Mia's point of view
nabasa kay niya 'yung nakalagay sa diary ko? nalaman na ba niya na crush ko siya? nakasulat kasi sa diary ko ang pangalan ng crush ko, si Kris! bakit ba kasi nandito siya? ano naman ang lumabas sa isip niya para pumunta sa bahay ko? sana na lang hindi niya nabasa 'yung part na 'yon!
bahala na nga! matutulog na lang ako dahil may pasok pa bukas. gumising ako ng maaga para hindi ako malate sa school. sinabayan na rin ako nila Leah at Sofia papunta sa school. pumasok ako sa loob ng classroom at ang sumalubong sa akin si Kris.
" Kris?" tanong ko sa kanya
" Mia, patawarin mo na ako sa ginawa ko kahapon. hindi ko naman binasa lahat ng nakalagay doon sa diary mo. patawarin mo na ako" salita ni Kris
"sure ka? hindi mo nabasa lahat ng nakalagay doon sa diary ko?" tanong ko naman
" Oo, maniwala ka sa akin." sagot naman ni Kris
" sige na nga! papatawarin na kita" sagot ko naman
" talaga! salamat" salita naman ni Kris
" basta 'wag mo na ulit 'yon gagawin, ha?" tanong ko sa kanya
" Oo, promise" sagot naman ni Kris at umupo na sa puwesto niya
pinatawad ko na siya agad dahil baka magaway pa kami kung hindi ko siya papatawarin agad. baka rin masaktan siya kung hindi ko siya papatawarin. ang mahalaga, hindi niya nabasa 'yung part na 'yon. 'yung part kung saan ko sinulat ang pangalan ng crush ko. 'yung pangalan niya!
" Mia, pumasok sa bahay mo si Kris?" tanong ni Leah
" Oo, eh....binasa pa 'yung diary ko!" sagot ko naman
" hindi ba doon mo sinulat ang pangalan ng crush mo? ang pangalan ni Kris" salita naman ni Sofia
" Oo nga, eh.... nagpapasalamat lang ako dahil hindi niya nabasa 'yung part na 'yon. kung nabasa niya 'yon.....alam na niya ang nararamdaman ko para sa kanya" sagot ko naman
" hindi ba mas maganda 'yon? na malaman na niya ang feelings mo?" tanong ni Leah
" Kaya nga! bakit hindi mo na lang siya hinayaan na basahin 'yung diary mo para malaman na niya ang feelings mo?" tanong naman ni Sofia
" ayoko kasi na malaman niya ang feelings ko dahil doon, gusto malaman niya ang feelings ko mula sa akin. mula sa sarili kong labi" paliwanag ko sa kanilang dalawa.
" Oo nga! may point ka sa sinabi mo" salita ni Leah. pagkatapos namin magusap, umupo na rin ako sa puwesto ko. pagkatapos naman ng klase, pumunta na kami sa canteen nila Sofia at Leah. bago pa kami makarating sa canteen, naalala ko na nasa locker ko 'yung lunch ko kaya pumunta na muna kaming tatlo doon. nung makarating na kami sa locker ko, may napansin naman kaming papel na nakadikit sa locker ko. kinuha ko agad 'yon at binasa.
" dear Mia, ako 'to si Kris. since may ginawa ako sa'yong kasalanan. gusto ko sana pumunta ka sa bahay ko mamayang gabi para kumain ng dinner. sana pumunta ka dahil sorry gift ko 'yon sa'yo" binasa ko 'yung nakalagay sa papel
" OMG! tama ba 'yung narinig ko? may dinner kayong dalawa mamaya?" Tanong ni Leah
" hindi ba date 'yon?" Tanong naman ni Sofia
" hindi niyo ba narinig 'yung binasa ko? ang sabi niya....sorry gift niya 'yon sa akin. imposibleng date 'yon" sagot ko naman
" ano ka ba, Mia? isang dinner under the moonlight is a date!" salita naman ni Leah
"bahala na nga kayo! basta, hindi 'yon date" sagot ko naman
****
Kyle's point of view
YOU ARE READING
I've always liked you
Romancehow can you confess your love to someone if your not sure if he loves back?