F I V E

15.7K 336 1
                                    

"Mag-iingat ka. Don't hesitate to call me if there's a problem, okay?" Paalala ni Jade.

Pagkatapos magpasalamat ay mahigpit na yakap ang iginawad nya sa kaibigan bago tuluyang pumasok sa Van na maghahatid sa kanya patungong probinsya.

True to his words Vinn lend her what she asked for. Binigyan sya nito ng credit card na naglalaman ng malaking halaga. Wala rin naman syang mga gamit na nadala nang lumayas kaya namili sya ng bago bago lumipat sa bagong tirahan.

Halos dalawang oras ang lumipas bago sila makarating. Nagising na lamang sya nang tapik-tapikin ni Berna ang kanyang pisngi. Ito ang katulong slash alalay nya.

Pagbaba nya ay agad syang nakaramdam ng ginhawa dahil sa sariwang hangin ang sumalubong sa kanya.

Maganda ang bahay na binigay nito although, mukhang may pagka-luma dahil wala namang nakatira at walang ring nagpapanatili ng kalinisan. Two storey ang bahay at may balkonahe, may dalawang kwarto sa taas at sa baba naman ay may isang kwarto para kay Berna.

Sa balkonahe ay makikita nya mula roon ang kagubatan. Ang mga matatayog na puno, nakahanay ang mga ito sa gilid ng space na daraanan ng sasakyan. Marami ngang puno ngunit hindi naman ito yung mapanganib na lugar. Private property daw ito sabi ni Vinn. Dito raw ito pumupunta kapag gustong makalanghap ng sariwang hangin. Oh well, ngayon hindi na ito makakapunta rito. It's her house now.

"Miss Graziel, tapos na po akong maglinis. May ipag-uutos po ba kayo?" Tanong ni Berna. Tanging ito lang ang kasama niya sa bahay.

Ang guards naman ay nasa labas. Ilang milya ang layo ng gate mula sa bahay nya. May bakuran at gate sa bukana, kung saan naroon ang dalawang guards. May sarili silang maliit na guard house doon na iponasadya ni Vinn para stay in na ang mga ito.

"Wala na. You can rest for now." Sabi niya at isinubo ang natitirang piraso ng mansanas na nasa platito.

Malinis at maaliwalas na ang buong bahay. Pinaghalong cream at brown ang pintura at wallpaper. At dahil malamig at sariwa ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa bintana ay hindi na kailangang buksan ang aircon.

Mula ng mahiwalay sa magulang ay unti-unti syang namulat sa buhay. Hindi tulad dati na hilingin nya lang ang isang bagay, mapapasakanya na agad. Ngayon, kailangan nyang pag-isipan mabuti ang bawat paggagastusan nya ng pera kahit na ba hindi talaga sa kanya iyon.

Nangislap ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang magulang. Last time, she had a phone call with her parents. Sadya nyang tinawagan ang mga ito dahil sa pangungulila. Kahit naman masama ang loob nya sa kanila o pagbali-baliktarin man ang mundo ay magulang nya pa rin ang mga ito. Mahal na mahal nya ang kanyang Mommy at Daddy.

Luckily, kinansela na ng Daddy nya ang kasal ngunit anito ay bahala na daw sya sa buhay nya. He's furious at naiintidihan nya iyon.

Gulat man sa kanyang pagbubuntis ay walang nagawa ang kanyang Mommy kundi suportahan ang nais nya. Ayos na iyon sa kanya, kahit pagtatampo sa bawat isa ay umaasa syang isang araw ay magkakaayos ang kanyang pamilya... kahit hindi na buo tulad ng dati.

Mangiyak-ngiyak nyang tinapos ang palabas sa telebisyon, pagkatapos ay umakyat na upang matulog. She became lazy this past few days. Dala siguro ng pagbubuntis. Nahihilig din syang kumain ng mangga at mansanas na sinasawsaw sa asukal. It's odd but she likes it.

Paggising ay hinahanap agad ng sikmura nya ang lasa ng gatas so she went downstairs to get one.

"Oh, it's already six in the evening!" bulalas nya nang mapadako ang mga mata sa wall clock.

Napahaba ang tulog nya.

"Berna!" She called.

No response.

"Bernandina!" She shouted for the second time but still no response.

She look for her in the laundry area hanggang sa mapadpad sya sa kitchen.

"She's at the market. I ordered her to buy some groceries," said a baritone voice.

Napahawak sya sa dibdib at nanlaki ang mata. "Goodness gracious! What are you doing here?"

Vinn is comfortably sitting on the stool and there's a glass of wine in his hand. He's wearing a white v-neck fitted shirt and tattered jeans.

"Am I not allowed to go here? This is still my house."

"No! Akin na ang bahay na ito diba? Remeber, we have a deal." Inis niyang pahayag.

"Sa akin pa rin nakapangalan ang lupang ito," he hissed.

"E, binigay mo na ito diba? Walang bawian!"

Dahil wala si Berna, ipinagtimpla nya ang sarili ng gatas. She also peeled a mango and slice it into small bits. Nilagay niya ang mga iyon sa isang mangkok then she poured the glass of milk in it.

"What the? What the hell is that? You shouldn't eat that."

"This? This is a delicious food. Wanna taste?" At what she have said, nangasim ang mukha nito.

Thinking that it will be fun. She made him taste a bit of her food. Pilit ang tanggi nito pero naisubo nya pa rin ang maliit na hiwa ng mangga sa bibig nito. His face is priceless. Napabalinghit sya ng tawa.

Napawi naman agad ang tawa nang masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya habang pinupunasan ang bibig.

"Seriously, you shouldn't eat that," maya maya ay sabi nito.

"Masarap e. I'm craving for it and I'll die if I didn't eat what my baby wants."

Dinala nito ang kopita ng alak sa bibig.

"Bakit ka nga naparito?" Pag-iiba nya.

"Tinitingnan ko lang kung maayos kayong nakarating."

"As you can see, we're perfectly fine."

Pinagmasdan sya nito at nagtagal sa kanyang tyan ang titig nito. Maagap nya hinawakan ang maliit pang tyan at inirapan ito.

"Don't skip your dinner later. Uuwi na rin ako pagdating ni Berna."

Dala ang pagkain ay lumabas na sya ng kusina at nagderetso sa sariling silid.

"I should ban him. Akin na nag bahay na ito, e." Ngitngit nya.

May parte kasi sa kanya na parang laging inis kay Vinn. Hindi nya naman mawari kung bakit, iniisip na lang na dahil sa pang-iinsulto nito dati kaya ganon.


Worthy Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon