Mia's point of view
Grabe naman 'tong si Leah. Sobrang naniniwala sa coincidence. Bakit hindi na lang siya maniwala sa tadhana?
Pagkatapos ng school, bumalik na ako sa bahay. Ano na ang gagawin ko sa pagkain na 'to? Itatapon ko ba 'to o ikakain? Alam ko na! Ibibigay ko 'to sa alaga kong aso, si Murice
Aba! Mukhang nagustuhan ni Murice 'yung pagkain na 'yon. Mabuti naman na meron akong alagang aso katulad ni Murice. Kung wala siya dito, malamang....tinapon ko na 'to!
Natulog na rin ako dahil sa pagod. Katulad ng dati, gumising ako ng umaga at pumunta sa school kasabay nila Sofia at Leah. Pumasok kami sa classroom at may napansin naman kaming bago. New student yata.
" teka lang....hindi ba 'yon si Rian?" Tanong ni Leah
" Oo nga! Pero bakit ibang iba na siya ngayon? Bago na 'yung hair style at mas naglevel up ang look niya" salita naman ni Sofia
" ano ba kayo? Hindi yata 'yan si Rian. Nakikita niyo naman na ibang iba na siya, di ba?" Salita ko naman at lumapit 'yung lalaking pinaguusapan namin, 'yung sinasabi nilang Rian.
" Mia!" Bati ng lalaki
" kilala mo ako?" Tanong ko sa kanya
" hindi mo ba ako naalala? Ako si Rian" sagot naman niya
" ano? Ikaw si Rian? Bakit parang iba ka na ngayon?" Tanong ko naman
" bakit? Hindi ba maganda 'yung bago kong look?" Tanong ni Rian
" hindi naman sa ganun. Nanibago lang ako" sagot ko naman
" ah.....o nga pala! Mamayang break time, may ibibigay ako sa'yo" salita ni Rian
" ano naman 'yon?" Tanong ko sa kanya
" malalaman mo mamaya" sagot naman ni Rian at umupo na sa puwesto niya.
" tama ako! Si Rian nga 'yon" salita ni Leah
" mas gwapo pa siya ngayon. Dati kasi mukha siyang nerd dahil sa glasses niya" salita naman ni Sofia
" Oo nga. Mas gwapo siya ngayon" salita ko naman
****
Luigi's point of view
Ako si Luigi, 16 years old. Isa akong lalaking mahiyain kaya hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko sa babaeng gusto ko. Nahihiya kasi ako. siya lang naman si Leah. kaibigan siya nila Mia at Sofia. hindi ko lang alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya pero kahit ilang taon ko na siya gusto, never ko pa siya kinausap. nahihiya kasi ako kausapin siya.
naglakad ako papunta sa classroom at binuksan ang pinto. nagulat na lang ako sa nakita ko, si Leah. nung nakita ko siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. kakausapin ko ba siya o tatakbo ako?
tumakbo na lang ako pero bigla na lang ako tinawag ni Leah. totoo ba 'to? tinawag niya ako?
" bakit?" tanong ko naman
" ikaw ba siya Luigi?" tanong ni Leah
" Oo, bakit?" tanong ko sa kanya
" naiwan mo kasi 'yung I.D mo. bakit ba kasi tumakbo ka?" sagot ni Leah at binigay niya 'yung I.D ko. nung na sa akin na 'yung I.D ko, tumakbo agad ako sa isang lugar na malayo sa kanya. bakit ba ako lumalayo sa kanya? baka dahil nahihiya ako, pero.....lalaki pa rin ako! hindi pwede ganito lang ako habang buhay!
kanina 'yung unang conversation namin ni Leah. akala ko hindi ko na siya makakausap dahil sa sobrang kahihiyan ko. mabuti naman na naiwan ko 'yung I.D ko. kung hindi ko naiwan 'yung I.D ko, hangang ngayon.....hindi ko pa rin siya nakakausap!
YOU ARE READING
I've always liked you
Romancehow can you confess your love to someone if your not sure if he loves back?