Chapter 5

390 7 7
                                    

Chapter 5

Three years later… 

Confident si Tin na naglalakad sa hallway ng Monteverde Technologies. She was beauty, intellect and finesse personified. Wala yatang hindi napapalingon pag dumaraan sya.

Wala na ang Christine na simple at hindi pansinin. Napalitan na ‘yon ng career woman na punong-puno ng confidence sa sarili. Bakit hindi? Siya ang maituturing na pinakabata at pinakamagaling na programmer ng kompanyang pinapasukan nya.

She sighed. Her first heartbreak forced her to change for the better. Ibinaon na nya sa limot ang Tin na trying hard sa pagpapa-impress sa kanyang first love. Hindi na sya bitter sa nangyari noon. Kahit papano ay naka-move on na sya. Kaya lang, minsan hindi rin maalis sa isip niya na kung naging kasing-ganda at fashionable lang siguro sya ni Wendy noon, baka napansin din sya ni Carlo.

‘Here you go again, crying over spilled milk. And I thought you said you’re not bitter?’ ---sabi nya sa sarili, she took another deep breath.

Wala na syang balita kay Carlo. Hindi na nya ito nakita after graduation. Ang huling balita nya ay nagpunta na ito ng ibang bansa at doon nagtrabaho.

Ang bestfriend nyang si Wendy ay nasa Singapore. Doon na tumira ang family nito after college. Hindi na din nalaman ni Wendy ang tungkol sa ka-dramahan nya nung grad ball.

Basta para kay Tin, hindi worth na masira ang friendship nila dahil lang sa isang lalaki.

Bigla nyang naalala si Slater. Nagi-guilty sya, if truth be told. Pagkatapos ng isang buwang pagmumukmok ay na-realize niyang naging unfair sya kay Slater.

She did think the worst of him. Pagkatapos ng lahat ng pagtulong nito ay pinagbintangan pa nya ito ng masama. Ni hindi nya ito binigyan ng chance na magpaliwanag.

In fairness to her self, tinawagan at pinuntahan pa niya si Slater sa  bahay nito para mag-sorry. Pero iba na ang nakatira sa mansion ng pamilya nito at wala ni isa sa mga common friends nila ang makapag sabi kung nasaan na ito. Ilang beses nyang hiniling na makita ito ulit. Gusto nyang makabawi dito, pero mukhang malabo na iyong mangyari.

Iyon ang nasa isip nya nang ipatawag sila sa conference room for an announcement. Nang pumasok na sya ay sa pinakalikod sya pumuwesto. Naisip nya na baka may nag-resign. Kapag may umaalis ay kultura na sa opisina nila na marinig ang farewell message ng concerned employee. 

“Mr. Monteverde decided to retire early. It was quite sudden. The good news is, he assigned a very competent person in his place. Everyone, I’d like you to meet our new director—Mr. Jan Slater Suarez,” –masiglang pahayag ng isang manager. 

Biglang nag-angat si Tin ng tingin at hinanap sa unahan ang lalaking tinutukoy. 

‘Baka kapangalan lang.’ –kinakabahang sabi ni Tin sa sarili. 

Tinitigan nya nang mabuti ang lalaking nakasuot ng business suit. Si Slater, tingin ni Tin ay lalo itong gumuwapo kahit nag-mature ito. Very serious ang mukha nito. Everything about him seemed to mean business. He looked way too far from the happy-go-lucky guy she met in college. But still ito pa rin ang Slater na nakilala nya at sandaling naging kaibigan. Ito ang Slater na paborito syang asarin noon. 

Ano ba iyong sabi ng isang kanta? Tama.

‘Be careful what you wish for ‘cos you just might get it all…’

Nagkatotoo na ngayon ang matagal na nyang hiling. 

( short lang.. hehe! pero tina-type ko na din next chap.! :D ,thank u! )

'Dearest Christine' - SlaTin fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon