Nakailang ulit sinubukan ni Monica na pumasok sa katawan ni Anna, pero paulit-ulit din siyang tinatapon nito. Parang may ibang enerhiya na humaharang sa katawan niya at ayaw siyang papasukin.
"Anong nangyayari?" Iritang tanong ni Monica.
"Nasa sarili nang katawan si Anna." Puna ni grim reaper.
"Ano?" Pagtatakang tanong ni Monica. Napatingin sila sa katawan ni Anna na payapang natutulog. "Anong nangyayari? Bakit hindi pa rin siya nagigising kung nandyan nga siya sa sarili niyang katawan?"
Hindi masagot ni grim reaper ang tanong ni Monica. Nanatili lang itong nakatingin ng seryoso kay Anna.
Lumipas ang ilang oras ay unti-unting umuwi na rin ang mga taong nasa loob ng kwarto na nagmamahal kay Anna. Hanggang sa naiwan nalang ay ang mommy niyang nakaupo lang sa tabi nito, hawak-hawak ang mga kamay ng anak niya.
"Bakit pa nangyari sayo 'to anak?" Malungkot na tanong ng mommy niya habang lumalandas ang mga luha nito sa pisngi.
Malungkot na napatingin si Monica sa dalawa habang napapabuntong hininga nalang.
"Iniisip mo na naman ang mommy mo?" Hula ni grim reaper.
"Malamang." Huminto siya habang pinagmamasdan kung papaano tumitig ang mommy ni Anna sa kanyang anak. "Siguro noong natagpuan akong patay, ganyan din ako tingnan ng mommy ko."
"Paano kung hindi ka pa nakikita ng mommy mo?"
Nagtataka itong napatingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
Kumibit balikat lang ito.
Huminga ng malalim si Monica. "'Yun 'yung hinding hindi ko matatanggap, ang hindi niya ako nakita nang mamatay ako. Pero okay na din siguro 'yun. Nang maiwan sa alaala niya ang anak niya ng buhay hindi iyong patay." Tumigil siya saglit saka nagsalita ulit. "Nakakapanghinayang lang. I didn't spend much time with her."
Mahinang tumawa si grim reaper. "'Yan yung nakakatuwa sa mga tao pagkatapos nilang mamatay eh."
"Ano namang nakakatawa doon?"
"Saka lang nila napapagtanto ang kahalagaan ng buhay."
Tinaasan niya ng kilay si grim reaper, "Alam mo, hindi madaling maging tao. For me, I get what I want in an instant. But, I can't get what makes my heart contented. Mahirap hanapin ang makakapagpakontento sa puso ng tao, kahit bilhin mo lahat ng bagay sa mundo, hindi mahahanap 'yun."
Napatingin si grim sa kanya sabay umiling. "Hindi naman kasi bagay ang nakakapagpasaya sa tao."
"Ano pala sa tingin mo?"
Napaisip ng malalim si grim reaper pero wala siyang masagot sa tanong ni Monica. "Ewan ko, hindi naman kasi ako tao para sagutin 'yan. Ikaw dapat makakasagot niyan dahil naging tao ka."
Humingang malalim si Monica at napunan ng kalungkutan ang puso niya. For 35 years, hindi niya naranansang makontento. She always believe that she can buy everything in the world. She's rich and can provide every luxury she wanted. But now she realized, hinding hindi niya madadala sa kabilang mundo ang anumang yamang meron siya.
Ang tanging nadala niya ay ang kaluluwa niyang puno ng pait.
Natuon ang atensyon niya sa hugis taong nakatingin sa transparent na pinto at kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ni Dhapnie na seryosong nakatingin sa katawan ni Anna. At lalo pa siyang nagtaka nang bahagya itong ngumiti saka umalis.
Samantala, balisang balisa si Baste sa apartment niya. Ilang ulit na siyang nagpabalik-balik kakaisip kung ano ang gagawin niyang paraan para magising ang kaluluwa ni Anna.
YOU ARE READING
A Beautiful Soul
FantasíaMonica died and she doesn't deserve a second chance pero pinagbigyan siya by putting her soul accidentally to someone else body-- A beautiful body like Anna. With her badass attitude, will she be able to mimic the owner's gesture just to stay foreve...