Chapter 6

7 0 0
                                    

First day of school para sa year 2009!

Sana maging maganda ang araw na toh. hehehe.

"Good Morning" ayan na naman po si mokong, pero sige magpapaka good mood na ako.

"Good Morning" i smiled to him

"Ganda ng umaga natin ah"

"Yuuuh" sabi ko

Hindi na naman niya ako kinulit at pumasok na ako ng classroom. Nagbagong buhay na siguro ang mokong. 

Start na ng fourth quarter, at pinagtabi na naman kami ni Jarold. Hindi naman gusto ni Ma'am na lagi kaming magkatabi noh? 

Ok din naman na katabi ko si Jarold eh, medyo close na din kami. Kaso sawa na ako sa kanya, tatlong grading ko na siyang katabi. Gusto ko naman ng ibang katabi noh! 

Si Sara duon parin siya nakaupo, halatang tuwang tuwa si Sara eh.. tumingin pa siya kay Jarold ng sinabi ni Ma'am na duon ulit siya sa upuan niya. 

Si Jarold, masasabi kong mabait siyang kaibigan, pag nahihirapan ako sa subject.. siya pa ang nagooffer sa akin na tuturuan daw niya ako, sympre hindi din naman ako tatanggi! Marunong siyang mag guitar at siya din ang top 1 namin sa classroom. Oh diba?! swerte ko katabi ko top 1, kaya naman pag walang homework copya nalang ako sa kanya, hindi naman siya madamot eh.

Tahimik din si Jarold sa lovelife niya..pero inferness swerte ng gusto niya ah. Nasa kanya na din kasi ung gusto ng girls eh; Mabait, Friendly, marunong kumanta at mag guitar, may humor, cute, and lastly gwapo! Oh diba! Siya na! Yung iba nga naming ka bus mate nagkakacrush sa kanya, charming kasi eh. hehehehe, hindi ko na din maitatangging nagkacrush ako sa kanya dati, pero saglit lang naman.

--

Mabilis na lumipas ang January, 2nd week na din kasi ng January kami pumasok.. ngayon February na. Mga kinikilig ang bawa't babae nakikita ko sa hallway. Nako, saya nila kasi may mga boyfriend sila.. eh ako wala. HAHAHA! saya! grabe! sobrang saya! note the sarcasm.

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now