Lumipas ang dalawang linggo, hindi parin ako mapakali sa upuan ko.. simula kasi ng pagpapakilala sa amin ni Sara sa isa't-isa, hindi ko na siya makausap.. wala akong lakas ng loob, nauunahan lagi ng hiya. May mga panahon namang kailangan ko talaga siyang kausapin dahil sa school works or something.. kinakausap din niya ako kung may itatanong siya at yun na yun.
It's friday, busy na din kami sa mga homeworks.. i decided na magpaiwan nalang muna sa classroom dahil incomplete ang homeworks ko.. ayokong mangopya, baka sabihin ng iba kabago bago ko palang nangongopya na agad, baka after 2 months mangongopya na ako. HAHAHAHA! hindi naman kasi nawawala ang pangongopya sa school eh. diba?
"Patay!" hinalungkat ko ang bag ko, wala yung notebook ko sa math.. "AH!" napapitik ako dahil naalala ko na kung saan ko nalagay ung notebook ko.
*knock knock*
Binuksan ko ang pintuan "Nandito po ba si Jordan Corpuz?" I smiled shyly, may mga kaunting tao sa classroom nila kuya.. naglulunch sila by group. Yung room pala nila kuya nasa kabilang room lang, mga 5 steps lang nandun na agad ako sa tapat ng room nila.
"Wala siya dito eh, anong kailngan mo?" sabi ng isang lalaking tumayo sa upuan at naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Moreno, may ichura, medyo matangkad ng kaunti sa akin at muka namang mabait.
"Ah-eh.. kukunin ko lang po kasi yung notebook ko sa bag niya, na misplace ko kasi eh.. nalagay ko sa bag niya" sabi ko habang kinakamot ang ulo ko
"Ah ganun ba, saglit lang" pumunta siya sa upuan na kinalalagyan ng bag ng kapatid ko, at hinalungkat ito.
Pagkaraan ng ilang minuto, nilabas niya na ang notebook ko at naglakad patungo sa akin "Oh, eto ba?" iniabot niya sa akin ang notebook "Thank you po" i smiled "Cge" umalis na siya at bumalik sa kinauupuan niya.
Ang enge ko naman kasi eh, bakit ko nga ba nalagay yung notebook ko sa bag ni kuya? dahil ba parehas bag namin? parehas kasing black ang bag namin at walang mga keychain kaya walang palatandaan. Nako, next time nga maglalagay na ako ng keychain para hindi na magkalituhan.
Bumalik na ako sa classroom.. "Ang bait naman nun, ano kayang pangalan niya" bulong ko sa sarili. BInuklat ko na ang notebook ko at nasimulang sagutan ang mga hindi ko pa nasasagutan na parts.
--
"Kuya!" sigaw ko sa kapatid ko, hinabol ko siya papunta sa bus.
Nang makapantay na ako sa paglalakad niya "Bakit?" nakatingin parin ito ng derecho.. kahit kelan walang reaction, nako.
"Pumunta kasi ako sa classroom niyo kanina, tapos--"
"nasabi nga sa akin ni dane" pagputol niya sa akin
So, dane pala ang pangalan nung guy na mabait.
"Mabait ba yun? Kaibigan mo?" inilapit ko kay kuya ko sa muka niya at inilalayo naman niya ang muka niya
"Kelan kayo naging friends? Ang bait niya kasi sa akin kanina eh.." patuloy parin ang pangungulit ko.
"CHILL!" itinaas ni kuya ang kanyang mga kamay.
Umayos naman ako at hinayaan siyang magsalita
"Dane Alonzo, Best friend ko" tipid na sagot ni kuya
I rolled my eyes, pano ba naman ang dami kong sinabi yun lang ang sasabihin niya, nakakapagod kaya magsalita ng magsalita, hindi ba?
PInabayaan ko nalang si kuya.. pumasok na kami sa bus at naghiwalay ng upuan. Sabi sainyo eh, SUPER DUPER CLOSE talaga namin. Note the sarcasm.
--
Naging magkaibigan din kami ni Dane simula nung pumunta ako sa classroom nila, nag hi-hello tapos minsan kamustahan kapag nagkikita sa hallway. May pagkakataon pa ngang makulit si dane sa akin eh, buti nalang at pag nagkikita kami hindi niya kasama si kuya.
