Maaga gumising si Graziel para sa plano niya sa araw na iyon. Matapos mag-ayos, she went downstairs. Nakita nya si Berna na naghahain ng almusal.
"Oh Miss Graziel, ang aga nyo naman ata magising," puna ni Berna.
"I have a lot of plans for today. Gusto ko matuto magluto ng iba't ibang pagkain. Natuto na ako ng gawaing bahay kay Jade pero ang pagluluto ay hindi pa." Umupo sya sa silya. "Can you teach me?"
Bahagya pa itong nagulat sa tanong nya at natigil sa ginagawa. "Ho? E, kabilin-bilinan ni Sir Cairon na huwag kayong pakikilusin dahil buntis kayo---"
Nangunot ang kanyang noo at tumaas ang kanyang kilay. "Who the hell is Cairon?"
"Yung asawa nyo po." Asawa? What the! Kailan pa sya nag-asawa?
"Inggrata, wala akong asawa."
"Ah--e, si Sir Vinn po. Vaughn Cairon Vasquez kasi ang full name nya tapos Vinn ang palayaw."
She tsked. Ano namang pake nya? At anong pake nito sa kanya at may pagbabawal?
"Let's clear things here, Okay? Ako ang amo mo kaya ako ang susundin mo hindi sya. Saka hindi naman ako mahihirapan."
Sa huli ay wala itong nagawa. Napangiti sya.
"Hmm ang bango naman nito. Come on, samahan mo ako kumain." Pag-aaya nya kay Berna.
Hours later, they are both in the kitchen. Pakbet ang napagpasyahan nilang lutuin. Sya ang naghiwa ng mga ingredients. Nag-aalalang nakamasid naman si Berna sa kanya.
Natagalan sila sa kusina. Halos mapatalon sya sa tuwa nang tapos na ang niluto. Totally hindi sya ang nagluto. Nung una kasi ay matabang kaya inulit pa. Sa pangalawang attemp ay maalat naman kaya hinayaan na nyang si Berna ang magtimpla.
Late na silang nakapananghalian.
Kasalukuyang hinuhugasan ni Berna ang mga pinagkainan nang may magdoorbell.
Akma syang tatayo pero pinigilan sya nito. "Ako na po."
Tumayo sya at itinuloy ang pagpupunas ng pinggan. Hindi naman nagtagal ay bumalik si Berna.
"Miss, ikaw ang hanap."
"Si Vinn na naman ba iyon?" Takang tanong nya.
"Hindi po. Si Sir Gian po, yung kapatid ni Sir Vinn."
Her forehead creased when she saw him sitting on the camelback sofa. Palinga-linga ang tingin nito sa kabahayan.
"Hi!" She greeted.
"What brings you here? Inutusan kaba ng antipatiko mong kuya to check on me?" Dagdag niya.
"No---uhm how... how are you?" He stuttered.
Umupo sya sa tapat nito. "Ayos lang naman. Gusto ko dito."
"Berna, maghanda ka ng meryenda para sa kanya," utos niya.
"Uh... hindi na. I just came here to give you this," Gian said then he handed her two paper bags.
Nahihiyang tinanggap nya iyon pagkatapos ay tiningnan ang laman nun. There are a lot of maternity dress inside.
She chuckled. "Magti-three months pa lang naman itong tyan ko. Hindi ko pa kailangan ang mga ito pero salamat. Inutos ba ng kuya mo na ibigay ang mga ito sa 'kin?"
"Ye-yeah..."
Oh, okay. Vinn is kinda OA. Saka ang lalaki ng mga damit para namang lolobo sya! Is he insulting her again?!
BINABASA MO ANG
Worthy Mistake (Completed)
RomanceHindi inaakala ni Graziel na sa isang iglap nabago ang buhay nya. Dahil sa mga problemang kinaharap ay tuluyang nabuo ang isang bata sa kanyang sinapupunan. Gusto na sana nyang magpaka-layo-layo ngunit naisip nya, why not na pakinabangan nya ang lal...