Chapter 5

12 1 0
                                    

Sofia's point of view

ang gulo naman ni Mia. sino ba talaga? si Kris o si Rian? basta ako, boto ko si Kris. since gabi na, natulog na ako. gumising ng umaga at pumunta sa school. nung pumasok ako sa loob ng classroom, nakita ko naman si Mia at Rian na magkasama. ayan nanaman! magkasama nanaman 'yung dalawang 'yon! bakit nga ba dikit ng dikit si Mia kay Rian? 

umupo ako sa puwesto ko at nakita ko naman sila Leah at Luigi na gumagawa ng research paper nila sa laptop. mukha naman na hindi sila naguusap. paano ba naman kasi 'tong si Leah, wala ng ginawa kung di sungitan si Luigi. ano ba ang ginawa ni Luigi sa'yo? bakit ang sungit mo sa harap niya?

kahit palagi na lang magkasama si Rian at Mia, alam kong may pagasa pa na silang dalawa ang magkakatuluyan. Pero hindi ako payag doon!

Kahit hindi nagpapansinan si Leah at Luigi, alam ko rin na dadating rin ang panahon na magkakatuluyan rin sila. eh....ako? halata naman na hindi kami magkakatuluyan ni Kyle. paano ba naman kasi, GAY 'YUNG CRUSH KO! kung alam ko lang na gay siya, hindi ko na sana siya nagustuhan. 

wala akong magawa sa buhay! tapos na kami ng pair ko sa research paper namin at....malay ko na kung ano ang gagawin ko. busy si  Mia, pati na rin si Leah. sino na ang kakausapin ko? pinikit ko ang mga mata ko at nung binuksan ko ang mga mata ko, isang mukha ng lalaki ang nakita ko, si Kyle.

" Hi, beshie...." salita ni Kyle. naiinis na ako sa beshie na 'yan!

" ano ka ba? alisin mo nga ang mukha mo sa akin!" sigaw ko sa kanya at sinunod naman niya.

" grabe siya....beast mode agad? pwede bang friendly mode muna?" tanong ni Kyle

" tumigil ka nga! bakit ka ba nandito? anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

" malamang, dito kasi ang classroom ko. saan pa ba ako pupunta?"

" hindi, bakit ka nandito sa puwesto ko?"

" ah....may gusto kasi akong sabihin sa'yo"

" ano 'yon?"

" pwede mo ba ako turuan?"

" paanong turuan? maging tutor mo?"

" hindi.....turuan mo ako maging lalaki" ano daw? turuan siya maging lalaki?  eto na ba 'yung hinihintay ko? na realized na niya na lalaki siya. salamat naman!

" turuan ka maging lalaki? bakit naman?" tanong ko sa kanya

" kasi....may nagugustuhan na akong babae. gusto ko sana harapin siyang gamit ang boy side ko. hindi 'yung gay side ko" sagot naman niya. ah....may  nagugustuhan na siyang iba. ang sakit nu'n, ha? nung malaman mo na ang taong mahal mo may mahal ng iba. ang sakit!

" o sige." sagot ko naman. well....wala naman akong magagawa. kung may nagugustuhan na siyang iba, bahala siya! since kaibigan ko siya, ang magagawa ko na lang ang suportahan siya. masakit nga para sa akin pero, kung gusto niya talaga 'yung babaeng 'yon, hindi ko siya pipilitin na magkagusto sa akin. kung mahal niya talaga siya, kailangan niya ipaglaban! tangap ko naman, eh....na hangang kaibigan lang kami.

" talaga? Simula ngayon....magiging lalaki na ako. Hindi na ako gay" salita ni Kyle. Pshh...salita ka ng salita. Bago ka magsalita, gawin mo muna!

" okay.....kung kaharap mo na yung crush mo, hindi mo dapat ipakita ang gay side mo. Kung pinakita mo naman, busted ka na!" Paalala ko sa kanya

" sige tatandaan ko 'yan. Meron ka pa bang paalala?"

" um.....kung alam mo na mahal mo siya, umamin ka na agad. Baka kasi maunahan ka pa. Dapat maunahan mo pa ang isang pagong, hindi ka dapat matulad sa isang pagong, dapat mo maunahan 'yon. Tandaan mo, kapag naging pagong ka, wala kang mararating sa sobrang bagal mo. Pero kung tutulad ka sa isang koneho, mauuna ka sa finish line. Mauuna ka sa puso ng taong mahal mo" paalala ko sa kanya

I've always liked youWhere stories live. Discover now