Kabanata 8

49 18 14
                                    

"What did you do to her?!" Sigaw ni Gab na umalingawngaw sa buong 4th floor ng ospital.

"P—Pasensya na Lord Gab,"

Huminga ng malalim si Gab at tumalikod muna saglit habang nakapameywang. "Sorry Baste, mainit lang ang ulo ko ngayon dala ng nangyari sa office." Humarap ito sa kanya at kitang kita ni Baste ang pagod nito sa mukha. "Nabigla ako nang makitang umiyak ng ganun kalakas si Anna. You know, this is my first time I saw her like that." Hindi makapaniwalang puna ni Gabriel.

Tahimik lang si Baste habang nakikinig dito. Pero sa loob loob niya ay kinakabahan na ito.

"The way she act feels like...it's different. Parang ibang Anna ang kaharap ko." Napaisip pa si Gabriel sa harapan niya habang siya ay pinipigilan ang panginginig ng buong katawan dahil sa takot.

"Baste," Ikinabigla ni Baste ang paglagay ni Gab ng kamay nito sa balikat niya. "Relax ka lang, hindi ako galit sayo." Mahinang tumawa si Baste kaya medyo kumalma siya. "Anna went through this kind of traumatic experience, normal na siguro ang ganoong mood niya. Isa pa," Ngumiti ito sa kanya, "She's carrying our baby. I read it online na emotional ang babae pag buntis. So I should understand her, right?"

Walang magawa si Baste kundi tumango. Kitang kita niya sa mukha nito ang saya habang nagsasalita sa harap niya kaya hindi niya magawang alisin ang saya ni Gabriel kapag sinabi na niya ang pagkakamali niya. Ang kailangan niya ngayon gawin ay maremedyo ito habang hindi pa alam ni Gabriel.

Pumasok si Gabriel sa kwarto ni Anna habang siya ay nakamasid lang sa dalawa. Nakikita niyang nakangiti si Monica habang kinakausap siya ni Gabriel. Ganun na lamang ang pagkalungkot niya dahil okay na sana ang lahat kung hindi lang siya pumalya.

Kaya buo na ang desisyon niya.

Pumasok siya sa loob at dahan-dahang lumapit sa dalawa.

"Are you sure you're fine now?" Malambing na tanong ni Gabriel habang hinahaplos niya ang mahabang buhok ni Anna.

"I'm fine, thanks Gabriel." Ngiting sagot ni Anna. "How about you?"

Huminga ito ng malalim. "Okay lang ako. Don't worry about me." Ngumiti ito sa kanya. "What matters most is our baby growing inside you."

Habang nakangiting tinitingnan ni Gabriel ang tiyan ni Anna ay napatingin siya kay Baste habang tinataas ang kilay na tila ayaw niyang hawakan ni Gab ang tiyan nito at gusto niyang pigilan ni Baste ang gagawin ni Gabriel pero sinesenyasan na siya ni Baste na magpaka Anna siya gaya ng napagkasunduan nila. Walang magawa si Monica nang inilapit na ni Gabriel ang tenga niya sa puson niya para marinig ang heartbeat ng anak nila.

Pumikit ito habang dinadama ang nasa loob ng sinapupunan niya.

"I can hear the baby's little heartbeat!" Masayang sigaw niya.

Natulala si Monica na napatingin kay Gabriel. Naramdaman niya ang excitement nito habang nakatingin ito sa kanya na masayang masaya. Ilang ulit niyang sinigaw ito na para bang ngayon lang niya ito narinig. Maging si Baste ay masayang nakatingin kay Gabriel na excited din sa sinabi niya.

Natigilan siya habang masayang nakatingin kay Gabriel. Bigla niyang naalala si Simone.

"Love, I can hear her heartbeat!" Sigaw ni Simone habang nakadikit ang tenga niya sa puson ni Monica. Simone's reaction made her happy. It was on a perfect day, perfect place where he told Simone they're having a baby.

After so many years of being together as a husband and wife, binigyan na din sila ng chance na magkaroon ng baby. They kept it a secret maging sa family nito dahil mahirap ang pagbubuntis ni Monica. Sinabihan pa sila ng doctor na magpahinga muna si Monica sa modelling industry dahil mahina ang kapit ni baby, so she sacrifice her fame in order to build a family with him.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now