Nico's POV
"Kamusta ang first day niya? Nakakain na ba siya? Pumasok ba siya on time? Nako Nico, siguraduhin mong inaalagaan mo yang kapatid ko ha!!!"
Magi-isang oras ko ng kausap itong Joshua, at matindi na ang pagaalala niya sa kapatid niya.
"Kung ako sayo, Josh. Tawagan mo nalang siya"
"At bakit? Busy ka ba? Pinagpalit mo na ba kapatid ko ha?"
"San mo nanaman napulot yan? Mas praning ka pa sa babae ah!"
"Syempre may mga mata ako diyan. Subukan mo pa ulit magdala ng babae diyan sainyo, mawawalan ka talaga ng pag asa sakanya."
"Ayoko na mag paliwanag. Ibababa ko na to."
"WAIT LANG HEHEHEHE. Joke lang naman, nuba~!"
"May trabaho ka pa diba? Pakikamusta nalang ako kay Dad."
"Okay naman si tito. Nga pala, gustong gusto niya na daw makausap si Lian.....""Hindi pa ito ang tamang oras...."
"Nico, she will know the truth.... Actually, nagpre-prepare na nga ako-"
*BOOM*
"Uy, ano yun? Ang lakas non ah"
"Yeah. Tawagan nalang kita ulit sa susunod Josh"
Kinabahan ako, nagmadali akong dumiretso sa kwarto ni Lian. Magkatabi lang ang kwarto namin at alam kong doon ang direksyon ng tunog.
Binuksan ko agad ang pinto at naging naka subsob sa lapag si Lian.
"ANONG NANGYARI?!!"
Nilapitan ko siya, at hinawakan sa balikat.
"Nico....."
Humagulgol siya ng malakas at hindi nakapag salita.
Niyakap ko siya ng mahigpit at pilit na pinatahan."Please tell me, Lian. Anong nangyari?"
"I dreamt of it again.... A car crashed... People crying.... Someone calling my name... Hindi ko alam kung bakit... Bakit ang sakit? Bakit naninikip ang dibdib ko. Hindi ko mapigilan umiyak, Nico..."
Again? Palagi niya nalang ba naaalala mga nangyari noon? Napahinga ako ng malalim, at hinigpitan ang yakap ko.
"I'm here. I will never leave your side, Lian."
"Do you know my parents, Nico?"
"Y-yes. Why?"
"Is it true that they died dahil may sakit sila?..."
"............"
"Nico?"
*Door opens*
"Miss Lian, dinner's rea-.... OH! Sir, ma'am, naka-ready na po ang dinner. Nakakain na po sila Sir Mio, Lex at Jake. Kayo nalang po ang hindi pa."
"Sige, bababa kami in a bit"
Napatitig ang maid sa kama ni Lian at saaming dalawa na nasa lapag. "Sorry for intruding sir hehehhe~"
Lian's POV
Wait lang, ba't ang higpit ng yakap ni Nico?!!
I stood up, and fixed my clothes.
"Ta-tara. Kain na tayo"
Nauna na ko maglakad palabas ng kwarto at damang dama ko ang init ng mukha ko. Namumula ba ako?! "Kalma, Lian. Kalma." Paulit ulit kong sinasabi habang pina-pat ang pisngi ko.
Nico's POV
Anak ng tokwa, hindi manlang kumatok bago pumasok... Pero buti nalang, na interrupt kami. Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.
Dumiretso ako sa baba at nakitang hinihintay ako ni Lian.
"Sana sinimulan mo na kumain, Lian. Baka nagugutom ka na?"
"Sa-sabay na ako sayo syempre"
"Ang sweet mo din pala noh" Pabiro kong sinabi sakanya.
"Che!!!" Lalong namula ang mukha niya. Haha, ang cute.
"Pinaluto ko nga pala ang favorite mo"
"Thank you sa fried chicken, Nico"
*After eating*
Lian's POV
Tumayo na ko sa inuupuan ko. "AHHHH, solb!"
"Lian."
"Yes?"
Nico grabbed my cheeks at inuntog ang noo niya sa noo ko.
"ANONG TRIP MO?!!! ANG SAKIT NON"
"Sorry, may dumi ka sa mukha eh. Good night, Lian" Ngumiti siya at umalis.
"Parang ewan nakakainis..."
Kahit ganon si Nico, I don't understand why I feel so secure when I'm with him. We just met, pero it feels like he is someone very special to me...
*After a month*