Chapter 3

10 0 0
                                    

"HAYYYYYY! I Miss you!" kinuha ko ang unan sa kama ko at niyakap ito ng mahigpit, nakakamiss din ang kama ko kahit hindi pa kami 24 hours nagkakahiwalay. Nasanay naman kasi akong late na gumising at late matulog eh.. ngayon iba na, 10 months din siguro akong magtitiis na baguhin ang wake up time ko and sleep time ko.

"Anak, kamusta naman ang first day?" iniangat ko ang ulo ko, nakita ko si mama na nasa pintuan ng kwarto ko.

"Ok naman po, nagkaroon ako ng mga kaibigan" ibinaba ko muli ang ulo ko at tumingin sa kisame.

"Buti naman, pagbutihan mo pag-aaral mo ah" sabi ni mama, narinig ko ang yabag ng mga paang paalis.

Napabuntong hininga ako, naalala ko bigla ang ichura ni Malcolm.. the way he smile, ang sarap sa pakiramdam tignan.

"Erase.. Erase" umiling-iling ako para mawala sa isipan ko ang ichura ni Malcolm.. "Jaz, kailangan mong magaral, wag muna puro crush crush ang iniisip." bumangon na ako at kumuha ng libro at notebook, susubukan kong magsimulang magaral.

--

"Anak, gising na.. kakain na tayo" niyugyog ako ni mama. Tumingin ako sa paligid at sa harapan ko, nakatulog pala ako matapos kong kunin and libro at notebook, hindi din ako nakapagaral. Hahaaay.. bakit naman kasi pag gusto mo magaral duon susulpot ang kaantukan.

"Sumunod ka na ah" sabi ni mama at lumabas na siya ng kwarto

Tumingin ako sa orasan, 8pm na pala.. limang oras din pala ako nakatulog. Medyo malayo kasi ang bahay namin sa pinapasukan ko, lalo na't naka bus pa kami ni kuya kaya inaabot kami ng isang oras bago makauwi, so 3 pm na kami nakakauwi kahit 2pm ang labas namin. Sanayan nalang, gising ng umaga at late ang uwi.

Matapos kumain nag ayos ng ako ng pantulog ko, kahit na natulog ako kanina, naantok parin ako kaya naman matutulog na ako ng maaga.

"Malcolm" i said bago tuluyang dumilim ang paningin ko

--

"ANAAAAAAAAK! GISING NAAAAAAAA! Baka malate pa kayo!" sigaw ni mama na nasa baba.

Tumingin ako sa orasan at 5am na pala eh kailngan gantong oras nakain na ako, dali dali akong pumasok sa banyo at ginawa na ang dapat na gawin.. grabe sampung minuto na ligo lang, kinuha ko ang bag ko papunta sa baba "Patay baka iwanan kami ng bus" bulong ko habang sinusuklay ang buhok kong basang basa pa. 

Muntik na akong mahulog sa hagdan buti nalang ay nakakapit ako ng mabilisan sa hawakan, "Oh! ingat!" napatingin ako kay mama at sa dining area, aba't wala pa si kuya "Ma san si kuya?" tumakbo ako papunta sa lamesa at umupo agad. Kumuha ng tinapay at ng hotdog at isinubo agad sa bunganga ko. 

"Bakit ka ba nagmamadali? eh 4:30am palang eh" tumingin si mama sa orasan at tumingin pabalik sa akin.

Napanganga naman ako sa sinabi ni mama,nahulog tuloy ang tinapay at hotdog na nasa bunganga ko. Tinignan ko ang orasan at oonga 4:30am palang. Lokohan?! anong nangyari sa orasan ko? bakit 5am na ang nakalagay. Muli akong umakyat para tignan ang wall clock ko, aba't nakanaman.. nawalan ng battery, kaya't huminto. "Bakit sa dinami dami pa ng numbers 5 pa?" para akong baliw na kinakausap ang orasan ko sabay palo dito dahil sa inis ko.

Nagmadali ako eh, para akong si flash sa sobrang bilis kong maligo tapos nag stop lang pala ang orasan ko.. bad trip ah. Matagal din akong nagintay sa sala, inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng games.

--

*BEEP BEEP*

Busina na ng bus na nasa harapan namin ng bahay iyon, humalik na kami sa pisngi nila mama at papa, si kuya good vibes na good vibes samantalang ako salubong ang kilay. Hindi ko kasi na feel na nakaligo ako eh.

"Good Morning Jaz" sabay-sabay na sinabi nila Kaye, Daisie at Rina. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom, nagkataong nakita nila ako na papasok sa gate ng school kaya't nagsabay sabay na kami.

--

Wala parin kaming ginawa ngayong araw na toh, nag arrange lang ng seat.. medyo malayo nga ako kela Rina, Daisie at Kaye eh, sila medyo malalapit ako nasa kabilang dulo.Buti pa sila, pero sa hindi inaasahang pagkakataon.. nasa likuran ko si Malcolm, at ma katabi siyang babae na mukang may lahi din. Katabi ko naman si Jarold, new student din siya.. may ichura. hehehehe. yan ka na naman Jaz, tigilan mo pagiging maharot mo. Nagkakwentuhan naman din kami, pero medyo awkward lang pag walang ma topic.

Nakausap ko na din yung babaeng katabi ni Malcolm, siya kasi yung girl na tinuro kung saan yung section ko, Sara ang name niya. She's nice and beautiful. 

"Jaz, i want you to meet someone" kinalabit niya ako at tumingin naman ako sa kanya

Tumingin ito kay Malcolm at sa akin "Jaz, I want you to meet Malcolm, Malcolm, Jaz" tumingin ako sa direksyon ni Malcolm.. at nakita ko ang smile niya na hanggang tenga. Nagtanguan lang kami sign na parang nag hi at hello kami. 

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumalikod, ang gwapo niya.. ang ganda ng mata niya, dark brown, nasisinagan kasi ng araw kaya nakita ko, tapos yung ngipin niya, para siyang model ng closeup.. at ang pilikmata niya, mahahaba. Ang cute niya talaga. 

I think I'm blushing right now, "UUUYY.. nagblublush" mapang-asar na sinabi ni Jarold. 

Pinalo ko siya sa balikat "Hindi ahh!" pagdedeny ko, pero sa tingin ko mas nag blush pa ako dahil sa pagdedeny ko. 

"Kinikilig ka noh?! uyy.." sinundot sundot niya ako sa tagiliran ko "Malcolm oh, kinikilig sa'yo" hindi talaga tumigil sa pang-aasar. 

Nang sinabi niya yun, bigla akong na poker face at hindi na siya nilingon. Alam naman siguro niyang nainis ako sa ginawa niya, kaya't nanahimik na ito. 

Yung ichura ni Malcolm nung sinabi ni Jarold sa kanya na kinikilig ako parang balewala lang.. medyo nasaktan ako dun sa ichura niya ah. Pero nako, bata pa kami. Jaz, wag mong isipin ang mga bagay na yan. Okay?!

The whole day, pinilit ko ang sarili kong hindi mapalingon sa likuran para hindi makita si Malcolm.

__

A/N:

Eto pala yung pwesto ng seat nila:

Jaz       Jarold

Sara    Malcolm

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now