Graduation Ball…
“Tin, andito na ang sundo
mo!”- Tin’s Mom
“Coming, mom!” –Tin
Nagmamadaling kinuha ni Tin ang clutch bag saka inilagay ang wallet at cellphone. Bago lumabas ng kwarto ay tumingin muna sya ulit sa salamin. Suot nya ang dress na binili nila ni Slater at ang stilettos. Naglagay sya ng light make-up. Her waist-length hair was blow-dried. Then, naglagay sya ng manipis na headband na may makinang na studs.
Pinaghandaan nya ang gabing ‘yon. Nagpractice pa talaga syang maglakad ng naka-heels. Nagpa-hair spa din sya, para maganda ang bagsak ng buhok nya.
Kung malalaman ni Slater ang mga pinaggagawa nya, bka asarin sya nito.
Napangiti sya ng maalala si Slater. Since that night na nakulong sila sa student council office ay naging mabait na ito sa kanya. And she was surprised to discover that they had a lot in common. Pareho silang mahilig magbasa ng books, pareho din sila ng mga gustong movies and music.
Pagbaba nya ng hagdan…
“Ok lang ba ang ayos ko?” –Tin
“Hmm, pwede na. At least hindi ka na mukhang halimaw na nakatira sa banga.” –Slater
Alam nyang nagbibiro lang si Slater, nauna na syang lumabas ng bahay bago pa sila tuluyang magka asaran. Ipinag bukas sya ni Slater ng pinto ng kotse nito at nagpaalam sa mommy nya.
Pagdating nila sa hotel, marami rami na ring tao. Sigurado sya na andun na din si Carlo at Wendy. Si Slater ay pinagkaguluhan ng mga kaibigan nitong sina Kevin, Roy at ibang mga barkada nito. Medyo nainip sya habang kinakausap si Slater ng mga kaibigan nito, kaya nilapitan muna nya ang ibang kaibigan nya.
Maraming pumuri sa ayos ni Tin. Gandang ganda sa kanya ang mga kaibigan nya sa kanya. Meaning, mission accomplished si Slater na gawin syang maganda for that night. Ibig sabihin din, may chance na magandahan din sa kanya si Carlo kahit konti.
Nang maalala nya si Carlo ay nagpalinga-linga sya para hanapin ito, pero sa malas ay hindi nya ito makita. Noon naman lumapit si Slater sa kanya.
“Sorry about that, medyo makulit lang talaga ang mga yun.
“Nasaan si Carlo?” –Tin
“Don’t worry makikita mo din yun mamaya. Huwag kang masyadong excited. Bakit, ready ka na ba sa balak mong pagtatapat sa kanya?” –Slater
Napangiwi sya sa tanong ni Slater sa kanya. Plano na nya iyon, kahit noong hindi pa ito nag-aalok ng tulong sa kanya. Medyo naiinip na kasi sya, kaya naisip nyang sya na ang gagawa ng first move. Hindi naman siguro yun mamasamain ni Carlo dahil modern na naman ang panahon.
Pero nang sabihin nya ang plano kay Slater ay kumontra ito. Baka daw ma-turn-off si Carlo sa kanya, pero desidido na sya kaya walang epekto ang mga pagbato nito ng cons sa mga pros nya.
Lumakad sya para maglibot at hanapin si Carlo.
“Hey, san ka pupunta?” –Slater
“Hahanapin ko lang si Wendy.” –Tin, (echos nya lang yun, pero si Carlo talaga ang hahanapin nya.)
Speaking of Wendy, hindi pa rin nya ito nakikita since dumating sila ni Slater sa party.
Pabalik na sya sa function hall, nang may marinig na nag-uusap sa balcony.
“Look, ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? I’ve just told you that I love you. Ang isasagot mo lang is either ‘I love you too’ or the opposite. Why do you have to make things complicated by telling me about someone who loves me?” galit na sabi ng boses na kilalang-kilala niya, sa sinumang kausap nito.
Dahan-dahan syang lumapit sa balcony. At sa madilim na part ng balcony, nakita nyang magkaharap na nag-uusap sina Carlo at Wendy.
