Chapter 8

17 1 0
                                    

Mia's point of view

sino kaya 'yung tumawag kay Sofia para umalis siya ng school? at anong meron kay Kyle? bakit parang nagulat si Sofia doon sa tumawag sa kanya? well....hindi ko na problema 'yun! makinig na nga lang ako sa teacher. 

pagkatapos ng klase niya, pumunta na agad kami ni Leah sa canteen. well....mukhang absent na si Sofia dahil hindi na siya bumalik. nagulat na lang kami nang makita namin siya na kumakain sa loob ng canteen. lumapit naman kami sa kanya.

" Sofia? bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya

" malamang, para kumain. para pumasok na rin. sobrang late na rin kasi ako, okay lang sa akin na malate ako, basta hindi absent" 

" wow, eh....absent ka na rin kanina" salita naman ni Leah

" alam niyo, umupo na lang kayo dito at may sasabihin akong importante sa inyo" umupo agad kami sa tabi niya para marinig 'yung sasabihin niya.

" um....ang dahilan kung bakit ako umalis ng school kanina ay dahil na accidente si Kyle."

" ano?" tanong namin ni Leah dahil sa gulat

" Oo, pumunta ako doon sa hospital at okay naman siya. may malay na rin. and....guess what, kami na" 

" wow! kayo na? ang bilis naman! proud ako para sa'yo" salita ko sa kanya

" Oo nga eh....akala ko hangang friends lang kami, malay ko ba kasi na ako 'yung sinasabi niyang babaeng gusto niya. si Leah, may boyfriend na, ako naman, meron na rin. eh...ikaw, Mia? ikaw na lang 'yung wala. kailan ka ba kasi magigising sa katotohanan na si Kris ang mahal mo? at....tigilan mo na rin dumikit kay Rian. ano ba meron kay Rian na sobrang dikit na dikit ka sa kanya?"

" wala lang. magkaibigan lang naman kami. at....ano ba 'yung sinasabi mong magising sa katotohanan?" tanong ko kay Sofia

" hangang ngayon ba magiging tanga ka pa rin? ilang besses ko ba sasabihin sa'yo na mag-MU kayo? may gusto kayo sa isa't isa! malay ko ba kung tanga ka talaga o nagtatanga-tangahan ka lang diyan. ikaw nga ang laging nagbibigay ng payo sa akin pero hindi mo magawa ang sarili mong payo" sagot ni Sofia

" grabe ka naman, tanga agad? hindi ba sinabi ko na rin sa'yo na wala pa siyang mahal na babae?"

" alam ko, eh.....paano kung nagsisinungaling lang siya nu'n? ano ng gagawin mo? paano kung ikaw 'yon? alam mo Mia, umamin ka na rin sa kanya. hindi mo ba nakikita na nasasaktan siya kapag nakikita ka niyang kasama ang Rian na 'yon" salita ni Sofia

" Oo nga Mia. hindi mo na ba nahahalata na gusto ka rin niya? UMAMIN KA NA!" dagdag pa ni Leah

" okay, chill lang. kailangan ko lang ng panahon mag-prepare para umamin sa kanya. eh....kayo ba? nakaamin ba kayo agad sa taong mahal niyo?  hindi naman, di ba? tao lang ako katulad niyo, kailangan pa mag-prepare" 

" bahala ka na nga diyan." sagot ni Sofia

" alam niyo, instead na magaway kayo diyan, kumain na nga lang tayo." salita ni Sofia

" Oo nga Sofia. chill lang, aamin rin ako kay Kris. mag hintay ka lang"

dahil sa sinabi ni Leah, kumain na lang kami at nagkuwentuhan. hindi na rin namin pinagusapan si kris dahil ayun lang ang magiging dahilan ng pagaaway namin ni Sofia. well....tama naman siya. bakit nga ba ang tanga ko? bakit hindi na lang ako umamin kay Kris? instead na dumikit na lang ng dumikit kay Rian. 

ganito kasi 'yon, simula bata pa lang, magkaibigan na kami ni Rian at Kris. mabait si Rian at si Kris naman gwapo lang, kaya nga nagustuhan ko siya. kahit mayabang siya nung mga bata pa kami. napansin ko na lang na bumait siya nang maging high school na kami. na miss ko lang talaga si Rian kaya dumidikit ako sa kanya. best friends kasi kami dati, na miss ko lang siya, wala ng iba.

I've always liked youWhere stories live. Discover now