Kabanata 12

25 15 0
                                    

What a pity! Ilang ulit na napabulyaw si Monica sa sarili pagkatapos na makalabas sa loob ng coffee shop. Narealized niya kung gaano kaiba si Dhapnie sa lahat. Marami siyang kilalang katulad niya pero mas malala para sa kanya ang pinsan ni Anna. She can see the determination in her eyes at napagtanto niyang delikado pala ang kalagayan ni Anna sa kanya. She realized that she needs to secure everything that Anna owns, including Gab.

"Monica! Ang tagal kitang hinanap!" Napahingal si Baste na halos natabunan na ng mga dala niyang pinamili ni Monica.

"How can you see me in that situation?" Huminga siya ng malalim "Naistress ako today wag mo akong inisin." Reklamo ni Monica habang napapailing nalang.

"Bakit? Ano ba ang pinag-usapan niyo?"

"None of your business." Ininom niya ang natirang ice blended saka binigay pa ito sa kanya kahit marami na siyang dala.

"Teka," Binaba niya ang mga naglalakihang paper bags saka naghabol ng hininga. "Magpahinga muna tayo, pwede? Pagod na ako kakahanap sa inyo kanina pa eh."

Napasimangot si Monica na nakatingin sa kanya, "Ano ba 'yan, diba taga probinsiya ka? Malalakas ang mga taga probinsiya kesa sa mga taga Maynila," Puna niya.

"Hello! Nahihirapan din kami. Lahat ng tao napapagod lahat ng tao kailangan magpahinga, so halika na at maghahanap tayo ng mauupuan."

Sumimangot si Monica na tumingin sa kanya, "Kumaen na nga lang tayo."

Dahil sa sinabi ni Monica ay biglang nagbago ang mood ni Baste, "Mas mabuti pa."

Si Monica ang pumili ng makakainan kaya napanganga nalang si Baste nang nakatayo sila sa mamahaling Japanese restaurant.

"Monica, matuto ka namang magtipid, kawawa si Lord Gab sayo. Masyado kang magasto. Binabaon mo siya sa utang."

"Binabaunan din naman niya si Anna diba?"

"Ano?"

Umiling si Monica, "Nevermind." Iniangat niya ang kamay na parang may gustong kunin kay Baste, "Nasaan yung credit card?" Tanong niya kaya ibinaba ni Baste ang mga pinamili saka kinuha ang card sa bulsa niya. "Tingnan mo kaninong pangalan ang nakalagay."

"Anna Liza Gomez."

"Oh, kay Anna yan at hindi 'yan kay Gabriel kaya may karapatan akong gamitin 'yan." Kukunin na sana niya ang credit card pero agad itong itinago ni Baste sa likod niya.

"Hindi ikaw si Anna kaya wala kang karapatang gamitin ito. Tama na 'yung ilang libo mong ginastos sa mga damit mo, okay? Ako na mamimili ng kakainan natin."

"P—Pero"

"Doon tayo sa kaya lang ng budget ko,"

Natulala si Monica nang nasa tapat na sila ng Jollibee. Dali-daling pumasok si Baste habang si Monica naman ay nagbibilang na ng carbs na makukuha niya kung kakaen siya.

Walang siyang magawa kundi sumimangot nalang habang nag-aantay kay Baste na matapos ang order niya. Wala siyang pera at kung iiwan siya ni Baste dito siguradong hindi siya makakauwi, wala din siyang phone, tanging meron lang siya ay ang ganda at ang kasungitan niya.

She can't live without credit cards, without phone and without freedom to go wherever she want. Kailangan niya ng pera. Kailangan niya ng mapagkakakitaan. Hindi kasi siya 'yung tipong sasandal sa isang tao. Naghahanap ng paraan si Monica na magkapera, even her family own a big company, gumagawa pa rin siya ng sarili niyang pangalan sa industry.

"Ayoko ng carbs!" Nagmamaktol niyang reklamo nang nilapag na ni Baste ang mga binili niya. Kitang kita ni Monica ang mga halos isang baldeng fries at burgers sa tray nito, nagsisimula na siyang maging paranoid.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now