Kabanata 7

37 18 0
                                    

"Ano?!" Hindi makapaniwalang sagot ni Baste sa sinabi ni Anna.

"Grabe ka naman kung mapagreact dyan."

Nanlaki pa rin ang mga mata ni Baste sa narinig, "Nahihibang ka na ba? Hindi mo maaaring gawin 'yun, si Anna ang mananagot."

"Hay nako, you always says Anna, Anna, Anna. May gusto ka ba sa kanya?" Natahimik si Baste sa tanong niya kaya tumawa ito, "See?! Hindi ka magiging ganyan kaconcern kung wala kang gusto kay Anna, so I'm right?"

Huminga siya ng malalim, "Oo. Gusto siya, dahil napakasimple niyang babae, at napakabuti niyang babae."

"Di nga? Tama ako? Seryoso?" Gulat niyang tanong.

Masama niyang tiningnan si Anna, "Pero mas gusto kong magkatuluyan si Lord Gab at si Anna. Sila ang nararapat para sa isa't isa. Masaya na akong makitang magkasama sa altar ang dalawang mahal ko sa buhay. Ang dalawang taong tumanggap sa akin ng walang halong pangungutya dahil sa lugar kung saan ako pinanganak."

"San ka ba pinanganak?"

"Samar nga." Naiirita niyang tanong.

"Nakakatakot naman kasi kung san ka pinanganak." Pagsang-ayon niya.

"Tingnan mo, hindi nga ikaw si Anna dahil kinukutya mo ako."

"I'm not really, it's just really scared, but because you did something amazing, okay ka na sa akin. Idagdag mo na ako sa mga taong tanggap ka." Ngumiti ito sa kanya. "Pero pag may ginawa ka sa akin na di ko alam, mananagot ang nasa tiyan ni Anna." Sabay hawak niya sa tiyan. "You get it?" Nakangiting tanong ni Anna.

Bakas sa mukha ni Baste ang takot. Nakakatakot naman talaga ang kaluluwang nakapasok kay Anna. Kinakabahan siya sa mga maaaring gagawin nito na pwedeng ikapahamak ni Anna at nang anak nitong nasa sinapupunan.

Hinawakan agad ni Baste ang kamay ni Anna pagkatapos itong tumayo. "What now?"

"Totoo ba ang sinabi mong may papatayin ka ng tao?"

"Don't worry, sisiguraduhin kong hindi mapapahamak si Anna gaya ng sabi mo." Ito lang ang sinabi niya bago niya hinawi ang kamay ni Baste at nauna itong umalis sa kanya.

Kinakabahan talaga siya. 'Yung tipong hindi siya mapakali. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding kaba sa tanang buhay niya. Ni wala ng laman ang utak niya kundi puro nerbyos.

Kailangan niyang mag-isip ng solusyon habang nasa ospital pa si Anna at nababantayan pa niya ang mga ginagawa nito. Kinuha niya ang phone at hinanap ang number ng pinsan niyang si Neneng.

"Hello Neng?" Pero magulo ang signal sa probinsiya kaya hindi niya marinig ang sinasabi ng pinsan niya. Kaya minabuti niya munang itext ito tungkol sa lola niya.

Kailangan ko tulong ni nanay tungkol sa binigay niya sa akin. Sabihin mo importante ang sasabihin ko. Magreply ka, now na!

Pagkatapos niyang magtext ay nagpasya siyang bumaba na at bantayan si Anna. Nakita niya itong nasa harap ng pinto na pinuntahan niya kanina kaya nilapitan niya ito.

"She is my mother and she is sick." Paunang sabi ni Anna. "Kaya ayokong umalis dahil kailangan ko siyang bantayan."

"Anong totoong pangalan mo?"

"Monica." Sagot niya habang nakatingin sa payapang nakahigang ina niya. Habang nakatingin si Baste sa kanya, nakikita nito ang hindi matagong kalungkutan sa mga mata niya.

"My life is full of love until I died and realize it wasn't." malungkot na sabi ni Anna at nakita pa niya ang pagdaloy ng luha nito na pinunasan niya agad.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now