"Good Morning, I'm Jazmine Corpuz, 12 years old. My birthday is on December 1 1997. I'm from Sta. Rosa, Laguna.. but I've been living here in Manila for 1 year. I have 2 siblings, my older brother is now grade 6 and my little sister.. she's grade one." I smiled shyly and went back to my seat na nasa likuran ng room.
First day of school sa bago kong paaralan, isang taon din akong nagpahinga sa pag-aaral dahil inalagaan ko pa ang bunso kong kapatid, pero buti nalang at naka pasa ako sa grade 5 entrance exam sa school kaya ayun, ngayon grade 5 na ako. Hindi din naman kasi ako natigil sa pagbabasa ng libro ko.. actually libro pala ng kuya ko. He didn't stop sa pag-aaral kaya yung mga libro niya nung grade 5 siya hiniram ko nung bakasyon at nakikisabay din kasi ako sa kanya sa pag-aaral niya, kapag nagbubuklat na siya ng books and notebooks dumidikit na ako sa kanya kahit naiirita siya sa pressence ko, kerry lang! btw, My brother's name is Jordan and my lil sis name is Jandy, yeah our name starts with letter 'J', hindi naman mahilig sa J sila mama at papa.
"Hayy.." napabuntong hininga ako, buti nalang na survive ko ang pagpapakilala sa harapan, halos makawala na ang puso ko sa rib cage eh. I don't like kasi sa pagpapakilala na yan, nahihiya kasi akong humarap sa mga tao lalo na dahil sa muka ko at sa laki ko.
Nakaka insecure kasi ang gaganda ng mga babae dito sa classroom, kikay kikay sila kumilos at ang kikinis ng balat.. samantalang ako may mga pimples sa muka, may salamin at ang laki ko.. sinasabi nila mama at papa cute ako pero alam ko meaning nun mataba. Pshh.. kahit ano naman kasing pilit kong mag diet wala, nag eend up parin akong kumakain ng marami, hindi ko naman masisisisi ang sarili ko, gutom eh. Alahan naman gutumin ko ang sarili ko tuwing kakain diba?
Hindi naman kasi ako mataba dati, when I got here in Manila duon lang ako tumaba dahil wala na naman ako gaanong kalaro dahil hindi din naman ako nakakalabas ng bahay dahil sa kapatid ko at ayun, pag naiiwan kasama ko ang lil sis ko.. napapabayaan ako sa kusina dahil nag wowork sila mama at papa at si kuya naman 2pm na nauwi. Kaya laging ubos ang laman ng ref eh, dahil sa akin yun.. hindi ko na idedeny.
"Ok class, you can now have your lunch" sabi ng adviser namin na si Ms. Andrea.
Parang nakawala sa kweba ang mga kaklase ko dahil nagmamadali silang lumabas ng pintuan, buti nga't hindi nagka stampede. Naiwan ako sa room at ang tatlong babaeng nagtitipon sa sulok, pasulyap sulyap pa ito ng tingin sa akin. Hindi ko naman alam kung anong gusto nila. Yeah, since kanina wala pa akong nakikilala na classmate.. nahihiya nga kasi akong lumapit sa kanila eh, baka dedmahin lang ako.
Nakita ko sa peripheral view ko na tumayo na silang tatlo sa pagkakaupo at nagtutulakan sila, akala ko'y papunta sila sa pinto para lumabas ngunit mali ako, papunta sila sa akin.. bumilis ang tibok ng puo ko.. namamamawis ang mga palad. Pinilit kong abalahin ang sarili ko, kunwari'y nag susulat sa papel at naaninag ko na nakatayo sa sila sa harapan ko.. iniangat ko ang ulo ko at nagtutulakan parin sila.
"Bilis na ikaw na kumausap" sabi ng babaeng nasa gitna, naka pony tail ito at siya ang pinakamatangkad sa kanila, nakasalamin din ito gaya ko.
"Bakit ako? Ikaw na!" sabi naman ng babaeng nasa kaliwa, at itinuturo ang babaeng nasa gitna. Medyo chubby ito pero ang cute niya tignan.
"Ehhh.." sabi naman ng babaeng nasa gitna
"ikaw na kaya" sabi naman nito sa babaeng nasa right side niya, payat ito.. siya ang pinakamaliit sa kanilang tatlo
"Turo ka ng turo.. ikaw nalang kasi." sabi nilang dalawa sabay tulak papunta sa harapan ko
Nilingon naman sila ng babaeng nasa harap at nagbigay ng dead glare nag peace sign sila at ngumiti
Lumingon naman si tangkad, tangkad nalang tatawag ko.. hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya eh. Nagulat ako ng bigla siyang nag smile "Hi" bati niya, biglang nawala ang kaba ko. Akala ko kung anong mangyayari sa akin eh.. nginitian ko naman siya
"Hello" sabi ko sabay upo ng maayos.
"Anong pangalan mo?" tanong naman ni tangkad
"Jazmine" i smiled shyly, lumapit naman ang dalawa pang babae
"Hi Jazmine, I'm Daisie" sabi ni cute, ung chubby. hihihi. ang sarap pisilin ng pisngi niya
"I'm Kaye napalingon naman ako sa babaeng maliit at ngumiti
"I'm Rina" sabi ni tangkad and she gave me her big smile
"Bakit nag-iisa ka dito? tanong ni Rina
"Ahh.. eh.." napalingon-lingon ako sa gilid
"Wala kang kasama?" tanong ni Daisie ata yun. Mabilis akong makalimot eh, sarreh. hihihihi
"Sama ka nalang sa amin" anyaya ni Kaye." hindi na nila ako pinatapos at hinila na nila ako na ikinabigla ko.
Nakakatuwa naman, may friends na ako! hindi lang isa kung hindi tatlo! san ka pa! Ngiting ngiti ako habang papunta kami sa canteen, tinignan ko silang tatlo, naka palupot si Kaye at si Daisie sa magkabila kong kamay at si Rina naman ay nakabusangos ang muka, ayaw kasi siya palapitin sa akin, ayaw nila Kaye at Daisie, ang kulit. Sinabi nga ni Rina na siya ang unang kumausap sa akin pero parang walang naririnig sila Kaye at Daisie. Dedma lang. I tried not to laugh, ang cucute nilang tatlo eh.
I thought wala akong magiging kaibigan sa buong school year, but I guess I'm wrong.
Nice to meet you Kaye, Daisie, and Rina. J.K.D.R

YOU ARE READING
Unrequited Love
Novela JuvenilMay mangilan ngilan din naman sigurong tao ang nakararanas/nakaranas na ng unrequited love.. pag-ibig kung saan iisang tao lang ang nakakaramdam nitong special feelings. Hindi ba masakit? Masakit na umaasa ka Masakit na makita ang taong mahal mo na...