Hindi mapakali si Monica sa nakikita. Maraming tubes ang nakalagay sa iba't ibang parte ng katawan ng mama niya. Umiiyak siya habang nasa tabi nito. Kahit gustuhin man niyang hawakan ang kamay, hindi niya magawa. Never in her life had she felt so desperate like this.
"Please be prepared." Ang narinig niyang sabi ng doctor sa ama nito. Hindi niya kayang marinig ang sinabi nito. Kaya lumabas siya.
Tumakbo siyang umiiyak. Wala siyang pakialam na may mabangga siyang tao. Napakaimportante para sa kanya ang mama niya. Gustuhin man niyang makasama ito sa kabilang buhay, ngunit hindi pa ito ang tamang panahon.
Ikinabigla niya nang may nakabangga siya na kamuntikan pa siyang madapa samantalang isa siyang kaluluwa nalang. Natigilan siya nang makita niya ang suot ng lalake. Nakaitim ito ng suit. Hindi niya inasahang sa ganitong pagkakataon sila magkikitang muli.
"Grim..."
"Gotcha."
Nanginginig na nakatitig si Monica sa mukha ng lalakeng nakaitim. Nakikita niya lang sa mga story book dati, bungo ang mukha nito at may dalang kurbang patalim. Di niya inaasahang ganito ang pagmukuha ng kamatayan. Kahit makinis ang mukha niya, matalim pa rin siya kung tumingin kay Monica dahilan para matakot siya dito. Ito ang lalakeng humahabol sa kanya. Ito ata yung tinatawag nilang 'Grim Reaper'. Kinukuha na ang kaluluwa niya pero ayaw pa niyang umalis. Kaya panay ang takbo niya palayo dito hanggang ngayon.
Sinubukan ni Monica na itulak siya, pero malakas ang grim reaper. Ikaw ba naman ang tumambay sa empyerno, diba. Sa isip niya.
"Bitiwan mo ako."
"Ba't kita bibitiwan kong hawak na kita."
"Ayoko pang umalis, please lang, bigyan mo pa ako ng ilang araw. Naospital ang mama ko. Kailangan niya ako."
"Isa ka ng kaluluwa, at matagal ka ng patay."
"Hindi pa ako tapos. Please, bigyan mo ako ng isang linggo."
"Hindi ka na pwedeng magtagal sa mundong ito. Alam mo yan."
"Hindi ko kasalanan ang mamatay, kaya give me consideration! Are you messing with me? Kilala mo ba ako?" Sigaw niya habang nagpupumiglas.
"No. Sino ka ba?" Sagot ng Grim Reaper.
Natawa siya habang napailing, "Wala bang facebook sa kabilang mundo? O di kaya magazine nalang? I'm the famous model. I'm Monica Young! I mean Monica Jose!"
Tinaasan lang siya ng kilay nito, "Whoever you are, hindi mo madadala ang kasikatan mo sa kabilang mundo. Kaya halika na at marami pa akong gagawin." Hinawakan ng Grim Reaper ng mahigpit ang braso niya at hindi na niya magawang pumiglas pa. Nakailang sigaw siya pero matigas ang puso ng grim reaper.
"Wala ka bang ina?! Wala ka bang taong naiwan sa mundo bago ka naging grim reaper? Oh baka ginawa ka lang para maging grim reaper kaya hindi mo ako naiintindihan!"
Walang sagot siyang narinig mula sa kanya. Habang naglakad sila papalapit sa room kung nasaan ang mama niya. Kumirot ulit ang puso niya.
"Listen! I will tell you where my money is hidden kaya pakawalan mo na ako. Sayong sayo na yun. I don't mind. Basta bigyan mo lang ako ng pagkakataong magstay muna. Please."
Bigla siyang nakaramdam ng paghina ng pagkakahawak ng grim reaper sa kanya. Kaya napatingin siya dito. Para itong istatwang tumigil sa kalagitnaan ng hallway.
"Hello, Mr. Badass?" Sinubukan niyang kumaway malapit sa mukha nito pero hindi siya pinansin. Hindi na rin ito nakahawak sa braso niya.
"Anong nangyayari sayo? Okay ka lang b—AAH!" Hindi niya napigilan ang sariling sumigaw nang biglang may malakas na enerhiya ang humigop sa kanya papasok ng kwarto, papasok sa isang katawang hindi niya alam kung kanino.
Mabigat at hindi siya makagalaw pero nanatiling nakapikit yung mga mata niya.
"Is she's finally here?" narinig niyang may nagsalitang boses lalake.
"Lord, hindi ko alam pero parang nararamdaman kong nagawa kong pabalikin ang kaluluwa niya. May naramdaman akong pumasok."
Nakarinig si Monica na parang may sinampal, "Are you really sure?! Paano kung iba ang natawag mong kaluluwa!"
"Hindi Lord! Sigurado akong nagtagumpay tayo."
"Siguraduhin mo!"
Hindi niya mapigilang gumalaw dahil sa kulit ng dalawa.
"Lord, gumalaw na siya!"
Nako, patay na. Nakita nila akong gumalaw!
"Anna?" Hinawakan ni Gab ang kamay niya at naramdaman niya ito. Warmth. Hindi niya mapigilan ang sarili na sumaya. Totoo ba 'to? Hindi niya mapigilang ibuka ang mga mata. At tumambad ang mukha ng lalake sa harap niya na hindi niya man lang kilala.
Sa sobrang panic. Sumigaw siya ng malakas.
"Anong ginawa mo sa Anna ko?!" Sinaktan ni Gab si Baste dahil sa nangyari. Sumigaw ito ng malakas at parang nagpanic pa ito. Dahil sa commotion, nagsidatingan ang mga nurse at doctor sa loob ng kwarto para malaman kung ano ang nangyari.
Nagulat ang mga doctor sa mabilis na pag galing ni Anna. Pati vital signs ay okay na rin. Ang mas nakakagulat pa dito ay ang mabilisang pagkaroon niya ng sigla pagkatapos ng ilang araw na comatose siya.
"The baby is still healthy. Congratulations! This is really unbelievable." Masayang sabi ng isang doctor.
"This is what they call a miracle." Sagot naman ng isang doctor din.
"Ako ang dahilan kung bakit—" magsasalita pa sana si Baste pero tinakpan agad ni Gab ang bibig nito.
"Baby?" Tanong ni Anna na nabigla sa narinig.
Masayang hinawakan ni Gab ang kamay nito sabay tango. "We're having a baby, Anna. I'm so happy." Hindi mapigilan ni Gab ang mapaiyak sa kasiyahan.
"What?!" tanong ni Anna na may halong pagkabigla. Para siyang balisa na hindi mo alam kung kinakabahan ba o natatakot.
"Didn't you know?"
"No... No way. No way!" Napasigaw si Anna, nabigla silang lahat, umangat pa ito ng tingin at lumaki ang mga mata na parang may nakita at natakot kaya tinakpan niya agad ang bibig niya at yumuko. Agad siyang binigyan ng pangpakalma ng doctor. Ilang minuto lang ay huminahon na siya at nakatulog. Doctors assured Gab na magigising ito agad at hindi kailangang mag-alala.
"Lord, ano pasado na ba ang ginawa ko sayo?" Tanong ni Baste kay Gab.
"Dahil sa ginawa mo, libre ka ng tumira sa apartment ko."
Hindi mapigilan ni Baste na lumaki ang mga mata sa sinabi ni Gab. Napatili pa ito at niyakap si Gab.
"Tumahimik ka magigising si Anna!"
"Salamat Lord Gab! Tatanawin ko 'to ng malaking utang na loob ito. Hindi na to mababawi ha."
Tumango ito, "Basta siguraduhin mo sa aking walang negative effect ang nangyari ngayon." Tinapik pa niya sa balikat si Baste, "Maraming salamat sa ginawa mo Baste, di mo alam kung gaano mo ako napasaya. Hindi ako makapaniwala pa rin sa nangyari," Masaya niyang tiningnan si Anna, "Both love of my life are now healthy. Matutuloy na rin sa wakas ang kasal ."
YOU ARE READING
A Beautiful Soul
FantasyMonica died and she doesn't deserve a second chance pero pinagbigyan siya by putting her soul accidentally to someone else body-- A beautiful body like Anna. With her badass attitude, will she be able to mimic the owner's gesture just to stay foreve...