" tanong ni Sofia
YOU ARE READING
I've always liked you
Romancehow can you confess your love to someone if your not sure if he loves back?