That morning dumating si Vinn. Lumabas sya agad ng silid upang komprontahin ito.
Pagkababa nya ay tumayo ito agad at sinalubong sya.
"Are you alright?" He checked her from head to toe. "Alin ang masakit?"
Agad namang nag-init ang kanyang ulo. Gritting her teeth, walang sabi-sabing pinadapo nya ang palad sa pisngi nito.
"Ano pang silbi ng guards? Bakit nakapasok ang magnanakaw?! I thought this place is safe?!" She yelled.
Napahawak ito sa namumulang pisngi. "You don't need to slap me! Fuck it!"
Kulang pa 'yon. Paano kung nalaglag ang anak nya dahil sa nerbyos? Paano kung nakapasok ang magnanakaw?
"It's all your fault! What If I got misscarriage? Paano kung napatay kami? Tell me!"
"Okay! I'm sorry! You should have called the police at the first place!" At nagawa pa talaga sya nitong sigawan. This moron is really getting into her nerves!
Pinaghahampas nya ang dibdib nito.
She was about to shout at him again when a pang of pain cross her stomach.
Napahawak sya sa nananakit na puson. "Ouch! Bullshit ang... ang sakit!"
Napatda si Vinn sa kanyang kinatatayuan.
Napaawang ang kanyang bibig at nanlaki ang mga mata nang makakita ng dugo sa suot nitong white cotton shorts.
"Vinn, ano ba! Bring me to the hospital!"
Hindi pa sya matatauhan kundi dahil sa iyak ni Graziel.
Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Namuo ang pawis sa kanyang noo. Sa tanang buhay nya ay hindi pa sya nakaramdam ng ganoong klaseng kaba.
May panginginig ang mga kamay na binuhat nya ito at mabilis na lumabas. Natataranta pa nyang hinagilap ang susi ng kotse.
On his way to the hospital he is panicking. He curse himself for shouting at her. Sana pala hindi nya na sinabayan ang pag-aalburuto nito. He should've comfort her instead. Damn it!
Pagdating sa ospital ay agad namang silang inasikaso.
He pace back and forth outside the emergency room.
Halos sabunutan nya ang sarili. He should've came earlier! Hindi nya inaasahan na may ganoong mangyayari. Sa ilang beses nyang pabalik-balik doon ay hindi pa iyon nangyari. That's a fucking private property at pinahigpitan nya ang seguradad.
Kung magnanakaw nga iyon ay mas lalo syang natakot para sa mag-ina. Paano kung nanloob?
At ang guards! Ang mga walangyang iyon, walang silbi!
Naupo sya. Inihilamos nya ang mga palad sa mukha.
"This is all my fucking fault!"
When the Doktor went outside he stood. "How is she? How's the baby?"
"Calm down, hijo. Ms. Zarriaga is fine now, mabuti at nadala mo agad sya rito." Inayos nito ang suot na salamin bago magpatuloy. "Pero kailangan mo syang bantayan maigi at iwasan ang mga bagay tulad ng stress at nerbyos. Ang stress ay maaaring maging sanhi ng mga seryosong komplikasyon para sa isang sanggol pagkapanganak or worse ay malaglag ang bata dahil ang malakas na pagkabigla ng nerbiyos at pag-aalala sa simula ng pagbubuntis ay maaaring maging sanhi ng miscarriage..."
Agad sumiklab ang takot sa kanyang sistema.
Matapos magpaliwanag ay tinapik nito ang kanyang balikat bago sya tuluyang talikuran.
Tinatagan nya ang sarili. No. He won't let it happen. Sisiguraduhin nyang hindi na muulit ang ganitong pangyayari. He will take care of her from now on.
Pagpasok nya sa silid ay mahimbing ang tulog nito.
He went near her and stared at her bothered face.
"I'm sorry," he mumbled.
Hindi dapat mangyayari ang ganoong bagay kung nasa tabi lamang nya ito at nababantayan nyang maigi. If he only knew that it will happen, he won't let her live in that place.
Maya maya ay dumating na si Berna dala ang ilang kagamitan.
Napatungo ito nang lingunin nya. "Sir, pasensya na po. Hindi ko po naipagtanggol si Miss Graziel."
"No, it's not your fault." He sighed deeply. "Umuwi ka. I-empake mo ang lahat ng gamit ni Graziel pati na rin ang sa'yo. Sa bahay na kayo titira."
"Sige po. Pasensya no po talaga."
***
"Takot na takot po sila. Balita ko pa ay na-ospital ang babae."
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng isang misteryosong tao.
"Kulang pa nga 'yon, e."
"May ipagagawa ka pa ba?" Mabilis syang tumango.
Agad bumalatay ang pangamba sa mukha ng lalakeng binayaran upang takutin si Graziel. "Hindi ho ba delikado... Baka makunan---" natigil ito sa pagsasalita dahil sa sampal nya.
"Ngayon ka pa natakot! Iyon nga ang pakay ko. Ang mawala ang babaeng iyon at malaglag ang bata!"
Galit na dinampot nya ang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isang stick at agad na sinindihan.
Marahas na binuga nya ang usok sa mukha ng lalake. "May ipagagawa pa ako sa'yo at triple ang bayad kung mapagtatagumpayan mo."
Biglang tumunog ang kanyang telepono. Dinampot nya iyon sa lamesa at sinagot ang tawag.
Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay gigil na ibinato nya ang telepono at sumigaw ng pagkalakas-lakas sa galit.
Napayuko ang lalake at natakot para sa sarili. Nasa tabi lamang kasi nito ang isang baril at baka sya pa ang mapagbuntunan ng galit ng amo.
"Tangina talaga! Bwiset!"
Nanlilisik ang mga matang bumaling ito sa kanya. "Ikaw! Magtago ka muna at tatawagan na lang kita sa susunod na plano. H'wag na h'wag kang magkakamaling magsumbong dahil papatayin kita. Naintindinhan mo?"
"O---opo!"
BINABASA MO ANG
Worthy Mistake (Completed)
RomanceHindi inaakala ni Graziel na sa isang iglap nabago ang buhay nya. Dahil sa mga problemang kinaharap ay tuluyang nabuo ang isang bata sa kanyang sinapupunan. Gusto na sana nyang magpaka-layo-layo ngunit naisip nya, why not na pakinabangan nya ang lal...