“I’m sorry, pero ayokong saktan ang kaibigan ko. So, if you’ll excuse me, I have to go.” Parang maiiyak na sabi ni Wendy, pero bago pa ito nakalayo ay nahila na ito ni Carlo pabalik and kissed her on the lips. (Ouchness!)
Na-shocked si Tin sa nakita, feeling nya ay namanhid ang buong katawan nya. Hindi na nya kailangan makita ang susunod na mangyayari. Sapat na ang narinig at naabutan nya para matanggap na wala talaga syang pag-asa kay Carlo.
Dahan-dahan syang humakbang palayo, para hindi maramdaman ng dalawa ang presensya nya. Nang makalayo na sya ng kaunti ay saka patakbong lumabas sya ng hotel. Wala syang pakialam kung nakakabangga na sya o may nakapansin na umiiyak sya. Ang alam lang nya ay kailangan nyang makaalis dun.
Paglabas nya sa porch ng hotel, ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan na parang nakikisimpatya kung di nang-aasar sa kanya.
Sayang lang pala ang effort ni Slater na tulungan sya. Dahil kahit ano pala ang gawin nya, hinding-hindi sya magugustuhan ni Carlo. Dahil ang bestfriend pala nya ang mahal nito.
Natigilan si Tin sa naisip, alam kaya ni Slater na may gusto si Carlo kay Wendy?
‘Malamang, best friend nya si Carlo eh.’ Naisip niya.
Kung ganon pinagmukha lang pala syang tanga ni Slater. Siguro, para dito ay isang magandang joke ang ginawa nito. Kunwari pa ay tinutulungan sya. Lalo syang napaiyak sa naisip.
Sa kabilang banda…
Kitang-kita ni Slater ang pag-alis ni Tin. Iniwan nya ang mga kaibigan nya para habulin si Tin. He’s worried, nakita nya na umiiyak si Tin habang tumatakbo palabas.
“Shit!” he said when he realized it was raining hard. Sinugod nya ang ulan para hanapin si Tin.
“Tin! Tin!” ,malakas na tawag nya. Pero walang sumasagot.
Hindi nya alm kung ano ang iisipin. Masayang masaya si Tin kanina. Ano ang nangyari at bigla na lang itong nagkaganon? Huwag lang niyang malaman na may ginawa si Carlo rito. Dahil pag nagkataon ay malilintikan ito sa kanya.
Patuloy pa din sya sa paghahanap kay Tin, hanggang makita nya itong nakaupo sa gilid ng drive way. Lumapit sya, naririnig pa nya ang paghikbi nito, lumuhod sya sa harap ni Tin at hinawakan ito sa balikat. Tinabig ni Tin ang kamay nyang nakahawak sa balikat nito at tumayo. Nagtatakang tumayo rin sya.
“Alam mo bang inlove ang kaibigan mo sa bestfriend ko?” –Tin
Natigilan si Slater sa tanong ni Tin. Ang totoo ay walang nababanggit si Carlo sa kanya. Pero matagal na nyang napapansin na iba ang treatment nito kay Wendy. Ngayon ay alam na nya kung bakit nagkakaganito si Tin.
“So, alam mo nga?” – nagconclude agad ito nang hindi sya agad sumagot.
“Tin, I—“
“Pinagmukha mo lang akong tanga! Sana hindi mo na lang ako pinaasa na matutulungan mo nga ako sa kanya. Sana sinabi mo na lang sa akin na wala talaga akong pag-asa sa kaibigan mo. Matatanggap ko naman eh. Kaysa ganito na umasa pa ‘ko para lang masaktan ngayon.” –Tin
“Tin, believe me , hindi kita pinaasa. Hindi—“ –Slater
“Tama na Slater. Nasaktan na ‘ko. Nagmukha na ‘kong tanga. Kung pwede simula ngayon, layuan mo na ‘ko. Ayaw na kitang makita” –Tin
Tinalikuran na sya ni Tin at patakbong umalis. Gustuhin man nyang habulin ito para mag-explain ay hindi na nya ginawa. Para san pa? wala nang balak si Tin na pakinggan sya. Tulad ng dati, buo na ang isip nito na paniwalaang masama sya.
:(((
( Kawawang Tintin.. kawawang Slater.. Hay naku Tintin.. Hindi mo man lang pinakinggan ang explanation ni Slater! Hmpf! )
