Hinawi ni Gabriel ang mga takas na buhok sa mukha ni Graziel. Ilang oras na ang lumipas at narito pa rin sya, pinagmamasdan ang babae. Kahit na malaki ang tyan nito ay hindi iyon nakabawas sa ganda nito.
He can't lose his fianceè. Sa mga nagdaang buwan ay napagtanto nyang ito pala ang tunay nyang mahal hindi si Catleya. Ang huling pagkikita nila ni Graziel ay galit ito sa kanya dahil nahuli nito sila ni Catleya na naghahalikan. He doesn't mean it nadala lang sya dulot ng alak.
Ngayon na nasa kamay na nya ang minamahal ay hindi na nya ito hahayaan pang mawalay sa kanya. Kung kailangan nya maging ama sa batang hindi kanya ay gagawin nya para kay Graziel, that's how he loves her.
Nagising si Graziel sa hindi kilalang silid. Pilit nyang inalala ang nangyari, ang huli nyang natatandaan ay may kung anong tumusok sa may batok nya sanhi upang mawalan sya ng malay tao.
"Don't panic. I should be brave." Pagpapakalma nya sa sarili nang mapagtantong nakidnap sya.
Nilibot nya ang silid at humanap ng malalabasan ngunit wala. Ang bintana ay sarado at may nakatakip na makapal na kahoy. Pinlano talagang maigi ang pagkuha sa kanya. Ngunit sino namang kikidnap sa kanya? Wala naman syang kaaway. Unless may isang taong may masamang balak sa kanya.
Natigilan sya sa pag-iisip when the door creek open.
Halo-halong emosyon ang lumukob sa kanya nang mapagsino ang pumasok.
"Glad you're awake. How was your sleep?"
"Gab... what---what the hell is this?" She stuttered.
It's none other than Gabriel, her ex fiance.
He kneeled. "I am so sorry, I didn't cheat. I was drunk that time---"
"Iyan ba ang rason kung bakit mo ako kinidnap, ang magpaliwanag? Well to tell you honestly it's too late. You already ruined my life!" May galit nyang sigaw.
Ito ang pinaka-inaasahan nya na kanyang masasandalan matapos malaman ang problema ng pamilya. Pero ano? Nakisabay rin ito!
"Please forgive me. I love you." Pagsusumamo nito.
"My love for you faded. Kaya hayaan mo na akong umalis sa lugar na 'to hanggang may natitira pang awa sa puso ko para sayo! You have no idea how much I wanted to hurt you!" She yelled. Nangingilid na Ang kanyang mga luha.
"Then hurt me! Kung 'yon lang ang paraan para mapatawad mo ako!"
"That's too easy to say but hard to do. I can hurt you but still, I can't forgive you." She said sternly.
"Do you love someone else?" He asked, suddenly her mind thinks of Vinn. His worried faced flash on her mind. Ilang oras na kaya syang nawawala? Tiyak hinahanap na sya nito. Knowing him, short-tempered.
"So you do... damn it! Hindi pwede 'yon! Hindi pwede!" Nahihibang na sigaw ni Gab.
"Ano ba! Stop that!" Tinangka nyang pagilan ang pagwawala nitong bigla ngunit sa pangambang madamay ay hinayaan nya nalang ito at sumiksik sya sa isang sulok.
Nang mapagod ay madilim ang anyong bumaling ito sa kanya. "That Vaughn Cairon-I don't fucking care about his name, sya ba? Sya diba, I followed you since then. Hinayaan kitang magliwaliw kasama ang lalaking 'yon. That's enough! You won't go anywhere starting today!"
"You don't have the rights to say that! We're no longer together!"
Naputol ang sigawan nila nang may nagdoorbell.
Nagmadali itong lumabas.
Kinuha naman nya ang pagkakataong iyon para makatakas. Dahan dahan nyang tinahak ang kusina at doon nagtago pansamantala. Narinig naman nyang may kausap si Gab at hindi pa sya makapaniwala na si Catleya iyon kung hindi nya pa nakita.
Magkasagwat ang dalawa kaya lalo syang nagpursigi na makatakas.
Lumabas sya sa may backdoor sa kusina at matatayog na puno't halaman ang sumalubong sa kanya.
Binagtas nya ang mapanganib na gubat. Nagkanda-sabit narin ang kanyang mga paa sa mga nagkalat na sanga kaya hindi maiwasang masugatan sya.
Hanggang sa magdilim ang kalangitan ay wala syang makitang tao na hihingan ng tulong. Nakalayo na naman sya mula sa poder ni Gab kaya hindi na tangka sa kanya ang lalake. She's hungry and her feet is aching.
Napagpasyahan nyang sumandal muna sa isang puno at doon magpalipas ng gabi. She's so damn tired. Kailangan nya rin maging maingat dahil anytime soon ay baka abutin sya ng panganganak.
BINABASA MO ANG
Worthy Mistake (Completed)
RomanceHindi inaakala ni Graziel na sa isang iglap nabago ang buhay nya. Dahil sa mga problemang kinaharap ay tuluyang nabuo ang isang bata sa kanyang sinapupunan. Gusto na sana nyang magpaka-layo-layo ngunit naisip nya, why not na pakinabangan nya ang lal...