Kabanata 11

17 17 2
                                    

Anna seems a bit off. Ito ang hindi mapigilan ni Dhapnie na pumasok sa isipan niya habang nakatingin siya dito at habang tinitingnan ang kilos niya. The way Anna acted in front of her ay parang nakipag-usap siya sa ibang tao. But the fact that it happened because of that incident, it made her feel worst.

Hindi nakipagkamay si Anna sa kanya at tiningnan niya lang ito. Maybe Anna still knew her at galit ito sa kanya kaya ganoon nalang ang pakikitungo niya dito. Nakita niyang siniko siya ng kasama niyang lalake kaya ito nagsalita.

"Okay, what can I do for you?" Wala sa mood na tanong ni Anna, "Excuse me pero may bibilhin pa kasi ako at—"

"M—Ma'am Anna, ako na ang pupunta sa counter, mag-usap na kayo ng pinsan mo. Pasensya na ma'am Dhapnie, medyo wala lang siya sa mood, nagpapagaling pa siya dahil sa aksidente."Awkward na tumawa ang lalake at bumuntong hininga lang si Anna saka ibinigay ang credit card niya sa lalake.

Nang maiwan silang dalawa ay panay ang irap ni Anna sa kanya na parang ayaw siya nitong kausap. But Dhapnie wanted this opportunity to talk to her habang may pagkakataon siya at habang wala si Gabriel. "Can we talk alone?"

Umiling ito, "No, Baste should be with us."

"Susunod nalang po ako Ma'am Anna sa inyo, sabihin niyo lang kung saan kayo."

Huminga ng malalim si Anna na halatang pilit na pinapakalma ang sarili. Ngumiti si Dhapnie sa kanya tanda ng pagti-thank you. "Let's go?" Dumiretso nang lumabas si Anna saka siya sumunod. Habang nasa likod siya ni Anna ay pinagmamasdan niya ito. The way Anna walk is so different, na parang kasama siya sa mga top model ng bansa. Unlike before, bako kasi si Anna at mabagal maglakad. Ilang beses niya ito tinuturuan pero hindi ito natututo kaya ganoon nalang ang nararamdamang weird feeling ni Dhapnie sa kanya.

Si Anna din pumili ng lugar kung san sila mag-uusap at nagulat ito sa piniling coffee shop. "Dito tayo?"

Kumibit balikat lang ito at tinaasan pa siya ng kilay, "Why? Is there something wrong?"

"Of course, nothing."

Inirapan siya nito saka pumasok sa loob. "I want to order double chocolate with coffee, ice—"

"Wait Anna," Hinawakan nito ang kamay niya pero tiningnan siya nito ng masama, "You can't order that, buntis ka."

Huminga ito ng malalim bago tumingin ulit sa babaeng nasa counter, "I mean, double chocolate lang, no coffee, iced blended."

"Alright ma'am,"

"How about something to eat ma'am?"

"One slice of chicago cheese cake."

Nagulat si Dhapnie sa order nito. She knows Anna's taste more than anyone dahil nagkasama ang dalawa simula pagkabata.

"Ikaw? Hindi ka ba o-order?"

"Ah, one iced mocha macchiato, please."

Habang nag-aantay ng order ay naupo na sila sa dulo ng coffee shop. Matamang tinitigan ni Dhapnie si Anna habang inaayos nito ang damit niya na parang hindi siya comfortable.

"I didn't think you'd like the double chocolate with coffee."

Kumibit balikat lang ito, "But I like it now."

Bumuntong hininga si Dhapnie, "So much changes after the incident happened. I'm praying for your fast recovery."

"Thanks,"

"I hope makabalik ka na sa pagsusulat. You know, that's your passion."

Tumango ito, "When the time is right."

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now