Ang buhay talaga napaka-UNFAIR nalang palagi.
Hindi mo basta basta makukuha ang gusto mo, pero kung ano pa ang ayaw mo yun ang ibinibigay sayo.
Ang saklap diba?
Sana naman biyayaan pa 'ko ni Lord. Sa kasamaang palad mas pinagpala talaga ako ng matinding paghihirap at kamalasan.
"Lian!" Eto nga pala si Joshua. Ang kuya, tatay at nanay ko. Galing noh? Simula nung 10 years old pa lang si kuya at 4 pa lang ako. Iniwan na kami ni mama't papa- So ayun nga. Tama na drama :)
"Natanggap na 'ko, Lian!! Mabibili mo lahat ng gusto mo!"
"WEH?! Anong trabaho naman ba yan ha?"
Tumakbo siya sa kwarto niya at kinuha ang dalawang maleta niya. Napa-head down siya sa harap ko. May tinatago 'to, ganyan itsura niya pag bad news eh -______-
"Actually sa abroad. 3 hours flight ko na, Lian"
Ano daw?! Agad agaran?!
"Wait what?! Kakatanggap lang sayo, may flight ka na kaagad?!"
"Planado na lahat, Lian. Alam kong kumukulo na ang dugo mo, at gusto ko na akong patayin deep inside. Pero para satin din 'to"
"PARA SATIN MO 'TO!! Pa'no na 'ko. Kuya, kaka-18 ko pa lang at di pa 'ko tapos sa course ko!"
"I'll be back as soon as you need me! Isang sweldo ko pa lang, bayad na lahat ng utang natin! One more thing, du'n ka muna titira sa bahay ng boss ko. I know medyo magulo. But when you get there mas maiintindihan mo lahat!"
***
4:40 pm
Masyadong mabilis lahat ng pangyayari, hindi ko na alam kung anong emosyon ang ipapakita ko. Nakakasira ulo, nakaka-bobo, nakaka-tanga, maloloka na ata ako sa maagang edad. Hinatid na 'ko ni kuya sa isang malaking bahay. Nanlaki bigla mata ko at hinampas si kuya.
"OMG! ETO BA YUN?!"
"ARAY HA MAKAPALO KA NAMAN IHA! Oo eto na!"
"Pero paano?!... Ang laki ng bahay! Omfg, DRUG DEALER KA NOH?!!"
"Gaga, drug dealer kaagad?! Can you please stop shouting, para namang isang kilometro layo ko sayo. Isipin mo nga para sa'n pa ang natapos kong kurso. Engot ka talaga kahit kelan"
"Iiwan mo na nga ako ang sama sama mo pa..." I pouted.
Hinug at kiniss ako ni Kuya.
"I'll miss you princess. Be a good girl, okay? Behave! Nakakahiya sakanila"