"So... Narinig ko malapit na ang start ng examination, Lian?"
"Yes kuya, I'm doing my best."
"HA? Anong best pinagsasabi mo, alam mo hindi mo na 'ko maloloko"
"BUT I AM!!!"
"Hoy Lian, tsaka mo ko utuin pag nalampasan mo ang first page ng libro na hindi nakakatulog"
"Napaka supportive mo, walang hiya"
"Aba aba. Padala ako ng padala ng baon mo, baka ginagastos mo lang sa pagkain"
"Oo na. Wag ka na maingay, magaaral pa 'ko"
"ABA, DAPAT LA-"
*call ended*
Hehehehe, ingay eh. Ang aga aga, reklamador. Totoo namang sinusubukan ko eh.
"Sir, tanghali na po. Please kumain na kayo"
Hm? Ano yun? Mukhang may naguusap sa kabila.
Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa pinto. "Ano po nangyayari?"
"Ma'am Lian! Si Sir po kasi.... hindi siya pupwede mag skip ng breakfast at lunch kasi acidic po siya"
"Ah, ako nalang po bahala"
Sinubukan kong i-text si Nico, para icheck kung gising ba siya.
[Nico?]
[Oh?]
[Uhm, wala lang. Busy ka ba?]
[Oo]
[You should try eating first? :(]
[Pass. I need to finish a lot of things. Maya na kita kausapin, k?]
Grabeng cold naman neto ka-text?!!
"Uy Lian, ano problema?"
"Ah hello Lex, wala lang naman..."
"Para kay Nico ba yan?" Habang nakaturo sa tray ng pagkain na hawak hawak ko.
"Eh kasi... Pano mo nalaman?"
"Alam mo ganyan talaga yan si Nico. Mukha siyang pa-easy easy lang pero pag malapit na ang examinations, hindi mo na makakausap yan. Ganyan siya kaseryoso sa grades niya at madami siyang preparations bilang President" I frowned for a bit, hindi ko aakalaing siniseryoso niya pala pagaaral niya. Ang judgemental ko, sorry. :(((
"Hey, don't worry. After exams makakapiling mo na ulit yan HAHAHA"
"What, as if namang gusto ko yon"
"Though he needs to eat. Mamaya maya lalabas din yan, iiyak nanaman yan sa sakit ng tiyan"
"I hope so..."
*9 PM | Kitchen*
Gabi na, pero hindi pa din siya nalabas. Try ko nalang mag-luto para sakanya, baka hindi niya to trip. So I tried making scrambled eggs at nag prito ako ng bacon.
*11:30 PM | Living Room*
Malapit na pala mag midnight. Ang tagal naman niya... Inaantok na ko.....
Nico's POV
Almost done. I think I could eat for a few minutes?
So I went down sa Kitchen, and looked for the food.
"Eto ata ulam ko. Ano 'to, giniling at bacon?" Sa ilalim ng plato may papel na maliit.
* Enjoy your scrambled egg and bacon~! - Lian ^____^ *
Scrambled eggs pala to, bwisit na yan. Sunog pa yung bacon. Hay nako, pag aasawahin kita ako na bahala sa mga kakainin mo Lian.... -_-
After eating dumiretso agad ako sa hagdan.
*LOUD SNORE*
"SINO YAN?!" Mukhang galing sa Living Room ang tunog. Naka-lock na ang bahay ng 9PM, at nakauwi na sa quarters ang mga maid.
Sinubukan kong lumapit sa sofa.
"LIAN?!!" I tried waking her up. Pero sobrang lalim ng tulog niya. Jeez, ang lamig pa naman dito. "Ano na gagawin ko sayo?"