Pagkababa ko sa kotse, umalis agad ang kotse. So this is it huh? A new beginning kuno...
"Ma'm...?"
"AY KABAYO! So-sorry! I didn't mean to call you a horse... It's just my expression!"
"It's alright Ms. Sanchez. Allow me to be your guide around the mansion"
"AH! Yes please, thank you!"
Pumasok kami sa mansion, grabe napanganga talaga ako. Ang daming pinto, tapos ang dami ding maids na palakad-lakad. Tinuro niya saki'n ang buong mansion as in lahat ng sulok pinuntahan namin. Halos inabot na ata kami ng 1 hour para libutin lahat
Why so yaman? -___-
Hinatid niya 'ko sa tapat ng kwarto ko. Bago siya umalis ay binigyan niya ako ng sulat na may nakakabit na susi. Malaki din ang kwarto ko. Limang tao na siguro ang kakasya dito, GRABE! (oa ko sorry HAHA) Kung papansinin ang ayos, hindi pa ganon ka-buo ang room, parang under construction pa siya. Weird, ba't kaya ako pinapasok dito.
Biglang may nalaglag na sulat..
"AH, yung letter nga pala!" Binuksan ko ang nilalaman ng envelope.
Hi Liannnnnnn! Kamusta naman ang bahay? Ang laki diba?! :> Sigurado akong napanganga ka din sa laki, don't worry parehas lang tayo HEHE! Anyway. I know that I'm so so labo. Pero eto na talaga. Before you continue reading kuha ka muna ng baso ng tubig
(Minsan pinapangarap ko nalang na hindi kita kadugo -___- I continued reading nalang)
Then, breath in.. breath out..... 3x! The truth is, kaya hindi ko masabi sayo 'to harap harapan kasi nga natatakot ako. Kalalaki kong tao, takot ako sayo huhu. Syempre baka makita ko ang langit ng wala sa oras. SO AYOOOON. Ang daldal ko ba? Okay lang yan haha! The truth is ENGAGE KA NA. As in capital E N G A G E. Kidding. But I'm serious about the engage part. Don't worry, he's a nice, rich, super pogi guy. He's name is Nico! Say hi to him for me. Be nice to him ha? I miss you na princess! Godbless! Mwah mwahhhh
P.S., hindi ako ang may kagagawan nito so don't curse me. Nico's dad and our dad planned this ^______^ I know you love me, please be nice!
"...........What?"
SERYOSO BA 'TO?!
WHAT THE F*CK! ALAM NIYO YUNG FEELING NA GUSTO NIYO NA MAGWALA?! PARA LANG AKONG INALAY NG WALANG KAMALAY MALAY?!
"1................ 2.......... 3......... 4........... 5..... Kalma lang, Lian. Kalma lang...."
Hinawakan ko ng mahigpit ang necklace ko. "Bakit ako pa? Uso pa pala 'to???!"
"... plus I'm too young at di ko siya kilala...."
"AHHHH! BWISIT NA KAMALASAN 'TO OH!!!!!!"