Bumukas ang pinto at may lalaking pumasok. Ohmygosh. Anghel ba 'to?! Ang gwap- "Pwede pakihinaan mo ang boses mo? Mahiya ka naman, hindi lang ikaw ang nakatira dito. Kababae mong tao"
DEMONYO!!"O........ SINO KA BANG ANGAS KA HA!"
"Hoy miss, ako ang anak ng may-ari neto. Kaya kung ikaw ang bagong maid, respetuhin mo ako!"
"MAID?! WHAT ARE YOU-" ...... Hala, baka pagiging maid nga ang dahilan kung bakit ako dinala dito..
Napatungo ako sabay sabi ng "Hi-hindi ko alam..."
"PSH. Ano ba pangalan mo ha?"
"Lilian Sanchez..."
"LI-LIAN?!"
Tumakbo siya papalabas at sinarado ang pinto. Ano nangyari? ._.
The Next Day (8:10 am)
*Knock knock*
"WAIT"
*Knock knock*
"JUST A SEC!"
Mukhang di pa nakuntento kumatok pa ulit *knock knock*
Nagmadali na kong buksan ang pinto, at sinabihan ang kung sino man 'tong makulit na 'to "ANAK NG! Sino ka ba at ang-"
"Hi, ako nga pala si Mio, sorry kung ang aga aga binulabog kita"
Nag-smile siya saki'n. Mr. Pogi #2!!!
"Li-li-li.............."
"Lian diba? :) Nga pala, I brought your breakfast na. Ikaw nalang kasi ang hindi pa nakain eh"
"THANK YOU PO!" Ang sweet naman ng lalaking 'to!
"Sure. Don't forget maaga ang breakfast dito, so don't be late na ha?"
"I'm really sorry..."
"Haha, it's okayyy. Smile na, you're too cute to frown. Nice meeting you Lian. Feel free to go to my room kung may kelangan ka ha? I won't hesitate to help you. Bye!"
Nag-wave siya saki'n at naglakad papalayo. Tinitigan ko ang likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Namula pisngi ko. Hindi ko aakalaing may taong ganito ka-caring.
*bzzt*
"Ah may nag-text. 0935.... Huh? Sino 'to?"