"Good Morning" bati ni dane. Paakyat ako ng stairs ngayon, siya naman pababa.
"Morning" lata kong sinabi, naantok pa kasi ako eh.. napuyat ako kagabi dahil sa pag-aaral for first quarter exam.
"Ay, ganun lang?" huminto ako sa paglalakad at siya rin. Humarap ako sa kanya.. tiningna siya, antok na antok parin ako.. ung mga mata ko babagsak na anytime.
"GOOD MORNING!" sigaw ko and gave him a pilit smile. Tinuloy ko na ang aking pagakyat, para akong inabot ng ilang libong taon sa pagakyat.
Sawakas! bubuksan ko na ang pintuan sa second floor ng biglang may humarang sa akin. Tumingin ako sa lalaking nangharang at nako po, si Dane. Pinapaurong ko na siya dahil gusto ko na pumasok ng classroom at mahiga, pero wala eh.. mas madami si Dane na energy sa akin.
"Huy!" pinoke ako ni Dane sa tagiliran ko na ikinatalon ko, may kiliti kasi ako duon eh.
"Ano ba!" reklamo ko.
"Uy!" pinoke na naman ulit niya ako sa tagiliran. Tiningnan ko siya ng masama at mukang nag eenjoy ang mokong, nakangisi pa ito. Mukang may binabalak.
"UY-HAHAHAAHAH-TI-GI-HAHAHHAHAHA-LA-HAHAHAHAHHA-LAN-HAHAHAHHAHA"
"HAHHAHHAAHAHAHAAHAHAHAHAHHAHAHA DA-DANE HAHAHAHAHAHAHa" hindi tumigil si dane sa kakakiliti sa akin. Halos hindi na ako makahinga.
Nang ma realize niya siguro na pwede na akong mamatay sa ginawa niya, tinigilan niya na ako. "HAHAHHAHAH! yan! may energy ka na ba?" tanong niya habang nakahawak sa tyan niya at tumatawa
Dahil sa ginawa niya nabuhay ang mga nerves ko sa katawan, patayin ka ba naman sa kiliti eh. "TSE!" binuksan ko na ang pintuan, iniwan ko siyang tumatawa dun.. bahala siya. pagkamalan siyang baliw ng mga tao.
--
Pagkatapos ng exam namin, binalak ng adviser namin na ibahin na ang sitting arrangement.
"Ok class, get your bags at tumayo sa gilid ng room" our adviser said. Sinunod namin siya at naghintay ng signal niya yung saan kami uupo.
Ipinagdadasal ko sa isipan ko na sana malapit parin sa akin si Malcolm, "please lang Lord" bulong ko sa sarili.
"Jazmine, sa tabi ka ni Jarold." I smiled to him, ngiting hindi umabot sa tenga ko.
"Dissapointed?" bungad sa akin ni Jarold, umiling naman ako.
Tiningnan ko ang paligid ko, nasa gitna kami ni Jarold, sa pinakadulo samantalang si Malcolm nasa third row, sa pinakaunahan.
Napabuntong hininga ako.. Lord, hindi mo pa ako pinagbigyan.. ngayon hanggang tingin na lang talaga ako sa kanya.
--
Simula nung nagbago ng sitting arrangement namin, hindi na kami nagpapansinan ni Malcolm, ni ha-ni ho, wala na. Busy na siya sa mga friends niya na malapit sa kanya, dapat kasi nandito din siya sa harap namin eh, ang daya.. si Sara malapit pa rin siya sa amin, siya malayo.. World is being so unfair! Si Sara mukang magkakaroon ng lovelife dahil mukang crush nito si Jarold, eh ako?! imbis na magkaroon ayun.. nasa magkabilang dulo kami ni crush.
Lungkot naman. Dibale, baka sa third grading magkalapit na kami. Tiwala lang Jaz, tiwala.
YOU ARE READING
Unrequited Love
Teen FictionMay mangilan ngilan din naman sigurong tao ang nakararanas/nakaranas na ng unrequited love.. pag-ibig kung saan iisang tao lang ang nakakaramdam nitong special feelings. Hindi ba masakit? Masakit na umaasa ka Masakit na makita ang taong mahal mo na...