"Wow! ang daming masasarap na pagkain!" sabi ko sa sarili ko
Nasa cafeteria kami ngayon, nanlibre si Rina ng foods namin for lunch, bait noh? Ang dami nga niyang biniling pagkain eh, lahat masasarap. HIHIHIHI. :") kaso naman nakakahiya sa kanila, kaya onte nalang kakainin ko, baka sabihin nila hindi ako pinapakain sa bahay eh.
Nagkwentuhan kami, ininterview nila ako sa mga nangyari sa akin, kung bakit daw ako napunta sa Manila.. sinabi ko naman sa kanila na ang parents ko ay nakahanap ng maayos na trabaho dito, sa probinsya kasi pagtatanim ang ikinabubuhay namin.. pero dahil sa lumalaki na daw kami ay hindi na din nila kayang tustusan ang pang-araw-araw namin kaya napagpasyahan nilang mamuhay dito. Mahirap sa simula na pumunta ka sa lugar kung saan hindi mo naman kabisado ang mga gawain, lalo na't syudad ang Maynila, pero sa dulo masasanay ka nalang din.
"Ahhhh" they said in chorus na ikinabigla din nilang tatlo at nagsimula na naman kaming magtawanan.
Nang mailabas na namin ang mga tawa namin i asked them "Kailngan pa ba kayo dito nag-aaral?"
Nagtinginan sila sa isa't-isa, tila naghihintay kung sino ang mauuna. "Rina, kelan ka nag start dito mag-aral?" sabi ko, wala pa kasi sa kanilang nagsasalita eh, so pinauna ko na si Rina.
"Ah, dito na ako nag start mag-aral" she smiled to me at tumango tango naman ako "Ikaw naman Kaye?" ibinaling ko ang tingin ko kay Kaye
"Grade 4, nung nakaraan na year lang" she said
Tumingin naman ako kay Daisie para sabihin na turn na niya "Nung Grade 1" i nodded "magkaklase pa nga kami ni Rina eh" dagdag niya, tumingin siya kay Rina at tinaas baba ang kilay "Diba Rina?" binigyan naman siya ng weird face ni Rina at tumango nalang para tumigil na sa pagbaba taas ng kilay si Daisie.
Tumahimik na din kami at nag start nang kumain, nilibot ko ang paningin ko.. at biglang may nahagip ang paningin ko, isang lalaki. Napanganga ako sa ichura niya at marahil napansin nila Rina, Daisie at Kaye kung saan ako tumingin, nakita ko kasi sa peripheral view ko na nakatingin din sila sa direksyon kung saan ako nakatingin eh "Jaz, yung pagkain mo baka matapon" bulong sa akin ni Rina. Nalimutan ko na may laman pala na biscuit ang bibig ko. hehehe. agad ko namang sinarhan ang bibig ko at nagpatuloy sa pag nguya. Inilaan ko nalang ang tingin ko sa pagkain na nasa harapan namin.
Ramdam ko ang hindi paggalaw ng tatlo, kaya't iniangat ko ang ulo ko, NGEK. dapat pala hindi ko na ginawa. They're looking at me nang nakakaloko. "Crush mo noh?" panimula ni Daisie.
"Ah--Eh" magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si Rina "dali na aminin mo na!" pangaasar nito, si Kaye naman tahimik lang.. hindi naman kasi siya gano masalita na tao eh, nakikisakay lang siya minsan sa trip nitong dalawang nasa harapan ko.
"Hindi noh!" dipensa ko naman, "Familiar lang muka niya kaya ako napatingin sa kanya, pero baka guni-guni ko lang yun" dipensa ko naman
"Wushu, excuses, crush mo si Malcolm eh." pang-aasar uli ni Daisie.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumikom din naman sila sa pang-aasar sa akin. Malcolm pala ang pangalan niya, hindi pa ako nakakarinig ng ganung pangalan eh, bagay sa kanya yung name niya, ang cute niya kasi. Maputi, tapos ang ganda ng mata niya.. the way he smiled kanina, nakakalusaw. HIHIHIHI. :") crush ko na ba siya? First day na first day eh.
"Siguro late na naman si Malcolm noh?" narinig ko na sabi ni Daisie kay Rina. Tumango-tango naman si Rina habang nginunguya ang spaghetti. "Palibhasa, malapit lang ang bahay sa school kaya late na gumising eh.. dapat nga mas nauuna pa siya sa atin kasi naman lalakarin lang niya eh, pero sinasabi ng iba nating ka schoolmates nag kokotse pa siya pag napasok, rich kid eh. kahit na tatawirin lang at konteng lakad lang nag kokotse pa." sabi ni Daisie. Ako naman ay palihim na nakikinig sa kwentuhan ng dalawang ito.
"Sabi nga nila na hindi naman daw napapagalitan si Malcolm dahil late siya, tuwing papasok kasi siya ng late at dad niyang German ang kumakausap sa teacher, ehh gwapo daw, kaya ayun bigay agad ang teacher." dugtong naman ni Rina.
Wow ah, lakas ng tatay ni Malcolm sa mga teachers ah! Pati charm ng daddy niya nagagamit. Panigurado namang gwapings ang daddy niya, eh siya kasi ang gwapo na.. what more sa lalaking pinagmanahan niya, dibaaa?!
"Classmate natin si Malcolm hindi ba?" tanong ni Daisie kay Rina na dahilan ng pagkaangat ng ulo ko, napatingin ako sa kanila dalawa na mukhang gulat na gulat na ginawa ko. Napangiti nalang ako sa kanila "Oo, classmate nga natin siya" Rina said ng hindi iniiwan ang paningin sa akin. Ngumiti pa ito, hindi lang ngiti.. kung hindi nakakalokong ngiti.
What's with that smile Rina? Pero OH-EHM-GEE lang. Classmate ko siya for this SCHOOL YEAR?! OH MY. Magsasaya ba ako o malulungkot?! mixed emotions siguro ang nararamdaman ko ngayon! WAHAHAHAHAHAHA!
Malcolm, sana naman mapansin mo ako..
YOU ARE READING
Unrequited Love
Dla nastolatkówMay mangilan ngilan din naman sigurong tao ang nakararanas/nakaranas na ng unrequited love.. pag-ibig kung saan iisang tao lang ang nakakaramdam nitong special feelings. Hindi ba masakit? Masakit na umaasa ka Masakit na makita ang taong mahal mo na...