------------------- FASTFORWARD
Third year na ako! Grabe ang bilis ng panahon! parang kelan lang grade 5 lang ako.. ngayon, malapit na ako grumaduate! Isang taon na lang ang natitira. Grabe nga naman! Ayoko pang matapos ang highschool life ko, sinabi kasi nilang ibang iba na sa college.. kaya kailangan samanatalahin na to, enjoyin!
"IHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" tili akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng mga girlfriends ko.. sino pa ba? kung hindi si Rina, Kaye, Daisie at Kat. Nagkukumpulan silan sa isang tabi sa hallway.
"HEYY GURL! Musta naman ang bakasyon?" tanong ni Daisie
"Ok naman! Grabe namiss ko kayo! PA HUG NGAA!" ginroup hug ko sila, at ng kumalas na ako, they all have their weird faces.
"Anong meron gurl?" magkasalubong na kilay na tanong niya
"Namiss ko lang kayo! Masama?" pagdadahilan ko, pero totoo naman noh! dalawang buwan din kaming hindi nagkita noh!
Mga matures na ang mga ichura namin, si Rina, mas tumangkad.. si Daisie naman pumayat na ng kaunti, si Kaye naman ang galing na manamit at pati na rin si Kat.. ako, wala ganun pa rin.. hindi pumayat.. hindi tumaba.. tumangkad lang.
Nang tumungtong kami sa highschool naging maganda ang social life ni Kaye, sumali kasi siya sa isang dance troupe sa school at si Kat naman nasali sa mga singing contest sa labas ng school, kaya kapag may singing contest din sa school hindi siya magpapahuli. Kami nila Rina at Daisie, aral lang.. hindi namin hilig ang ma expose ang talent namin eh! HAHAHAHA! kung meron man kaming talent.
"Nakita niyo na ba kung sinong magkakaklase?" tanong ko sa kanila
Biglang napalitan ang weird faces nila ng isang malungkot na muka
"Bakit ganyan mga muka niyo?" hinawakan ko si Rina sa braso "Anong meron?"
"Eh kasi naman eh, hindi na naman tayo magkaklase! Nakakainis na. Ayaw talaga tayong pagsamahin" pagmumuktol ni Rina
"Si Rina at Kaye magkaklase, tayong tatlo naman magkaklase" singit ni Daisie
Grabe naman, hindi man lang kahit third year isama sama kami. Noong grade 6 kasi hiwalay din sa amin si Rina at Kaye si Kat naman new student.. classmate namin, pati na rin first and second year hindi namin sila kaklase. Noong second year kami ni Daisie lang ang magkaklase at magisa is Kat sa ibang room, kakalungkot naman.
"Nako Ok lang yan! Atleast magkakalapit pa rin rooms natin, kaya pwede pa tayong magkita noh!" pag eencourage ko kay Rina.
"Osya, tara na't pumasok na sa classroom natin Daisie at Kat.. ilang minuto nalang at magriring na ang bell" paganyaya ko sa kanila
"Bye gurls" sabi ni Daisie
---
"Good Morning Class, I'm Ms. Ancheta and I'm going to be your class adviser for the whole school year" nakatayo sa harapan namin ang isang matandang babae, mga 5'3 ang height, and mga ansa 50s na siguro ang age niya. Mukang mataray na mabait na hindi ko maintindihan.. ang gulo kasi ng facial expression niya eh.
"I'm going to call your name and please raise your hand" sabi ni Ma'am
Nakaupo kami nila Daisie at Kat sa pinakaharap, kunwari mababait na estudyante eh.
She started to call our names, sympre boys muna... and then "Mr. Malcolm"
OH EHM TO THE GEE. Classmate ko siya? Wow, si Malcolm classmate ko, oh my! after 2 years na hindi kami magkaklase, naging classmate ko ulit siya?
Tumingin ako sa likuran ko, and there i saw him sitting sa pinakalikuran, naka smile siya habang nakataas ang kanang kamay.
I miss his smile. Grade 6 was the last time na classmate ko siya, and he even courted Kat, pero na basted din sa huli. Ano kayang gusto niya sa mga babae? Nagstastart na naman akong maging curious sa kanya, i want to be friends with him.. yung walang ilangan.. basta kaibigan lang. He's a type of a mysterious guy kasi.
____
After 1 week
"Good Morning Malcolm" bungad ko sa kanya ng makapasok siya sa room
"Good Morning" he smiled back, naglakad na siya patungo sa kanyang upuan na nasa likod.. sinundan ko siya
"Musta ka na? Grabe, tagal na din natin hindi nagkakausap ah" fc na kung fc, ganyan talaga ako pag may gustong gawin eh.
"I'm good, oonga eh, how are you na pala?" he replied. Now, we're facing each other. Ang laki na din ng pinagbago niya, kung dati mas matangkad ako sa kanya.. ngayon grabe, isa't kalahating dangkal na ang tangkad nito sa akin, mga 5'8 na siguro ang height niya. Hindi na ako magtataka, may ibang halo eh.
"Ok din naman" I smiled back.
"Uy, una muna ako ah. Mag basketball lang kami" pagpapaalam niya
Tumango ako at naglakad siya paalis
"Later nalang uli!" i heard him shout.
Nakagawa na din ako ng step para mas makilala ko pa siya... this is going to be interesting.
YOU ARE READING
Unrequited Love
Teen FictionMay mangilan ngilan din naman sigurong tao ang nakararanas/nakaranas na ng unrequited love.. pag-ibig kung saan iisang tao lang ang nakakaramdam nitong special feelings. Hindi ba masakit? Masakit na umaasa ka Masakit na makita ang taong mahal mo na...