"Hi bro!" sabi ni kuya, sabay secret handshake nila ng lalaking kakadating lang sa bahay. Ako naman ay nakatayo lang sa glid ng stairs, nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay. Eh, pano ba naman kasi.. napapadalas na ang punta ni Dane sa bahay namin. Kulang nalang eh dito na siya matulog eh.
"Hi Jaz!" kumaway sa akin sa Dane na ikinataas ko pa ng kilay ko.
"Taray talaga nito oh! Laging gayan ang bungad mo sa akin" patawang sabi ni Dane
I flipped my hair and went upstairs. Narinig ko pang tumawa ang mokong.
"AISSSH" tumalon ako sa kama ko at ibinaon ang muka ko sa unan.
"Bakit kasi araw-araw nandito ang mokong na yun?! laging tumatambay.. eh mukang wala naman silang ginagawa ni kuya, nag iingay lang.." naiinis kong sinabi sa sarili
Inayos ko ang sarili ko at bumaba patungo sa kusina. Nasa sala naman si kuya at ang mokong. Inirapan ko nalang ito ng madaan ako sa kanila at ayun na naman, tumawa na naman ang mokong.
Kumuha ako ng Lays, coke and chocolate sa ref. Nang madaan ako sa sala "Kaya ka tumataba eh" sabi ni mokong, i gave him a dead glare and he chuckled. He's getting on my nerves na talaga ah.
Bahala na nga sila, nako.. pag next week nandito parin yang lalaking yan, nako! matitiris ko na siya! Pati pagkain ko pinakekelaman.
--
"Good Morning" bumungad sa akin ang mokong, si Dane.
Hindi ko siya pinansin at nang maglalakad na ako uli ay hinarangan niya ang dadaanan ko.. pumunta ako sa kabilang side, aba't hinarangan na naman niya, pumunta ako sa kaninang pinanggalingan ko. AY SUS MARIA! Anong meron ba tong lalaking 'to?!
I looked at him, salubong ang kilay ko at siya naman todo ang smile. Kainis ah! Ayokong may nakangiti pagnaiirita na ako.
"TUMABI KA NGA DIYAN!" pilit ko siyang hinawi pero nagmatigas ito
"AISSSSHH! Ano bang gusto mo?!" sigaw ko
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" tanong niya
"NAKAKAINIS KA EH! ALIS!" ibinigay ko na ang buong lakas ko para matulak siya sa gilid.
Naglakad na ako patungo sa classroom ko, "Panong nakakainis?" sumabay ito sa paglalakad ko at nakatingin sa akin.
Jaz, Dedma lang. dedma.
Paulit-ulit siya, hindi talaga ako titigilan nito. Sawakas at malapit na ako sa room! Thank you Lord! Hindi ko na din makikita ang muka nitong lalaking toh na nakakasawa pagmasdan.
--
Mag dedecember na.. malapit nang mag Christmas. Nakaka excite, nararamdaman ko na ang lamig ng panahon. Once a year lang ang Christmas kaya naman talagang pinaghahandaan ni mama ito.
May lechon, pancit, ice cream at kung ano-ano pang paborito naming pagkain ang hinahain niya.
Nagbunutan na din kami ng mga kaklase ko for monito at monita. Nabunot ko si Rina, ano kayang pwede mairigalo sa kanya?
Sino kaya nakabunot sa akin? Sana si Malcolm.. haha! ASA pa ako!
__
*unkown number*
"Buksan mo locker mo :)"
Sino kaya toh? Bakit ko bubuksan ang locker ko eh Christmas party na Christmas party? puro libro lang naman ang laman nun.
Ma replayan nga
"Bakit?"
Ilang minuto lang ang naglipas at nag reply din ito kaagad

YOU ARE READING
Unrequited Love
Teen FictionMay mangilan ngilan din naman sigurong tao ang nakararanas/nakaranas na ng unrequited love.. pag-ibig kung saan iisang tao lang ang nakakaramdam nitong special feelings. Hindi ba masakit? Masakit na umaasa ka Masakit na makita ang taong mahal mo na...